26 Kabanata

17.9K 304 78
                                    

26 Kabanata
Palaisipan

SPG ALERT!!

----------

"Malapit na kasi ang tenth anniversary namin at matagal ng plano ng daddy ni Humpy na magpunta kami sa Maldives, inaaya nga namin siya kaso ayaw niya." Kwento ni tita Aurora sa akin habang nagkakape kami sa living room nila at hinihintay ang pagdating ni tito Julio.

"So, wala po pala kayo rito tomorrow?"

Tumango naman siya sa akin.

"Balak ko pong surpresahin bukas si Humpy. First monthsary po kasi namin, gusto ko po sanang lagyan ng decoration ang kwarto niya at magtayo ng tent sa backyard."

"Really? That's a great idea. Kung kailangan mo ng tulong, nandyan naman ang mga maids. Wag kang mahiyang magpatulong sa kanila, i-iinform ko rin sila, but wait...kailangan wala si Humpy rito kapag nag-ayos ka."

"Kakausapin ko po yung HBB mamaya, para matulungan nila ako tungkol doon."

"Sorry kung hindi kita matutulungan sa plano mo ha."

"Okay lang po tita. Just have fun and advance happy anniversary po sa inyo ni tito."

"Salamat."

Habang nagku-kwentuhan kami ni tita ay bigla namang dumating si tito Julio kaya natigil kami sa pagku-kwentuhan, at inaya ako ni tita na sumabay sa kanilang mag dinner. Gusto ko sanang tumanggi pero nagpaluto pala si tita Aurora ng specialty niyang pochero, at gusto niyang ipatikim sa akin 'yon, kaya hindi na ako tumanggi.

Alas otso na ng magpasya akong umuwi na sana, ipinahahatid na nga sana ako ni tito Julio sa driver nila, kaso biglang bumaba si Humpy at tinawag ako. Mukha siyang takot na takot.

"Felise, I'm sorry." Sabay yakap niya sa akin ng mahigpit.

Tila nagtataka naman ang mga tingin ni tito at tita kay Humpy.

"Humpy what's wrong?" Tanong ni tito Julio sa kanya.

"Ano bang problema, Humpy? Nanaginip ka ba?" tanong ko naman sa kanya. Kumalas siya sa pagyakap sa akin at kunot ang noo niya akong tinignan.

"Nung tulog ako. What happened?" Tanong niya sa akin.

Nag-isip naman ako ng mga nangyari kanina. "Wala naman akong ibang maalala e. Basta bago ako lumabas ng kwarto mo, may tumawag sa Phone mo, Eve ang pangalan. Pero nung sinagot ko. Bigla niyang in-end call. Who's Eve?"

Nakita ko ang paghinga ng malalim ni Humpy habang alanganin siyang nakangiti. "Eve is my friend."

"Humpy, Felise. Maiwan na muna namin kayo. Kailangan na naming magpahinga ng maaga dahil maaga ang flight namin tomorrow." Nakangiting sabi ni tita Aurora.

"Sige po tita." Niyakap pa ako ni tita at nakipag beso-beso sa akin.

"Goodnight, son." Tinapik pa ni tito Julio ang balikat ni Humpy.

Nang kaming dalawa nalang ni Humpy ang natira ay hinaplos niya ang pisngi ko habang pinapakatitigan niya ako.

"Humpy, ang weird mo. Bakit parang takot na takot kanina?"

"I just had bad dream. Natatakot ako."

"Natatakot saan?"

"Natatakot akong mawala ka."

Ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya at nginitian ko siya. "Humpy, hindi ako mamawala sayo."

"I hope so." At saka niya ako muling niyakap at hinalikan sa ulo.

Sana Ako Naman (HBB #2) (Self-Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon