8 Kabanata

16.9K 304 122
                                    

8 Kabanata
Official

----------

"Si papa. Isa siyang tapat, huwaran, magaling at gwapong pulis. Alam mo bang, muntik ng maghiwalay ang mama at papa ko 'nun dahil maraming babae ang laging umaaligid kay papa, laging nagseselos si mama. Pero ang totoo, siya lang ang babaeng laman ng puso ni papa." Kinikilig ako habang ikinukwento ko kay Humpy ang love story ng parents ko. Kung loveteam siguro si mama at papa, malamang ay ako ang magiging president ng fansclub nila.

Ibinaba ni Humpy ang hawak niyang baso at nilagyan niya ulit ito ng red wine.

"Paano nagkakilala ang mama at papa mo?" Tanong niya at saka niya muling hinawakan ang baso niya.

"Schoolmate sila ni mama since highschool. Highschool din ng maging sila. Si papa ang first crush at first love ni mama. Si mama naman, siya raw ang pinakamagandang babae sa school nila sabi ni papa, kaya nga na love at first sight siya kay mama. Parang ako, na love at first sight sayo." Humina ang boses ko sa mga huling salitang binanggit ko, pero malamang ay narinig iyon ni Humpy, bahagya nga siyang ngumiti dahil sa sinabi ko.

"What about your, tito Esmael. Saan sila nagkakilala ng mama mo?" Seryoso na namang tanong ni Humpy. Mukha talagang interesado siya sa kwento ng pamilya ko.

"Nung namatay si papa. Nagtrabaho bilang waitres si mama 'non, sa isang bar sa batangas. Bigatin yung bar na yon, karamihan sa mga parokyano ay mga lalaking may matataas na katungkulan sa lipunan. Hindi ko gaanong matanda yung story nila, basta binastos daw yata si mama nun at si tito Esmael ang tumulong sa kanya at doon na nagsimula ang lahat."

Marami pang itinanong sa akin si Humpy tungkol sa pamilya ko at ng ako na ang magtatanong sa kanya. Bigla ay nag-aya na siyang umuwi.

Hindi rin kasi namin namalayan ang oras at sa kakatanong ni Humpy at kakasagot ko sa kanya ay inabot na kami ng alas diyes. Ngunit bago kami umalis ni Humpy, binigyan niya ako ng isang padlock. Tuwing pupunta raw kasi siya rito ay pinapaalalahanan siya ng mga staff na kung magpapa-reserved siya ng isang date. Wag daw niyang kakalimutan na magdala ng dalawang padlock. For him and for his date. Kaya eto kami, nag-iiwan ng padlocks sa isang bahagi ng restaurant, napakarami ng padlock na nandito at napakasweet ng mga message na laman ng mga padlock na naririto. Halatang in-love talaga ang mga pumupunta rito. Unlike us, ako lang naman kasi ang nagmamahal.

Bago ko i-lock ang padlock ko. Sinulatan ko muna ito.

Akin lang si Humpy.
By: Felise Ann Espinoza :)

Sa padlock naman ni Humpy ay nabasa kong,

Tonight, I'm with Felise Ann Espinoza.
10-15-11.

"Sapalagay mo, mahal talaga ng mama mo ang tito mo?" Pahabol na tanong ni Humpy ng makapasok na kami ng kotse niya para umuwi.

Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya. Pinagdududahan niya ba ang feelings ni mama?

"Wag mo sanang masamain ang tanong ko. I have no doubt about your mom's feeling, for your tito. I'm just curious about your thoughts on your mom, being married to another guy."

"Well. Yes, mahal ni mama si tito. Hindi naman pakakasalan ni mama si tito Esmael kung hindi niya mahal." Iyon nalang ang sinagot ko, kahit na alam ko talagang hindi mahal ni mama si tito Esmael. Syempre hindi ko pwedeng sabihin kay Humpy ang totoo. Kasi, hindi ko pa naman siya ganoon kakilala. Ang hirap nga niyang intindihin kung minsan.

Nakita ko namang napatango si Humpy at sa itsura niya ay mukha naman siyang kuntento sa sagot ko.

"Goodnight." Nakangiting sabi ni Humpy habang inaalis ko ang seatbelt ko. Nasa tapat na kasi kami ngayon ng apartment.

Sana Ako Naman (HBB #2) (Self-Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon