Chapter 3- Who the hell is she?

19.8K 195 0
                                    

Gheys POV

Hello! Im Gheys Castro. 19 years old at 4th year na sa Santiago State University. I'm taking computer science yun kasi ang in ngayon at the same time gusto ko rin yung mga pinagaaralan tungkol sa computers. I love color pink and yellow. Isa akong happy go lucky na tao. Basta easy easy lang sa buhay. I like it when I can make others smile. Frustrated artist din ako. I love to draw and paint. Pero ang passion ko talaga yung photography. I feel contented when I capture those precious moments in my camera. Sa isang liblib na lugar kami nakatira. Liblib talaga? Pero hindi naman po ako NPA. Peace. Kasi naman sobrang layo sa city ng bahay namin. Imagine kapag last trip na ng jeep pauwi nasa bubong na ako ng jeep para lng makauwi. Ganoon kalayo ang sa amin. Haha. I have a brother. Mga 10 years ang age gap namin kasi naman si mama may heart disease kaya ganoon katagal bago ako nasundan. Buti nga at may kapatid ako. Si mama at papa naman may sariling business kaya hindi naman sa pagmamayabang pero hindi kami hirap sa buhay.

Anyway, enough na sa biography ko. Nasa dorm ako ngayon at kagigising lang. Yung panaginip na yun nanaman. Ano ba yun? I saw her again. Parang totoo nga yung dream dahil pakiramdam ko yung kamay niya parang hawak ko pa rin. Ang lambot kasi ng kamay niya. Parang walang ginagawa sa bahay.

Bumangon na ako at naligo. Buti na lang at sariling room ko ang nirerentahan ko. Ayoko kasi makisama sa ibang tao kasi naman ayoko yung tulog pa ako tapos may maingay at ayoko din may kashare sa bathroom. Sabihin nyo ng maarte ako pero I just don't like it.

I took a quick shower at nagbihis na ng uniform ko. Binitbit ko na yung back pack ko at syempre my camera. Pinagipunan ko talaga ito. I starve myself to death makaipon lang para sa camera ko.

Pagdating ko sa school diretso ako sa office the school newspaper. Ako lang naman kasi ang official photographer ng main newspaper. Pagdating ko dun binati ako ng mga kasama ko sa org. Mga patay gutom talaga sila. Kumakain nanaman. Wala atang time na hindi sila kumakain. Nakiupo na din ako sa lamesa at kumain ng dala ni Yuan na pansit.

She is my best friend. Same course kame at classmate na din. Half chinese half filipino siya.

"Ano nagpakita nanaman ba sa panaginip si myterious girl?" bulong niya sakin. Sa araw araw yun ang una niyang tinatanong since sinabi ko sa kanya ang tunkol sa dream ko. Minsan nga ang aga pa magtetext na kung may update ako tungkol dun.

Natawa naman ako. "Oo naman. Palagi siyang present sa dream ko. Daig pa ang professors natin. Palaging nandun every night 7 days a week."

"Ano may nangyari namang bago aside sa natititigan lang kayo?" pangungulit niya.

Nagkibit balikat lang ako. So she understood na same pa rin. I remembered the first time na makita ko si myterious girl sa dream ko. Ang ganda niya. Black eyes at long clurly brown hair. Ang kinis ng balat ng lola mo pero hindi naman siya kaputian. Hindi ko alam kung sinong mas matangkad sa amin dahil palagi kaming nakaupo sa dream ko.

Almost 10am na kaya sabay na kami ni Yuan na nagpaalam sa kasama namin at nagpunta na sa classroom. After 3 hours straight natapos na din ung subject ko. Lunch time na at kumain na kami ni Yuan sa favorite tapsilugan namin. Umorder lang ako ng tapsilog at porksilog naman si Yuan.

"Alam mo Gheys sa tingin ko you are meant to be dun kay mysterious girl. Kasi come to think of it ilang buwan mo na napapanaginipan yun so it only means that you are somehow connected to her." sabi niya hangbang ngumunguya ng food niya.

Napaisip ako sa sinabi niya. Heck, pano kaming meant to be e girl siya at ganun din ako. Hindi naman ako lesbian dahil the last time I check I'm attracted to boys though I admit minsan may crush akong mga babae pero I never thought about me being lesbian. Means hinahangaan ko lang yung ganda nila and I don't feel something else. Teka, napagisip isip ko. Iba si mysterious girl dahil I am dying to kiss her. Did I say kiss her? Does that mean I'm a lesbian kahit sa panaginip lang? Dahil hindi ako kumibo nagsalita ulit si Yuan.

"Best, sabi nga nila your dream represents your heart's most desires." napatingin lang ako kay Yuan. So it really means na lesbian ako? Meron din namang tinatawag na bisexual hindi ba? So baka bisexual nga ako. Hay sumasakit lang ang ulo ko kakaisip. Hindi ko pa rin sinasagot ang mga sinabi ni Yuan. Bahala na si batman.

After kumain nagpunta na kami sa next class. Super bored ako dahil sa ayoko talaga ang subject namin. Math ba naman eh. Nahihilo ako kapag nakakakita ng numbers. Haha. Tapos nakikisama pa yung mga letters. Noong bata ako ang math numbers lang walang letters. Pero ngayon pati sila a b c at x nakikisali sa pagpapahirap sa utak ko.

Finally last period na. Thesis making ang subject ko. Madali lang ito pero patayan na kapag delivery na ng thesis.

So wala ng pasok. Tuloy kami ni Yuan sa office ng newspaper. Tatambay lang kami doon since wala naman masyado pinapagawa yung editor namin.

Ganito naman ang everyday school life ko. Every weekdays nasa office lang ako ng org namin at doon ako tumatambay. Kapag wala namang pasok umuuwi ako sa amin.

Almost 7 na ako umuwi sa dorm ko at kumain na din ako sa canteen na malapit sa school. Tinatamad na ako magluto kahit meron naman bigas. Puro delata naman kasi at noodles ang meron.

I turned on my laptop at nagupload ng mga pictures since wala naman assignment. After that logged in sa fb. Ayun kanya kanyang post ang mga friends ko ng kung anu ano lang. So I logged out na at pinatay ko na ang ilaw para matulog.

So there I am again in dreamland with my mysterious girl. I looked at her. She is so beautiful. She tried to kiss me pero sabi ko "Not now my Shane." hala! How in the world I know her name? Tapos nakita ko ngfrown yung face niya parang may gustong sabihin. I told her "In the right time we will meet my Shane."

I suddenly woke up. Heck! Pano ko nalaman yung pangalan niya? So Shane pala. At least may idea na ako about her name. Pero paano ko naman nalaman bigla ung name niya? Hay naku! Makabangon na nga.

The usual na ginagawa ko. Nandito ako sa office ngayon. Nagkayayaan ang group na kumain sa SM. Tutal daw e vacant naming lahat. So there we went to SM at sa Ikabud Restaurant daw kame kakain. Mabubutas nanaman ang bulsa ko nito dahil sa mga patay gutom kong kasama.

Nasa SM na kami at kumakain ng maalala ko na sabihin kay Yuan yung tungkol kay Shane. Yes, hindi na mysterious girl ang tawag ko sa kanya ngayon.

"Yuan may bago akong update." sabi ko sa kanya bago ko isinubo ang paborito kong chicharong bulaklak.

Nakuha naman agad ni Yuan ang ibig kong sabihin kaya humarap siya sakin. "Talaga? Ano naman? Kwento mo in full details dali!" napakademanding. Complete details daw. As if masasabi ko yung part about the almost kiss.

End of chapter.

Unusual Dream (lesbian love sex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon