SECRET LOVE SONG

1.4K 52 3
                                    

#VKimagine
*kunwari boyfriend pa lang ni K si Y*

Nagkaroon ng emergency meeting ang st staffs at host dahil hindi makakarating ang special guest nila para sa Valentines special, ang girl group na Little mix. Nagkaroon kasi ng aberya  sa flight nila dahil sa snow storm sa panggagalingan nilang bansa.

ST staff: Direk, kahit kumuha pa tayo ng private plane hindi na po talaga kakayanin. Bukas na po ang valentines special.

Direk: paki contact ang kathniel, jadine or lizquen.

St staff: nacontact na po namin sila at lahat po ay may prior commitments na bukas.

Direk: Vhonganne, kayo nalang sumalo sa prod bukas?

Nagaalinlangan ang Vhonganne dahil special episode sila bukas.

Anne: Kantahan yan direk. Go ako jan kaso si Vhong.

Vhong: direk di mo ko mapapakanta ng live alam mo yan. Mag invite nalang tayo ng loveteam na parehas marunong kumanta.

Nag agree naman ang iba pang naroon.

Ilang saglit natahimik ang lahat. Wala na kasi talaga silang option. Aligaga ang mga staffs kakacontact sa ibang loveteams ng abscbn. Ang ibang host maliban kay Vice at Karylle ay pareparehas ng naiisip. Si Karylle ay nirereview ang article na sinusulat nya para sa isang news paper. Si Vice ay nakatitig lang sa kawalan dahil nagiisip sya ng mabilisang prod na pasabog.

Jugs: ehem.

Napatingin naman lahat ng tao sa loob ng kwatong iyon.

Jugs: eto, suggestion lang to ha. Lalayo pa ba tayo? Nasa loob na ng kwartong to ang isa sa mga pinaka may hatak na loveteam worldwide at never tayo iniwan ng mga fans nila. Sabihin na nating hindi ito kasing tindi ng kathniel or jadine pero sila ang pioneer loveteam ng noontime four years ago. I think it's time to give back.

Sabay sabay ang tingin kay Vice at K. Napatingin si K kay Vice na parang hinihintay ang sagot nito.

Mukhang wala na rin silang kawala kaya...

"Okay, K and I will do it." Nagpalakpakan ang mga staffs dahil sa wakas ay may sulosyon na sila. Una pa lang ay Vicerylle talaga ang gusto nilang ipalit sa prod, nakikiramdam lang sila kung ready na ba ang dalawa na magsama sa isang prod.

Agad naman nilang binigay ang lyrics ng kakantahin ng vicerylle bukas.

Direk mouthed "thank you" to Vice bago iajourned ang meeting.

Panay ang explain sa kanila ng mga staff na ifamiliarize yung song at bukas ng 9am ang calltime nilang dalawa para makapagrehearse.

//

Isa isa ng naguuwian ang mga host. Nagliligpit na ng gamit sila Vice ng pumasok si Karylle sa DR.

Automatic na lumabas sila Buern at isa isang bumeso kay k bago umalis.

"Vice thank you ha"

"Para saan?"

"Yung sa prod bukas."

"Trabaho natin yun no."

" di lang basta prod yon Vice. 4th anniversary na natin. At first prod natin to after what happened to us. First prod natin while hiding." Lumungkot ang boses ni K.

"Shh. Nandito pa rin naman tayo diba?" Pilit na ngiti ang sinukli ni Vice.

Tumango lang si K. Hinigit sya ni Vice papalapit at niyakap. K rested her head sa chest ni Vice.

"Wag nga tayo magdrama girl. Sayang muk ap." Pabaklang sabi ni Vice. "Kantahan nalang kita para di ka na sad."

Hinigpitan nya ang pagkakayakap kay Karylle. "Wag kang bibitiw kay bakla, wag kang bibitiw kay wakla hahaaa." Pabirong hinampas naman ni K si V.

VICERYLLE FILESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon