Ginigirlfriend o Binebestfriend?

923 38 0
                                    

#VKimagine
Kasalukuyang nasa eroplano ang ST hosts. Pupunta sila sa USA para sa isang show. Sa di inaasahang pagkakataon ay magkatabi ang Vicerylle. Kakatapos lang ipalabas sa mga monitors ng bawat upuan ang movie ng Kathniel na Must be love.
Kinalikot ni Vice ang phone nya, wala kasi syang magawa kaya nagselfie nalang sya ng nagselfie. Si K naman ay parang malalim ang iniisip. Nahagip ng camera ni Vice si Karylle kaya ginulat nya ito kunwari.
"Huy! Ang lalim girl! Ano ba ineemote mo jan?"
"Vice." seryosong tumingin si K kay Vice. Sumeryoso na rin si Vice.
"Halimbawa nagkagusto ako sayo, ako ba yung babaeng lalandiin mo lang tapos ibe-bestfriend o ako yung babaeng ginigirlfriend?"
"kaloka ka girl. None of the above."
napapout nalang si Karylle at umayos ng upo. "friendzone talaga ko sayo Vice." at tsaka nagsuot ng headphones si K.
"Ikaw kasi yung babaeng pinapakasalan. Yung babaeng ihaharap ko sa altar at mamahalin habang buhay." mahinang sabi ni Vice dahil kampante syang di ito na rinig ni Karylle.
"Talaga? Papakasalan mo ko?" nakangiting sabi ni Karylle.
Nanlaki ang mata ni Vice, ni hindi nya matignan si Karylle. "ahh-eeh, mag CR lang ako, kumulo nanaman tyan ko eh. Excuse ha."
natatawa lang si Karylle dahil biglang naaligaga si Vice. Narinig nya lahat ng sinabi nito dahil di pa nakaON ang iPod nya.

VICERYLLE FILESWhere stories live. Discover now