Victory Party

1.8K 61 1
                                    

Isa isa ng dumarating ang mga panauhin para sa BATB Victory Party.

Kasalukuyang nasa sasakyan palang si Vice patungo sa Revel at The Palace.

Nakikipag kulitan sya sa mga ST host sa group chat.

Vice: Malapit na, atat na kayo makita kagandahan ko.

Jugs: Nako ate, lasing na si Ryan sa sobrang tagal mo.

Vice: Kahit naman di makainom yan eh mukhang may tama yan. Charoooot!

Ryan: Grabe ka Mommy!

Anne: teh hahabol ako ha! Love you!

Jhong: *sends a photo* (picture nya kasama si Teddy at Jugs sa party) Vice: oh nasaan si Vhong.

Vhong: DI AKO INVITED.

Jugs: HAHAHAHA!

Vice: Hoy Ferdinand umayos ka. Vhong: WALA AKONG DRIVER.

Jugs: parang may naaalala ako jan ah!

Vice: Tapos sunod nyan tinatamad sya. Isusumbong kita kay Karylle.

Vhong: sumbong mo, kampi kami nun! Habol nalang ako, nagpromise kasi ako kay Tanya na sasamahan ko sya mamaya. Pupunta ko :D

Jugs: buti wala pa si Karylle dito!

Saglit na napatigil si Vice. Bakit wala pa si K? Isip nya.

Agad nyang tinawagan ito. Bago kasi sila umalis sa studio ay inassure sya nito na makakadalo ito at nag joke pa nga na 1 year nya pinaghandaan ang Victory party na iyon.

Calling Karylle...

"sagutin mo AnaKarylle." bulong ni Vice habang hinihintay ang pagsagot sa kabilang linya.

Ilang ring pa ay wala pa ring tugon.

Inayos nya ang sarili dahil tanaw nya na ang events place kung saan ginaganap ang party.

Nagsend sya ng text kay Karylle. "Subukan mo di pumunta, 5 months tayong LQ!" Konsensya ni Vice: Ayy masyadong hard. Delete.

"K, nasaang lupalop ka na ba? Ipapasundo na kita, gusto na kita makita." Konsensya ni Vice: Masyadong obvious. Delete.

"San ka na girl?" Konsensya ni Vice: ayan! Ganyan! Simple at pabakla dapat para di halata. Isend mo na yan beks!

Sent!

//

Pagpasok ni Vice ay sangkatutak na flash ng camera ang sumalubong sa kanya. Ngiti at palakpak naman mula sa mga kaibigan nya.

Sinalubong sya ng ilang malalapit na kaibigan para batiin. Kanya kanyang selfie ang mga ito.

Makailang saglit lang ay inisa isa nya na ang mga tables. Puro hampas at pabirong sabunot ang bungad sa kanya ng mga kaibigan mula sa comedy bar. Sa iba naman ay puro biruan rin.

Nang makarating na sya sa ST Host, "Congratulations Vice!" sabay sabay na bati ng mga ito. Isa isa silang bumeso kay Vice.

"oh nasaan si Karylle? Wala pa ba?" tanong ni Vice sa kanila.

"Kanina pa walang paramdam sa GC yun." singit ni Teddy.

"Oh si Vhong parating na." Sabi ni Jhong.

Tumalikod muna saglit si Vice para tawagan si Karylle.

Calling Karylle...

"Hello?"

"Bakit ngayon mo lang sinagot? *Di mo na nga ako sinagot pati ba naman tawag ko ayaw mo sagutin? (isip ni Vice)* Nasaan ka na ba girl?"

"Eto naman, magkasama lang tayo kanina miss mo na agad ako." patawa tawang sabi ni K sa kabilang linya.

"tse, nasaan ka na nga?" kunwaring irita si Vice pero mababakas ang ngiti sa kanyang labi.

Mayamaya pa ay may biglang yumakap sa kanya mula sa likod.

"Happy Victory Party!"

Napatulala sya ng makita si Karylle na nakasilip sa gilid nya habang yakap sya.

"Di ko pwedeng ma missed tong Victory party mo, 10 months ng naka ready tong susuutin ko noh." kumalas naman si K at bineso si Vice.

"Dapat lang, buti may driver ka na at di ka na tamad." nagtawanan sila Jhong sa gilid.

"I've learned my lessons." sabi ni K sabay kindat kay Vice. "Kuha lang akong drinks sa bar."

Sinundan nalang ng tingin ni Vice si Karylle.

Papunta na sya sa table nila Jake Galvez nang biglang naramdaman nya ang pag vibrate ng phone nya.

One New Message "Yael"

"Vice, please take care of her. Thank you."

Buong gabi kahit paikot ikot si Vice ay palagi nyang binibigyan ng sulyap si Karylle. Binabantayan nya ito sa malayo.

Nang maguuwian na ay nagtext sya kay Yael na sunduin na si Karylle. Nagreply naman ito na papunta na.

Niyakag nya na si Karylle sa labas.

Medyo malamig kaya ipinasuot nya kay K ang black coat nya.

"Nasa tuktok ka na ulit Vice. Deserve mo talaga makuha lahat ng bagay na gusto mo." sincere na sabi ni Karylle.

"Hindi lahat Karylle." may pait na ngiti ni Vice.

"Ano pa bang wala sayo? May bago ka ng bahay, top grosser ang film mo-"

"Ikaw." putol ni Vice sa sinasabi ni Karylle at tsaka nag look away.

"Never naman ako nawala sayo." sabay lapit ni Karylle patabi kay Vice at palihim na hinawakan ang kamay nito.

"I still love you." Mahinang sabi ni Vice.

Lalong humigpit ang hawak nila sa isa't isa.

"If loving you is a sin maybe I'll die a sinner." Nagkatinginan sila. Tila naguusap ang mga mata.

"Karylle, bawat salita mong ganyan pinapatay mo ako. Pero okay lang, kahit araw araw mo akong patayin basta malaman ko lang na buhay pa rin ang pagmamahal mo. Kakayanin ko." nangingilid na ang luha sa mga mata ni Vice. May pwersang nagsasabing yakapin nila ang isa't isa at iwan ang mga taong naroon pero di nila magawa. Parang may rehas na pumapagitna sa kanilang dalawa.

Ibinaling ni Vice ang tingin sa lalaking palapit at agad na binitiwan si Karylle.

"Ayan na si Yael, your rightful owner." malungkot na sabi ni Vice pero agad na nag change mood ng dumating si Yael.

Nagusap lang sila ng ilang saglit at nagpaalam na rin dahil umaga na. Sinundan nya na lang ng tingin ang sasakyan nila Y.

Huminga muna sya ng malalim at tsaka nag internalize na masaya sya.

Pabalik na sya sa loob ng makasalubong nya si Jhong.

"San ka pupunta Cutiepie?"

"Ichecheck ko lang yung kotse ko."

"Ah sige bilisan mo ha, shot pa tayo!"

umiling iling lang si Jhong.

"Vice, ang alcohol sa sugat sa katawan nilalagay hindi nun magagamot yung sugat dito." sabay turo sa dibdib ni Vice. "Bawal sayo yun, magjuice ka."

Tinawanan nya lang si Jhong at tsaka dumiretso sa pagpasok. "sana nga may pwedeng inumin para maalis yung sakit, pero wala. Wala." bulong nya sa sarili.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

VICERYLLE FILESWhere stories live. Discover now