40 Kabanata

18.6K 388 77
                                    

40 Kabanata
Happy

----------

"H-Humpy." Napalunok ako at naikuyom ko ang mga panga ko habang nakatingin ako sa kanya.

Ang bilis-bilis ng pintig nitong puso ko. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko na naman siya ngayon. Nakikita ko na naman kung gaano siya kaperpekto, nabibihag na naman niya ako sa mga tingin niya gamit ang asul niyang mga mata. Ang tagal naming hindi nagkita pero bakit pakiramdam ko hindi parin nagbabago 'tong nararamdaman ko sa kanya? Bakit may bahagi ng damdamin ko ang nasisiyahan na narito siya ngayon sa harap ko?

Hinding-hindi ko parin nakakalimutan kung paano niya dinurog at winasak ang puso ko, kung paano ako naging miserable. Oo ngayon nakabangon na ako pero ngayong nakikita ko siya ulit, bakit pakiramdam ko bumubukas ulit ang puso ko at gusto na naman siyang papasukin dito kahit na may naiiwan paring galit dito sa puso ko.

Hindi. Hindi ka na dapat magpauto sa kanya Felise. Isa siyang demonyong nagpapanggap na anghel.

Napailing-iling ako habang ikinukuyom ko ang mga kamao ko. Inalala ko ang ginawa niyang panloloko sa'kin. Galit dapat ang maramdaman ko sa kanya.

Hinakbang ko ang paa ko paatras sa kinaroroonan niya at saka ako humakbang palayo, pero napahinto ako at muling napalunok ng maramdaman ko ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa braso ko.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "What do you need to me?"

Umangat ang gilid ng kanyang labi. "I need you to take my order. You're asking me what's my order, right? Pero hindi pa ako umoorder nilalayasan mo na agad ako. Don't you think it's kinda rude?" Itinaas niya pa ang isa niyang kilay.

Pabalya kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at muli ko siyang hinarap. Huminga pa ako ng malalim.

"Can I have your order?" Kalmado kong tanong sa kanya kahit na ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan.

Damn! Nate-tense ako sa presensya niya.

Nagsimula na siyang mag-order pero beer lang ang narinig ko dahil biglang may mga sumigaw na magbabarkadang lalaki sa unahan nagkakatuwaan yata ang mga yon.

"Pardon me?"

"Move closer." iminuwestra niya ang kanyang hintuturo para payukuin ako. Wala akong nagawa kung di ang sumunod sa kanya.

Yumuko ako at bahagyang inilapit ang mukha ko sa kanya, pakiramdam ko nga ay lalabas na ang puso ko sa kaba.

Inilapit ni Humpy ang bibig niya sa tenga ko, bahagya akong nakiliti sa hininga niya.

"Can I have you." Bulong niya na halos magpatayo ng balahibo ko sa buong katawan. Pakiramdam ko nga ay inaakit niya ako, nakangisi pa siya ng nakakaloko.

"I have no time for a joke, Humberth Pier Alcantara." Inis kong sabi sa kanya ng muli akong tumayo ng diretcho at mabilis ng naglakad palayo sa kanya.

Pagpunta ko sa counter ay naabutan ko na nakatambay doon ang isa sa mga kasamahan kong waitress. Tinapik ko ang balikat niya at hilaw siyang nginitian. "Rai, ikaw na nga ang magbigay ng order dun sa table na nasa dulo yung lalaking nakakulay itim, kumukulo kasi ang dugo ko dun e."

Tumango siya sa akin at kinuha ang maliit na notebook na hawak ko, kung saan naroon ang isinulat kong order ni Humpy.

Nagmamadali akong pumasok ng dressing room. Walang ibang tao dito dahil abala ang lahat, habang ako...eto at tila hindi mapakali dahil naririto ang ex boyfriend ko.

Naupo ako sa upuang nasa harap ng salamin at itinukod ko ang mga siko ko doon 'tsaka ako yumuko at isinuklay ang mga kamay ko sa buhok ko.

"Felizidad!" Napaangat ako ng tingin at napalingon sa pumasok na si Katrina. "Mabuti nalang at nandito ka dahil siguradong hindi mo magugustuhan ang nakita ko. Nandito si Humpy."

Sana Ako Naman (HBB #2) (Self-Published) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora