karceral part 1

849 26 0
                                    

#KarCeralSeries
Ang Pagtatapos - part 1
Di Gaya ng inaasahan ay di nagkita nung araw na yon si Karylle at Viceral. May taping pala sa ibang show si Viceral. Medyo nalungkot si Karylle dahil di nanaman nya nakita si Viceral at syempre matik na absent today si Vice.
//
Kinabukasan ay nagkaroon sila ng meeting about sa gaganaping#ShowtimeKapamilyaDay sa Araneta.
"Oh tapos na tayo sa opening prod, sa mga loveteams naman tayo." sabi ni Direk at napatingin naman ang ibang host sa VhongAnne at Vicerylle na magkakatabing nakaupo sa dulo ng mesa.
"My plan is gagawin nating live music video ang prod nyo, live kakantahin yung kanta for VA, it will be a mini act, pasweet lang. Pakicontact si Yeng ha." utos ni direk sa staffs. "Kayo Vicerylle, gusto makita ng mga fans si Viceral so kailangan kantahin nyo ng Live yung Vicerylle song."
"masyadong predictable yan direk." pagsingit naman ni Vice. "Kung ipakanta natin kay Jugs yung Inlove ako Sayo habang nagpplay yung music video sa LED?"
"Saan naman kayo lalabas ni Karylle dun? O baka naman mag offcam nanaman kayong dalawa. Nakoo ha." panunusot ni Anne sa Vicerylle, muli na kasing nanunumbalik ang pagiging clingy nila sa isa't isa.
"Syempre pasabog yung samin ni K, first time sila magkikita ng alter ego ko. Di pwedeng puchupuchu, dapat special. Diba K?" sabay lingon ni Vice Kay Karylle na parang out of focus. "Uyy K."
"Ahh-ehh oo naman Vice, pasabog dapat kasi diba FOR THE FANS?"
"oo, for the fans." pagsangayon ni Vice. "and also for us K." dagdag pa ni Vice ngunit sinarili nya nalang iyon at muling nakinig sa iba pang plano sa Kapamilya Day.
-----

VICERYLLE FILESWhere stories live. Discover now