PBB unseen file

1.1K 35 0
                                    


"Kayong dalawa ay mananatili sa aking bahay sa loob ng isang araw." pagaanunsyo ni Kuya kay Karylle at Vice.
"Kuya! May shooting ako ng pelikula ko! Di pwede!! Direk Wenn sunduin mo ko dito!" pag tanggi ni Vice na parang bata.
"Kuya, paano yung hair ko? Malaki kasi to pag bagong gising." sabi ni Karylle habang hinahaplos ang buhok nya.
Natawa naman si Vice dahil buhok pa rin ang iniisip ni Karylle.
"Vice, namove ang shooting nyo kaya pumayag sina Direk, ang management at si Ma'am Charo na mag stay ka dito sa bahay." Kuya.
"Si Ma'am Charo? Ay sige! Kahit one week ako rito kuya! Pak yan!" pagchachange mood agad ni Vice. "K, ako na bahala sa buhok mo. Para san pa't bakla ako."
"Maaari na kayong tumuloy sa aking bahay."
//
Pagpasok nila ng bahay ay wala ni isang gamit, tanging mga gamit lang sa pangluto.
"Kuya, bakit naman walang sofa? Or kahit tables lang" Karylle.
"Halaaaa! Kuya wala ring kama! San kami matutulog?" Vice.
Ngunit kahit anong reklamo ng dalawa ay di sumasagot si Kuya. Nagluto na si K ng dinner dahil gutom na sila.
Nag gigisa si K ng lumapit si Vice sa likod nya.
"Hmm, ang bango naman." sabay hawak sa balikat ni K.
"OA mo, bawang lang yan." kunwaring hahampasin ng sandok ni Karylle si Vice.
"ikaw ang mabango hindi yung bawang." mahinang sabi ni Vice.
"ano? May sinasabi ka?"
"wala, sabi ko amoy bawang ka!" lumayo na si Vice dahil baka mahampas sya ni K.
"tigil tigilan mo ko Vice ha, mag handa ka nalang ng plates kesa ginugulo mo ko." sumunod naman agad si Vice.
//
pagkatapos nila kumain ay naupo sila sa isang sulok ng bahay, magkasalo sila sa iisang kumot na nakita nila na nakasampay sa pool area.
Nagkwentuhan lang sila magdamag hanggang napunta sa isang topic na ayaw sana nilang pag usapan.
"Now Vice, tell me about your regrets, about your almosts and kung may panahon na ibabalik ka, kailan at bakit?" tanong ni Karylle habang nakasandal ang ulo nya sa balikat ni Vice.
"dami naman teh. Pero sige, sasagutin ko yan lahat." palihim na in-off ni Vice kanina ang lapel nilang dalawa ni K.
"regrets, marami. Pero alam ko namang masaya ka sa kanya. Almost, yung nasa akin ka na, hinayaan pa kitang mawala. Tayo dapat yun eh, yung hihintayin kita sa tapat ng altar tapos ipagmamalaki ko sa buong mundo na Viceral na apelyido mo. Tayo dapat yon K. And If I could go back in time, babalikan ko yung mga araw na di kita pinapansin, yung nagkatampuhan tayo. Sana sinulit ko nalang yung mga araw na kasama kita habang di ka pa pagmamay-ari ng iba. Sana mas naparamdam ko sayo na kahit hindi ako ang pinili mo, pinili kong mag stay, kasi ganun kita kamahal. I'll watch myself bleed just to see you smile. Ganyan kita kamahal K." pag tingin ni Vice sa gilid nya ay mahimbing na natutulog si Karylle. Napangiti nalang sya at kinulong si Karylle sa kanyang mga yakap. Hinayaan nya itong matulog sa kanyang mga bisig.
Lingid sa kanyang kaalaman, narinig lahat ni Karylle lahat ng kanyang sinabi. Tanging patak ng luha at pigil ng iyak ang nagawa nito. Di alam ni Karylle kung ano ang magiging reaksyon at di nya rin alam ang mga salitang makakahilom sa nagdugong puso ng binatang minahal, minamahal at patuloy pa ring minamahal.

VICERYLLE FILESWhere stories live. Discover now