Exchange Gift

1K 29 0
                                    

#VKimagine
Showtime Christmas party. Nagbibigayan na ng exchange gifts ang mga host at staffs. Hawak ni Karylle ang isan box. Hinahanap ng mga mata nya si Vice.
"Ako ba hinahanap mo?" biglang sumulpot si Vice sa harap nya na ngiting ngiti.
"Ahh oo, ikaw kasi nabunot ko. Oh, eto. Merry christmas." iniabot ni K ang box kay Vice.
Hinawakan muna ni Vice ang kamay ni Karylle na nakahawak sa box bago tuluyang kuhain ang box.
"paraparaan ka ha." pabirong sabi ni K. Si Vice naman ay masayang binuksan ang regalo.
"Susi??" pagtatakang sabi ni Vice. "OMG! Kotse ang regalo mo?" eksaheradang sabi ni Vice.
"Susi yan ng kotse ko. Nasa loob nun yung regalo ko."
Nagpaalam muna sila sa mga kasama na kung saan ay nagkakasiyahan sa Videoke.
Pagdating nila sa kotse ay binuksan ni K ang likurang bahagi nito.
"medyo mabigat kasi kaya di ko nadala sa loob."
Tinanggal ni Vice ang nakabalot. Isang crystal horse na nakataas ang dalawang paa. Nakaukit sa katawan nito ang salitang 'Phenomenal'.
"Wow. Ang ganda!!! Bongga ha, di ka nagkuripot dishir!"
Matapos usisain ni Vice ang regalo ay nagpasalamat sya kay K. Ipapakuha nya nalang ito sa driver nya mamaya pag uwi.
"Halika na sa loob, baka hinihintay na ako nung nakabunot sakin." pagyayaya ni K.
"Matagal ka na nya hinihintay." Pero di ito pinansin ni K at patuloy pa rin sa paglalakad.
Natigil sya sa paglalakad ng hawakan ni Vice ang kamay nya.
Nagtatakang tinignan nya si Vice. Kinuha ni Vice ang maliit na box sa bulsa nya.
"oh."
"Ano to?"
"Ako nakabunot sayo. Maliit lang yan. Wag kang choosy."
Pagbukas ni Karylle ng box ay makinang na pares ng hikaw ang bumungad sa kanya.
"Vice, di ko matatanggap to." pag aalinlangan ni K dahil masyadong mahal iyon para sa exchange gift. Kagaya iyon ng hikaw na diamond ni Vice ngunit mas maliit ito.
"shhh, tanggapin mo nalang."
"Pero--"
"wala ng pero pero, para sayo talaga yan. Para terno tayo, loveteam ganern!"
Wala ng nagawa si Karylle kundi tanggapin ang regalo.
"oh sige na, for the fans." at sabay na sila pumasok sa loob.
------
Nagkukulitan ang mga host backstage.
Vhong: Nilakihan ko yung sinabit kong medyas ngayong pasko.
Anne: Bakit naman?
Vh: Ikaw kasi ang gusto ko ngayong pasko.
Anne: *Kileg*
Jugs: Oh di papatalo Vicerylle jan!
Vice: kami nanaman ni K nakita nyo. *di pa rin inaalis ang tingin sa phone*
Vhong: KJ naman neto. Ikaw nalang K.
K: Okay. *agad nakisakay si K sa trip ng mga host* Vice, sabi sa kanta give love on christmas day. Pwede bang maka hingi ng konting pagmamahal? *pabirong sabi K na pataas pataas pa ang kilay. At nang tumingin sa kanya si Vice ay kinindatan nya ito*
Vice: di mo na kailangan hingiin, kusa ko namang ibibigay eh. *husky voice ang gamit ni Vice at nakatitig kay Karylle*
Vhong: Trutulayp ah.
Vice: May sinasabi ka Vhong?
Vhong: sabi ko Trutu. Tru tu inumerzz, yung sa movie mo diba?
Vice: Kruk kruk yon!

#VKimagine
New Year's eve. Kasalukuyang nasa Valkyrie si Vice.
Nasa isang table sya malapit sa DJ, nag bbrowse sya ng mga tweets at post ng mga host ng ST. Kanina pa kasi sya sayaw ng sayaw kaya nagpahinga muna sya.
Nakita nya ang mga instagram post nila Coleen at Billy na nasa Palawan. Si Anne naman ay kasama ang pamilya nya sa New York at si Vhong naman ay nasa Japan naman. At ang ibang mga host ay nasa mga bahay lang nila nag celebrate. Patuloy lang sa pag scroll si Vice ng makita nya ang post ni Karylle.
"New Year's eve companion." Kasama nito sa litrato si Vicekee at mga anak nito na nakasuot ng party hats.
Nagtaka si Vice dahil bakit di kasama si Yael sa picture.
Sinubukan nya lang tawagan si K. Nais nya lang sana batiin ito.
Lumayo sya sa mga tao at nagpunta sa medyo tahimik na lugar.
"Hello K."
"Oh Vice, napatawag ka?"
"Batiin lang kitang Happy New Year, mahirap na kasi tumawag mamaya kaya inadvance ko na."
"Thank you! Happy New year din Vicey! Love you!" Masiglang bati ni K.
"Saan ka ngayon? Pumaparty ka ba?" Kunwaring tanong ni Vice, ngunit alam naman nya talaga na nasa bahay lang si K.
"Sa bahay lang ako. May gig kasi si Yael sa MOA. Yung sa countdown. Ikaw? Saan ka?"
"Papunta na jan." Sabay baba ni Vice ng phone nya.
Nagpaalam lang sya sa mga kasama at tsaka nagdrive papunta kay Karylle.
Pagkarating nya ay agad naman syang pinagbuksan ni K.
"Naligaw ka ata Viceral? Nasa Valkyrie sila Buern ah."
"Pwede papasukin mo muna ako? 2 minutes before 12. Baka maputukan ako dito sa labas, majuntis pa aketch." Hinila nalang ni Karylle si Vice at dinala ito sa dining room.
"Oh ayan, bat ka ba nagpunta? Alam mo namang delikado sa labas." panenermon ni Karylle kay Vice.
"Kasi if the title holder does not fulfill her duties as a Miss Universe, the first runner up will take over." nakapamewang na sabi ni Vice.
"Ha?" tila di pa rin naiintindihan ni K.
"Diba si Yael ang title holder. Ako yung first runner up. Wala sya so ako muna. Sasamahan kita."
Tila namula naman si Karylle sa mga sinabi ni Vice. Sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid.
"10.. 9.. 8.." malakas na sound ng tv ang bumasag sa katahimikan. nagcocountdown na ang mga tao sa MOA.
"Paano ba yan Vice, ginusto mo to eh. Buong taon mo ko makakasama." Pagbibiro na ni Karylle. Naniniwala kasi ito na kung sino ang kasama sa bagong taon ay ito rin ang makakasama buong taon.
"Okay lang, wala naman akong balak iwan ka girl." pabaklang sabi ni Vice.
"4.. 3.. 2.. 1.." hinawakan ni K ang kamay ni Vice at pumunta sila sa sala. Nag tatatalon si K sa sala habang ang mga aso nya ay paikot ikot na parang nagcecebrate din. Tumatalon na rin si Vice. Magkahawak pa rin ang kamay nilang dalawa.
Nang makahanap ng tyempo ay hinalikan ni Vice si Karylle sa pisngi. Natigilan naman si K.
"Para buong taon pwede kita halikan." Nagbigay ng nakakalokong ngiti si Vice. Hinampas lang sya ni K.
"Isang taon ka ring may hampas."
"Okay lang para galit galit para makahalik ulit tayo sige ka." panunusot pa ni Vice.
Niyakap sya bigla ni Karylle.
"I'm so blessed to have you as my friend Vice." mas humigpit ang yakap ni K.
"You'll always have me. I'm all yours." mahinang sabi ni Vice.

VICERYLLE FILESWhere stories live. Discover now