My Phenomenal Star

2.6K 75 6
                                    


*inspired by the My MVP at FEUS*

Nov. 9, 2015

Pauwi na ako mula sa isang nakakapagod na araw. Natraffic nanaman ako sa EDSA. Pilit kong ibinaling ang atensyon ko sa ibang bagay para mawala ang aking pagkainis sa mabagal na usad ng trapiko.

Nabaling ang atensyon ko sa isang bagay na ibinigay sakin kanina lamang. Mula iyon sa isang voting poll na naipanalo ng mga fans natin. Ang mga martyr nating tagahanga. Kinuha ko ito mula sa passenger seat ng  sasakyan. Tinitigan ko ito, actually yung mukha mo lang talaga. Muli kong inalala ang lahat lahat kung saan tayo nag umpisa. Gusto kong ikwento ulit sayo ang lovestory nating "Always" na naging "Almost".

Naaalala ko nung doon palang tayo sa itaas nagkasama. Isang linggo tayong magkatabi. Isang linggong kulitan at asaran. Palagi mong pinaglalaruan yung buhok kong kulot. Pinasayaw mo pa nga ako diba? Pero biglang nagiba yung tingin mo, ewan ko pero nag iba talaga yung mga mata mo.

Napakasaya nung araw na inanunsyong permanente na akong kasama sa pamilyang kinabibilangan mo. Mula sa simpleng guest ay ginawa akong host. Di ko namalayan, yun na pala ang simula ng ating mas malalim na pagkakaibigan.

Dumaan ang araw at buwan. Mas naging komportable tayo sa isa't isa. Ang sarap mo pala talagang maging kaibigan. Walang araw na hindi mo ako napapangiti. Kapag may problema ako, kahit madaling araw ay pupunta ka sa bahay para lang icheck kung okay lang ako. Nandyan ka lang palagi para sa akin.

Di ko malilimutan yung sinusunod natin ang bawat utos ng tagapagsalaysay. Mangingisada ka at ako ang asawa mo. May pinapagawa sayo na alam ko namang di mo gagawin kasi nga kagaya nga ng sabi mo, "Di tayo talo girl". Ang yabang ko pa non kasi kampante ako, akala ko di mo itutuloy. Akala ko lang pala. Hinalikan mo ako sa harap ng milyong lilyong manonood. Natawa nalang tayo non kasi kakaiba yung trip natin para lang magpasaya ng tao.

Sinanay natin ang isa't isa sa akbay, backhugs, halik sa pisngi at holding hands. Nasanay tayong tayo lagi ang naguusap kapag commercial break. Nasanay natin ang isa't isa sa pangakong "walang bibitaw." Sa sobrang sanay na natin sa isa't isa di natin namalayan na unti unti narin tayong nahuhulog sa isa't isa.

Pilit kong dumistansya. Pero di ko kayang lokohin ang sarili ko, hinahanap hanap ko ang mga yakap at pang aasar mo. Sumabay pa ang panunukso ng mga host dahil sabi nila ay bagay raw tayo.

Isang gabi nag text ako sayo, "****, Nadedevelop na yata ako sayo." akala ko nagalit ka dahil ilang minuto ka ring di nagreply. Tumawag ka. Di ka pa rin nagsasalita. "Natatakot ako kasi parang nagkakatotoo na tayo." sabi ko. Tila isang musika sa aking tenga ng sabihin mong. "Wag kang matakot, tototohanin natin to."

Kung may mga taong di nakakakilala sa atin ay aakalaing magkasintahan tayo. Sa likod man o harap ng camera ay pinaparamdam mong mahal mo ako higit pa sa isang tunay na lalaki. Minahal mo ako na di iniintindi kung ano mang sasabihin ng mga nakakakita. Minahal mo ako kahit palihim lang. Minahal mo ako kahit tayong dalawa lang ang nakakaalam.

Pero nakalimutan nating may mga una tayong minahal.

Nagkasundo tayong sisiguraduhin ang nararamdaman. Iiwas. Lalayo. Nangakong kahit anong mangyari ay mananatili tayong magkaibigan. Lumabas ka ng bansa kasama sya. Ako, nanatiling naghihintay kasama ang lalaking una kong minahal.

Ilang linggong wala ka. Ilang araw akong nagtiis na di ka kasama. Siguro mas pinili mo sya. Mas matagal kayo. Siguro ay na bigla ka lang sa naramdaman mo sa akin. Pero isang araw, nagbalik ka. Mas masaya. Mas masigla.

Mas dumalas ang mga akbay, yakap, at minsa'y na uulit pa ang mga halik sa labi. Madlas mo ring amuyin ang bibig kong amoy bawang. Nagkaroon tayo ng mga anak, hindi literal na anak kundi mga tagahanga. Siguro'y maliban sa atin ay nakikita rin nila ang totoong kislap sa mga mata natin kapag kasama ang isa't isa. Pana'y ang panunukso sa atin. Umaarte ka na ayaw mo. Ako naman ay pangiti ngiti lang. Alam natin ang ipapakita sa ibang tao dahil ayaw nating may makaalam.

VICERYLLE FILESWhere stories live. Discover now