22 Kabanata

15.2K 254 68
                                    

22 Kabanata
Huling araw

----------

Hatinggabi na pero hindi pa ako dinadapuan ng antok. Lalo na at naaaliw ako sa katitingin ng mga old pictures ni Humpy, habang kumakain ako ng mangga rito sa sala.

Si Humpy naman ay nasa veranda at si mang Pepe ay tulog na yata.

Napapangiti talaga ako habang pinagmamasdan ko ang mga picture ni Humpy noong baby palang siya at natututo palang maglakad. Parati siyang tuwang-tuwa sa picture at madalas ay naka diaper lang. May ilan rin akong nakitang solo picture ng daddy ni Humpy, at talagang hindi maikakailang may pinagmanahan nga si Humpy dahil gwapong-gwapo si tito nung kabataan niya, siguro kung nabuhay ako sa panahon nila ay baka nag ka-crush pa ako kay tito. Napakaganda rin ng mama ni Humpy, para siyang babaeng bersyon ni Humpy.

"Felise, hindi ka pa ba matutulog? Maaga tayong aalis bukas." ani Humpy ng pumasok na siya rito sa loob.

"Oo nga pala! Mami-meet ko na ang mommy Kaseyleen mo bukas." Nakangiting sabi ko, at saka ko isinara na ang photo album na hawak ko at itinabi iyon sa bookshelf na nasa gilid, kung saan ko iyon nakita.

"Ako na dyan." ani Humpy ng damputin ko naman ang isang malaking bowl na may laman pang mangga, at yung natirang bagoong na nasa platito naman.

Kinuha sa akin ni Humpy ang bowl at platito, at saka niya ako pinaaakyat na sa itaas para matulog.

Kinabukasan. Alas syete palang ay nagising na ako, halos nauna nga lang ng lima o sampung minuto si mang Pepe, na magising sa akin.

Agad akong naghanda ng almusal at sakto naman ng matapos ako dahil bumaba narin si Humpy na nakasuot ng robe na puti na hindi man lang niya inabalang itali kaya kitang-kita ko ang suot niyang Calvin Klein boxer short at ang walang saplot niyang pang-itaas. Magulo rin ang buhok niya pero hindi iyon nakabawas ng kagwapuhan niya.

"Kain na." Alok sa kanya.

Lumapit siya sa mesa at kumuha ng isang toasted bread at saka siya naglakad papunta sa kitchen.

"Magtitimpla ka ng kape?" Tanong ko ng harangin ko siya.

Nakakunot naman ang noo niyang tumango sa akin.

"Ako na ang magtitimpla ng kape mo." At saka ko siya malapad na nginitian at tinalikuran para ipagtimpla na siya ng kape.

Habang nagtitimpla ako ng kape para kay Humpy, hindi ko na naman mapigilang sabayan ng pagsayaw at pagkanta ang nakakaaliw na awitin ni Anne Curtis na pinatutugtog sa radyo.

"Tinamaan na ako, walang hiya ka kupido. Nasirang schedule ko, putres na kabaliwan-" pero bigla akong napahinto sa pagkanta at pagsayaw ng maramdaman ko ang mga bisig ni Humpy na nakayakap sa akin.

Nasa likuran ko siya at nararamdaman ko ang ulo niya na nakapatong sa balikat ko.

"H-Humpy?" Nauutal kong tinawag anh pangalan niya habang kinakabahan ako.

What am I suppose to act? He's giving me a back hug and it was the first time that he did this to me. Hindi ko alam na matataranta pala ang puso ko sa ginitong klase ng yakap.

"Masarap ka palang i-backhug." aniya, tila may vibration pa sa boses niya na tila sinasabing inaantok pa siya.

Napangiti ako sa sinabi niya at ipinagpatuloy ang pagtitimpla ko ng kape niya, pagkatapos ay humarap ako sa kanya at inabot iyon.

"Here's your coffee Mr. Gorgeous." Nakangiti kong sabi.

Nginitian niya rin ako at kinuha iyon sa akin. "Salamat. Ms. Gorgeous."


Sana Ako Naman (HBB #2) (Self-Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon