50 Kabanata

18.3K 298 36
                                    

50 Kabanata
Kahit saan

----------

Dumating ang araw ng trip namin sa Calatagan. Nagkita-kita kaming lahat sa tapat ng bar na sarado hanggang bukas.

May isang malaking van na sasakyan para sa aming mga empleyado. May kotse rin na dala si Humpy, Kirara at Harold kung sakaling di man magkasya ang iba sa van. 

Sobrang awkward kanina nung nakita ko si Harold, pero sobrang na-miss ko siya. Kanina nung nakita ko siya, parang gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko kasi mas nangingibabaw ang nararamdaman kong pagkailang sa kanya lalo na't kasama ko pa namin si Humpy.

"Kahit kailan talaga si boss, pa-VIP!" Reklamo ni Kirara habang naninigarilyo siya at nakasandal sa itim niyang kotse.

Makalipas ang kalahating oras na paghihintay namin ay dumating narin ang amo namin. Ang usapan ay wala pang alas-siete narito na dapat, pero seven thirty na ay 'tsaka palang dumating ito.

"Hello, Everyone. Sorry kung na-late kami." Paumanhin ng amo naming si Mr. Oliver Corpuz III. Naka khaki shorts ito at naka beach shirts na naka-unbotton ang dalawang butones, naka slipper sandals nga lang din ito.

"Oh my God! Humberth Pier Alcantara?"

Napalingon naman ako sa babaeng nakatitig kay Humpy habang bakas sa mukha nito ang pagkamangha at pagkabigla.

Siguradong ito ang anak na babae ni Mr. Corpuz. Mala labanos ang kutis at kulay nito, mahaba ang kanyang buhok at itim na itim yon, wala siyang make up pero ang ganda niya. Bilugan ang mga mata niya at mahahaba ang pilik non sa itaas at ibaba. Maumbok ang kanyang pisngi, maliit ang kanyang mukha, at matangos ang kanyang ilong.

Naka spaghetti strap siya at kitang-kita na ang tali ng kanyang swimsuit na nakapulupot sa kanyang leeg pa ekis, naka denim shorts din siya na napaka iksi.

Lumapit ito kay Humpy. "Ikaw nga Humpy!" Tuwang-tuwa nitong sabi habang si Humpy naman ay kumukunot ang noo sa kanya.

"I'm Valene, nag-aaral din ako sa West Adrenea University at graduating narin."

"Oh! Hi." At saka niya ito nginitian.

"I can't believe na makakasama ka namin sa trip na'to. Buti nalang sumama ako, gosh! Buti nalang talaga."

Nakita ko ang pagtataas ng kilay nila Kirara habang nakatingin ang mga ito sa anak ng boss namin na Valene pala ang pangalan.

"Hindi ba kasama ang ibang HBB?" Tanong pa ni Valene kay Humpy.

"Nope. Just me."

"Nakakalungkot talaga at hindi na ipinagpatuloy ni Aries ang pag-aaral niya sa WAU, e di sana sabay-sabay kayong ga-graduate ngayon."

"Sayang nga."

Napakunot ang noo ko habang pinakikinggan sila. Bakit? Anong nangyari kay Aries? Bakit hindi niya pinagpatuloy ang pag-aaral sa WAU?

"So, how does it happen? Paanong kasama ka namin ngayon dito?"

Ngumiti sa kanya si Humpy. "Why? Ayaw mo ba akong sumama?"

"Hindi naman sa ganon. Hindi ko lang talaga expected."

Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Humpy. "She's a friend of mine at isa siya sa mga nagtatrabahong waitress sa bar ng daddy mo. She suggested my aunt Minerva's beach resort dahil nakapunta na kami dati doon at nanghingi naman ng favor sa'kin si Kirara na humingi ng discount kay tita at inaya narin niya akong sumama."

Napatango si Valene habang hindi mawala-wala ang ngiti niya. Mukhang isa sa mga tagahanga ni Humpy ang isang 'to.

"I still can't believe na makakasama kita. I'll probably won't forget this trip."

Sana Ako Naman (HBB #2) (Self-Published) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora