35 Kabanata

17.5K 352 41
                                    

35 Kabanata
Yesterday

----------

Lumipas ang pasko, birthday ko at ngayon ay bisperas na ng bagong taon.

Inilalagay ko na sa paperbag ang mga nakalagay sa llanerang leche plan na ginawa ko kahapon. Gumawa ako para sa mga ka boarders ko at kay madam Carolina. Ang iba naman ay dadalhin ko para sa mga katrabaho ko sa bar at kay manager Kirara.

May magaganap kaming new years eve party ngayon sa bar kaya doon namin sasalubunin ni Katrina ang bagong taon.

Isang lace burgurdy dress ang isinuot ko at tinernuhan ko ng burgundy stiletto heels, ipinusod ko ang buhok ko pataas at saka ako naglagay ng light make up.

Habang naghahanap ako ng kwintas na iteterno ko sa dress ko ay natuon ang pansin ko sa kwintas na ibinigay sa akin ni Humpy noon.

Napakaganda ng kwintas na'yon, halos lahat ng suotin ko ay binabagayan nun. Napaisip ako kung susuotin ko ba 'to o maghahanap nalang ako ng ibang kwintas na babagay sa damit ko.

Hanggang sa makapagdesisyon ako na maghanap nalang ng ibang kwintas na babagay sa damit ko, at napili ko ang kwintas kong silver na iniregalo sa akin ni daddy nung bata pa ako.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto. Natahimik silang lahat at napatingin sa akin paglabas na paglabas ko, pagkatapos ay tinadtad nila ako ng papuri at nagsilapit pa sila sa akin.

"Ikaw na talaga ang maganda, Felise. Grabe! Mukha kang artista. Kabog si Anne Curtis sayo, girl!" ani Jess isa sa mga close kong boarders dito, siya kasi ang natutulog sa ilalim ng tinutulugan kong double deck. Siya sa baba at ako sa itaas.

"O mag-iingat kayong dalawa." Ani madam Carolina na nakapulang duster na may polka dots at naka-roller ang kanyang buhok and as usual ay may hawak na naman siyang pamaypay.

"Happy new year po, madam." Sabay naming bati ni Katrina sa kanya, bumeso-beso pa kami rito bago kami umalis.

Alas syete pasado ng makarating kami sa bar. Muli na naman akong tinadtad ng papuri mula sa mga kasamahan namin sa trabaho. Sana ay walang usog ang mga 'to.

Sa gitna ay may mahabang mesa kung saan nakalagay roon ang mga pagkain na niluto ng mga katrabaho namin. Inayos ng isa sa mga katrabaho ko ang mga leche flan na ginawa ko, inilagay niya yon ng pa-pyramid, sa mesang may pulang sapin. Si Katrina naman ay lasagna ang ginawa na inilagay narin sa mesa.

Ang daming pagkain. Parang tutulo ang laway ko sa mga ito. May Lechon, Inihaw na bangus at baboy, spaghetti, carbonara, menudo, Kare-kare, salad, chicken roll, may dalawang black forest cake at ang Lasagna at leche flan na ginawa namin ni Katrina. Syempre hindi rin mawawala ang mga prutas na nasa malaking basket.

Maraming pulang lobo sa paligid at kung anu-ano pang decoration. May karaoke rin na nakahanda at kasalukuyang tumutugtog. May mga nakatago rin na ilang case ng beer at ibat-ibang klaseng alak na iinumin namin mamaya. Handang-handa na ang lahat, pero may ilan ang wala pa at ang sabi ni Kirara ay hindi kami kakain ng hindi sabay-sabay.

"Ang ganda mo talaga, Felise." Sambit ng isa sa mga lalaking nagtatrabaho rin dito sa bar. May mga isinama pa nga silang mga kaibigan yata nila at pinaghihihingi ang number ko.

Syempre binigay ko naman dahil baka masabihan pa akong suplada at masungit, ayoko pa naman na may mga taong ganoon ang iniisip sa akin.

Maya-maya'y dumating na si Dexter na inimbitahan ni Katrina. Agad ngang nagyakap ang dalawa at halos hindi na mapaghiwalay.

"Sana dumating din si Harold. Inimbitahan ko pa naman siya." ani Kirara na mukhang sa gabing ito ay si Harold talaga ang inaabangan niya.

"Ayan na siya!" Biglang niyang tili.

Sana Ako Naman (HBB #2) (Self-Published) Where stories live. Discover now