48 Kabanata

18.6K 306 39
                                    

48 Kabanata
Almost

----------

"Kaya ihanda niyo na ang mga swimsuit niyo." ani Kirara matapos niyang i-announce sa amin na magkakaroon daw kami ng swimming.
"May alam ba kayong malayo-layo rito at magandang beach resort?" Tanong niya p sa amin ni Katrina.

"Marami sa Calatagan. Doon kami pumunta ni Harold non, marami doon."

Tumango siya at nag-browse sa kanyang laptop. "I'll check it." aniya.

Dahil sa friday na kami mag su-swimming ay pinag-usapan na namin kung ano ang mga lulutuin namin, habang si Kirara naman ay nag re-research na ng beach resort na pupuntahan namin.

"Sasama si boss at yung mga anak niya kaya dapat yung maganda ang mapili natin, choosy pa naman ang mga anak nun, gusto yung mala boracay."

"E di dun tayo sa boracay." ani Katrina habang nakangiti.

"I mean to say, gusto nila yung white sand din, sawa na sa boracay ang mga yon, 'tsaka asa ka naman na dadalhin tayo ni boss doon, e ang kuripot non."

Nagtaas ng kilay niya si Katrina at humalukipkip. "Sabagay. Anong beach resort nga pala ang pinuntahan niyo ni Harold noon, Felise?" Tanong niya pa.

"Sa Minerva's Paradise."

"Oh! Base on my research. Iyon ang isa sa pinakamagandang resort sa Calatagan. Tignan niyo." Hinarap ni Kirara ang laptop niya sa amin at nakita namin ang official website ng resort na pagmamay-ari ng tita Minerva ni Humpy. Maraming mga picture ng resort na nakalagay sa website.

Magaganda ang kuha, pero mas maganda kapag nandoon ka na talaga mismo.

"Ano, dito nalang tayo? Kaso mukhang mahal. Papayag kaya si boss?"

"E Ilang beses ng nakakapunta dyan si Felizidad, baka nagsasawa na siya dyan." Reklamo ni Katrina.

"No. Ayos lang, hindi naman nakakasawa sa resort na'yan. Gusto ko rin na maranasan niyo kung gaano kasarap mag stay sa resort na yan, sinasabi ko sa inyo. Sulit na sulit ang bayad niyo."

"So, wala naman palang problema, approval nalang ni boss ang kailangan, sana ma-aprobahan niya at wag na siyang mag-inarte sa presyo."

"Diba tita ni Humpy ang may-ari non? Bakit hindi mo siya isama, Felizidad, tapos sabihin mo... sabihin niya sa tita niya na bigyan tayo ng discount." Ani Katrina.

"Really? Tita ni papa Humpy ang may ari nun?" Di makapaniwalang tanong naman ni Kirara.

Inunahan ako ni Katrina sa pagtango. "At si Humpy ang unang nagdala sa kanya doon." Ngumisi pa ito na para bang nanunukso na naman siya.

"So, pano magpapa-reserve na ako, and then kausapin mo si Humpy ha, Felizidad. Aayain ko rin si Harold na sumama para maraming boylet!"

Nagulat ako sa sinabi ni Kirara na isasama niya rin si Harold, pero hindi nalang ako nagpahalata.

"Bahala kayo." Iyon nalang ang nasabi ko.

Lumabas na ako ng dressing room at nag serve ng orders sa ilang mga customers.

"Felise, isang bucket pa nga ng beer 'tsaka dalawang order ng kinilaw na baboy." Isinusulat ko ang order ng isa sa mga parokyano namin.

"Siya nga pala. Di ko na nakikita yung boyfriend mo? Sabi nila break na daw kayo?" Dagdag pa nito.

Napangiwi naman sa sinabi nito, how did he knows about it? Sinong makati ang dila na nagbalita nun?

"So, isa lang ang ibig sabihin, single ka na ulit at pwede ka ng ligawan?" sabi pa nito habang nakangisi ito ng nakakaloko. Isa kasi 'to sa mga parokyano namin na noon palang ay panay na ang palipad hangin sa akin nung nililigawan palang ako ni Harold.

Sana Ako Naman (HBB #2) (Self-Published) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora