Chapter 12

13.3K 149 5
                                    

Gheys' POV

Napakasaya ng nagdaang mga days. I couldn't even express it into words. Shane is now my girlfriend and we are so far happy together. We even let her mom know about us and hindi siya tutol sa kung anong meron kame. Pati ang friends niya at si Yuan. Well si Yuan parang lumayo siya sakin. Pero baka nagseselos lang. Eventually she will accepts us too.

Nakalimutan ko nga din yung problem kay papa. Papalagpasin ko na. Ayoko namang magaway sila ni mama at masira ang family namin. Basta sa amin siya umuuwi at okay si mama I'm fine.

Nasa mall kame ni Shane ngayon. We were eating sa isang restaurant ng bigla ko nanamang nakita si papa. Kasama nanaman niya yung batang kasama niya dati pati yung babae. Hindi ko alam ang gagawin ko at napansin ni Shane na hindi ako comfortable. She asked what's wrong pero hindi ako makapagsalita dahil nakatitig lang ako kila papa. Sinundan niya ng tingi yung tinitignan ko and she said kung si papa yun. Tumango lang ako.

"Tara alis na tayo." yaya ni Shane.

"No. Akala ko okay na pero hindi pala. Wait for me." at tumayo ako. Nilapitan ko yung table nila papa. I saw na sobrang nashock si papa nung nakita niya at ako double pa yung sa babae. Namen! Kilala ko itong babaeng ito! Siya yung kumare daw nila.

"Oh hi pa! Nasan sila mama at si Lloyd?" patay malisa ako kunwari at naghahanap sa paligid.

Hindi nakasagot si papa. Yung babae nakayuko lang.

"Wala sila? Hi tita Angie. Si tito po?" baling ko naman sa babaeng kasama ni papa.

"Ahh eh.. Jun alis na kami." sabi niyang bigla.

"O bakit na po kayo aalis? Hindi pa nga po kayo kumakain. Lumapit lang ako kasi nakita ko kayo. If I remember it correctly mga two weeks ago nakita ko din kayo dito." sabat ko sa kanya nung aalis na siya.

"Gheys.. Kasi ganito. Sa bahay na tayo magusap. Nakakahiya na dito oh." sabi ni papa na hindi makatingin sa mata ko.

"Nge may DAPAT po bang pagusapan? Okay. Kung meron sa bahay na. Sige balik na ako sa table ko kumakain din kasi ako kasama ng friend ko. Kain na kayo masarap dito. Minsan sama niyo sila mama at si tito ha. Bye." sabi ko at umalis na.

Paglapit ko sa table namin ni Shane niyaya ko na siyang umalis. Hindi ko na kasi talaga kayang pigilan yung iyak ko. Paglabas namin ng mall at nakasakay na sa tricycle dun ko nilabas lahat ng sakit na naramdaman ko. Umiyak ako ng umiyak.

Pagdating sa dorm inayos ni Shane yung mga gamit ko. Sabi niya sa bahay na nila ako matulog ngayon. I felt so numb. Sumasabay lang ako sa bawat akay ni Shane sa akin. All I know is the pain inside me is killing me. I even saw my family being ruined in front of my face.

Pagdating ko sa bahay nagulat si tita dahil kasama ako ni Shane. Ang alam niya kakain lang kami sa labas. Nakita pa niyang mapula yung mata ko. Tinanong niya si Shane pero wala siyang sinabi. I thanked her silently for respecting my privacy. But I really need to burst out. Hindi ko kaya ang nararamdaman ko.

To my surprise tita hugged me. Hinaplos niya yung likod at sinabing iiyak ko lang daw lahat. What made me cried the most was nung sinabi niyang open palagi ang bahay nila sa para sa akin dahil tinuturing na niya akong anak.

While sobbing sinabi ko lahat kay tita. She did not say anything pero nararamdaman kong nandun lang siya pati si Shane para sa akin.

Then naligo na ako. I need to freshen up, baka sakaling mabawasan yung bigat na nararamdaman ko. But hell walang epekto. Pumasok na si tita sa room niya at ganun din kami ni Shane.

Pinaunan niya ako sa arm niya at niyakap niya ako ng mahigpit. The only good thing about what's happening to me was nandito si Shane kasama ko.

"Everything will be okay. Iyak ka lang. Nandito ako hindi kita iiwan." sabi ni Shane.

Naiyak nanaman ako lalo. I felt so incomplete yet complete. Ang gulo noh? Ganito kagulo nararamdaman ko. Incomplete dahil sa nangyari kanina. Complete naman dahil my Shane is with me and her mom.

Narinig kong ngring yung phone ko.

"Si papa mo yung tumatawag. Sagutin mo na. You need to talk." sabi ni Shane.

"Ayoko muna. I will surely breakdown kapag ngayon ko na kinausap si papa. If you don't mind pwede paki sagot and tell him that I will talk to him soon pero not now and not to worry about me."

"Okay."

At sinagot na nga ni Shane. Sinabi niya yung pinapasabi ko at sinabi pa niyang not to worry about me dahil safe siya at may kasama and she ended the call.

"Thanks." sabi ko.

Humiga na ulit siya sa tabi ko."Alam mo naman na kahit aning mangyari I'm here for you. Don't ever forget that. Mahal na mahal kita Gheys" then she kissed me.

"I know. Thanks ulet." that made me smile a bit. Buti na lang talaga nandito si Shane.

"Pupunta daw pala si papa mo pati yung girl sa dorm mo bukas. They will talk to you."

"Okay. I guess tomorrow's gonna be a very long and painful day."

"I'm just a text away ha? Or I wait sa labas ng room mo para kapag kailangan mo ako nandun agad ako."

"You will do that?"

"Oo naman. Kung pwede nga lang sasamahan kita hanggang sa loob pero I know it should only be between you and your dad. But nasa malapit lang ako."

"Ang swerte ko sayo. I love you."

"Parehas lang tayong swerte. I love you too." then she kissed my eyes and my nose na namumula na kakaiyak.

"Sleep ka na. You need to take a rest."

"I can't. Ayaw tumigil ng utak ko kakaflashback sa nangyari kanina."

"I'll make you milk. Aantukin ka dun. Wait lang."

Then she came back with a glass of warm milk. Pinaubos talaga niya sa akin yun. Tapos after few minutes pakiramdam ko bumigat yung mga talukap ng mata ko.

"Good night babe. Mahal na mahal kita. I will be with you everytime you need me. Hinding hindi ko iiwan ang babe ko."

Yun na ang huli kong narinig at nakatulog na ako sa pagod kakaiyak.

End of Chapter

Unusual Dream (lesbian love sex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon