6

161K 2.8K 81
                                    


        MAS LALO PANG nadagdagan ang kanyang inis ng mabasa niya ang text ni Kuya Austin. Hindi daw siya nito masusundo dahil hindi pa tapos ang kanyang meeting with some board of directors.

Sa ikatlong pag-kakataon ay muling hinigit ni Miguel ang kanyang braso. "Brielle, Let's talk.."

She want to roll her eyes badly. "Miguel, bakit ka ba nandito? Hindi ka ba kasama sa meeting?"

Umiling ito. "I told your brother that I have some important things to do. Siya na muna ang bahala doon."

Tumigil siya sa paglalakad at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Then go on, gawin mo yung importanteng gagawin mo. Bakit ka ba andito?"

"That's why I am here." Seryosong sabi nito.

"Miguel, sinabi ko na sayo. Wala tayong dapat pag usapan. Ano bang gusto mo?" Naiinis na sabi niya dito.

"Mag usap muna tayo kahit sandali." Mabilis nitong tugon.

Napailing siya. "Miguel pwede ba? Uuwi na ako." Hinigit niyang muli ang kanyang braso at pumara ng taxi. "Manong, para!" Sigaw pa niya para marinig siya ng driver.

Akmang papasok na siya ng taxi na huminto sa kanilang harapan ng higitin siya muli nito pabalik. Napamura siya sa loob loob niya, talagang gusto siyang inisin ng lalaking 'to.

"God, Miguel! Will you stop now? I'm going home!" Naiinis na sabi niya rito.

Seryoso ang mukha nito. Alam kong naiinis narin 'to, but she doesn't care! Gusto narin niyang umuwi sakanila. Pagod na pagod na nga siya sa maghapon na trabaho ay dumadagdag pa ito.

Nilingon nito ang taxi driver at naglabas ng pera sa wallet niya. Nalaglag ang panga niya ng abutan nito ang driver ng isang libo. Siyang-siya naman ang driver kaya nang paalisin ito ni Miguel ay agad itong sumunod sa utos.

"Are you out of your mind? Why did you do that? Gabi na. Mahirap maghanap ng taxi dito!" Halos mag hysterical na sigaw niya.

"Don't worry. Ako na ang maghahatid sa'yo. Tara sa kotse." Hinila siya nito.

Nag pumiglas naman siya. "Miguel, ano ba? Bitiwan mo nga ako!"

Tumigil ito sa pag kaladkad sakanya at humarap. Still holding her hand, bumuntong hininga ito. Saglit kaming nag titigan bago ito nag salita.

"Galit ka parin ba saakin dahil sa nangyari kahapon?" Pumungay ang mga mata nito sakanya.

Hindi niya maintindihan ang tanong nito dahil sa lapit ng mukha niya saakin. Sobrang gwapo talaga nito lalo na sa malapitan, ni wala kang makikitang kahit anong kapintasan sa mukha nito.

"Please," he begged. "Samatha is just one of our important clients—"

Itinaas niya ang kanyang kamay ng mahimasmasan siya sa sinasabi nito, "First of all, kung ano man yang sinasabi mo ay wala akong pakialam. Pangalawa, hindi ako galit, okay? Huwag mong ipag pilitan na galit ako. Third, leave me alone, please.." tuluyan ng umikot ang mata niya sa inis sakanya.

Ayaw niya mang aminin ay nabawasan ng kaunti ang inis niya dahil sa pagpapaliwanag nito sakanya. Hindi niya lang iyon ipinahalata dahil baka isipin nitong nababaliw na siya.

"Bakit moko iniiwasan mula kahapon kung ganoon?" He asked frustrated. "Tell me, did I do something wrong? May nagawa ba ako?"

Hindi maipaliwanag na biglang bumilis ang kabog ng kanyang puso. Napalunok siya.

Sasagot na sana siya ng malalaking patak ng ulan ang bumagsak sa braso niya, kasunod niyon ay ang pag kulog ng napakalakas na muntik na niyang ikatili kung hindi lang niya napigilan.

Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon