Epilogue

185K 3.2K 218
                                    

Anselle: Thank you so much at nakaabot ka sa part na 'to. This chapter is entirely dedicated to the author of Romancing The Ice Prince, Ate Lost Mushroom. Nasulat ko 'to when I was in Junior High and that story was one of my huge inspirations in writing Miguel's story. Hindi ko maiisipang magsulat kung hindi dahil doon. Please check that story out.

**



Epilogue


   "Stop doing that, Miguel," Austin said in an annoyed tone while watching every single move he does. "You look really tense. Loosen up a bit."

Umiling siya at inayos muli ang kanyang buhok. Pati narin ang suot niyang black tuxedo ay pinasadahan ng kanyang kamay na para bang may gusot doon kahit wala naman.

"You're funny," Austin continued and then chuckles. "Ikakasal ka na sa kapatid ko but you still act like you're just about to court her."

Napangiti siya. "I can't help it, kinakabahan talaga ako." Pag aamin niya.

Napailing naman si Austin dahil sa sinabi niya. Ilang minuto nalang kase ay magsisimula na ang kasal niya. He can't help but smile widely with success. Daig pa niya ang tumama sa loto dahil sa sayang nararamdaman.

"Look, she's here."

Mula sa kausap ay lumipad ang tingin niya sa gitna ng aisle. Tumigil ata sa pagtibok ang puso niya ng masilayan niya ang kabuuan ng babaeng pinakamamahal niya. There she is with her father, beautifully walking in his direction.

She's the most beautiful girl here, at least for him. Lahat ng atensyon ngayon ay hawak nito, wala sigurong ni isang tao na hindi nakatingin ngayon rito. The fact that she is going to be mine is making him extremely happy right now.

"Miguel, alagaan mo siyang mabuti at ang apo ko. Be a good father and husband."

Buong puso siyang ngumiti at tumango. "I will, dad." I definitely will.

Nang iaabot ng kanyang ama si Gabby sakanya ay mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya. Ngayong hawak na niya ito ay wala na siyang balak na pakawalan pa ito.

Naalala niya ang mga panahon na bata pa silang tatlo nina Austin. Those days are the most unforgettable moment in his life, dahil doon din sila nag kakilala ni Maria Gabrielle. Ang babaeng mamahalin pala niya habang buhay.

"Do I look pretty?"

Nang lingunin niya ang batang babaeng nagsalita ay muntik na siyang mapatawa. Paano naman kasi ay kalat kalat ang pulang bagay sa labi nito. He didn't even know what that thing was called.

"Did you eat spaghetti or something that has red sauce in it?" Natatawang tanong niya.

Kumunot ang noo ng batang babae at namula ang mata. Ilang segundo pa ay umiiyak na ito. "You're bad. I did this for you but-- but--" hindi nito matapos tapos ang sinasabi dahil sa sinok.

Para naman may humaplos sa bata niyang puso ng makita niya itong umiyak. Pero imbes na patigilin ito sa pag iyak ay naiiling na tumayo nalang siya sa kinauupuan para sana umalis.

"What happened?"

Sa wakas ay dumating na si Austin. Kanina pa niya ito hinihintay. Niyaya siya nitong mag laro ng isang sikat na online game pero pinag hintay naman siya nito ng mahigit ilang minuto.

"K-Kuya Austin," the little girl called.

"Bakit ka may red stain ka sa mukha?" Kunot noong tanong ni Austin sa batang babae.

Kung hindi siya nagkakamali ay mas bata sakanila ang babae ng mahigit tatlong taon. Nasa pitong taong gulang siguro ito. She looks cute anyway.

The little girl continued crying in front of them.

Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon