Chapter 10

14.3K 200 6
                                    

Gheys POV.

The week had passed ng hindi ko namamalayan. Naging sobrang close na kami ni Shane. Every after class nasa dorm ko lang siya at kapag vacants naman namin tinatawagan ko siya or siya ang tumatawag.

-SATURDAY MORNING-

Sobrang excited na akong magpunta sa bahay nila. I am waiting dito sa sakayan nila ng tricycle papunta sa mismong bahay nila. Tinuro ni Shane kung paano magpunta dito. Ayun dumating na din siya sa wakas. Nakashorts lang siya at nakashirt. Oh my.. Ngayon ko lang nakita yung legs niya. Something that everyone will surely drool about. Pasimple pa ako nagpunas ng lips baka meron ngang laway na tumulo. Tapos that smile. Sino bang hindi maiinlove sa babaeng ito? Yes, I admit that I'm undeniably in love with her. My Shane. Kahit na kelan ko lang siya nakilala. Ang sweet niya caring at thoughtful.

Tapos sumakay na kame ng tricycle. Ang layo din pala ng kanila. Tama nga siya nakakalito at mawawala ako kapag pumunta ako sa kanila. Then I met her mom. Parang nakita ko si Shane sa pagtanda niya. Kamuka niya talaga si mama niya.

Ang sarap kausap ng mama niya. I felt that I am very welcome sa bahay nila. May pinakiabot pa si mama niya sa akin tapos tinawag niya akong anak. I felt something warm embraced my heart. Indeed I just found my second mom.

Kwentuhan lang kame tapos si Shane nakikinig lang. Minsan sumasabat siya lalo na kapag ikinukwento na ni tita yung mga kalokohan niya nung bata pa siya. Nagpaalam si mama ni Shane na aalis dumating daw kasi yung kapatid niya kaya dalawa lang kame ni Shane na naiwan sa bahay nila.

"Ang daldal ni mama noh? Sorry ha napasabak ka sa umaatikabong kwentuhan. Haha." sabi ni Shane.

"Okay lang yun. Ang bait nga ni mama mo. Feel at home na ako dito eh. Parang gusto ko ngang bumalik bukas. Haha." sagot ko naman.

"Sure dito ka na lang sleep samin. Uuwi ka ba sa inyo?" alok niya sakin.

Wow! Sleep over?! Dito kila Shane! Naman sino bang aayaw dun? Oo naman gusto ko. Kaya lang parang nakakahiya sa mama niya. Baka anong masabi nun sakin. Pero gusto ko talaga na dito na matulog para makasama ko pa ng matagal si Shane.

"Ahem. Gheys pwede wag mong kinakausap yung sarili mo at sagutin mo ung tanong ko? Palagi kitang nakikitang ganyan ang muka mo kapag kinakausap mo sarili mo eh."

Hala. Pati yung pakikipagusap ko sa sarili ko nahalata na niya. I smiled and agreed na dito na matutulog.

Sakto namang tumawag si tita. Sibi niya ililibre daw sila nung kapatid niya sa hotel kaya hindi siya makakauwi at pinakiusapan pa ako na samahan si Shane dito sa kanila. Kapag sinusuwerte ka nga naman! :)

So I ended up staying in their house.

We ate our dinner at since gabi na nagsara na siya ng tindahan nila. Nasa sala nila kami ngayon. Watching movie habang may snacks. Nakakatakot yung palabas. Sa totoo lang wala akong maintindihan sa pinapanood namin. Pano ba naman inakbay niya yung kamay ko sa balikat niya tapos nakasandal siya sakin. Ang bango niya at sa totoo lang gustong gusto ko itong ganitong malapit siya sa akin.

Natapos yung pinapanood namin ng wala akong naalala. Maraming tumatakbo sa isip ko. Katulad ng gusto ko siyang halikan. Gusto ko siyang yakapin at marami pa.

Nagyaya na siyang matulog. Pinahiram muna niya akong ng damit at undies. Sabi ko nga wag na. Sabi naman niya hindi pa daw niya nagagamit yun kaya okay lang daw. So wala nga akong nagawa kundi gamitin lahat ng pinahirap niya. Pati toothbrush binigyan ako since may extra naman daw siya na hindi pa tin gamit.

Nasa room na niya kame. Grabe sobrang organized ng mga gamit niya. Yung mga books niya nasa bookshelves may maliit siyang study table at may mga papel na nasa ibabaw. Mga shoes niya na pang school nakahiwalay sa mga sneakers niya. Basta lahat ng bagay sa room niya may sari-sariling lalagyan. Ang cute din ng room niya. Different shades of blue ang ginamit. Yung bed niya ang nakakatuwa. Kasya kaya kame dun e parang pang isang tao lang at eto pa 5 ang pillows niya na malalaki. Tapos yung bedsheet pa may print ng stars and moon.

Nauna akong pumasok sa room niya. Nahihiya pa akong umupo sa bed niya.

"O ano pang ginagawa mo? Halika na tabi kana sakin."

"Okay. Sa tingin mo kasya tayo sa bed mo? Pwede naman ako sa baba."

"Patawa ito. Pagkakasyahin natin yan. Lika na antok na ako dali."

At humiga na ako sa tabi niya. Nung una ayokong gumalaw kahit na sobrang kinikilig na talaga ako. Tapos humarap siya sakin at yumakap pa. Yumakap din ako sa kanya at tinitigan ko yung face niya since may dim light na nakabukas.

Nagulat ako nung dumilat siya at nagsmile.

"Matunaw naman ako. Good night babe." sabay smack sa lips ko tapos pumikit ulit siya.

Since nilapit niya yung ulo niya sa may chest ko for sure naririnig niya ngayon kung gaano kalakas yung heartbeat ko. Oh my! She just kissed me. At kung tama yung narining ko tinawag niya akong babe.

"Ang bilis ng heart beat mo. Baka maheart attact ka naman niyan ha. Relax babe." sabi niya bigla at yumapos pa ng mahigpit sakin.

Akala ko tulog na siya. Triple at ang bilis ng beat ng puso ko ngayon. Ano ba naman kasi ang ginagawa nitong babaeng ito sakin.

Inangat niya ulit yung ulo niya. Tapos nakatingin lang siya sakin. "Ano magrerelax ka ba o sa kabilang room na lang ako matutulog? Ang bilis nanaman ng heartbeat mo."

I took several inhales and exhales. Tapos feeling ko normal na heartbeat ko.

"Ayan okay na. Akala ko naman napano ka na. Bigla ba naman bumilis yan e." sabay turo sa chest ko. Pumikit na ulit siya.

"Ahm Shane. Shane?"

"Hmm?" tapos tumingin siya sa akin.

I crossed the distance between us. Ang lambot ng lips niya. Ang tamis pa. Sobrang tagal ko na talagang gusto na mahalikan siya.

She answered to my lips exactly to what I imagine her to do. Every suck that I did she gave me what response I want. Every lick that I did to her lips She also does the same. She even caught my tongue and gently sucked it. Her lips were the sweetest thing I've ever tasted. As if my world stopped from revolving and the time had stopped from moving. Hinahaplos pa niya yung likod ko. Sobrang sarap ng nararamdaman ko. Sa dream ko pa lang pinapangarap ko ng mangyari ito.

Then our lips parted. Nakatitig lang siya sakin.

"Ahm... Ano.. Ahh..." wala akong masabi. Nakatitig pa rin ako sa lips niya.

She just smile ang gave me a quick kiss on my lips. "Good night ulet babe." Tapos pumikit na siya.

I can now hear her little snores.

I can't believe how amazing that was. Then I closed my eyes. Yumakap ng mahigpit sa kanya at natulog na.

End of chapter.

Unusual Dream (lesbian love sex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon