32

118K 2.2K 109
                                    


     "Brielle," He begged. "Please. Enlighten me. He's mine, right? He is my son." Hindi iyon tanong, siguradong sigurado ang boses nito.

Binaklas niya ang kamay nito sa braso niya at mariin na pinunasan ang mga luha sakanyang mata. She didn't expect this to happen. Hindi niya alam na ganito ang kalalabasan ng araw na 'to.

"Yes," She laughed sarcastically with tears in her eyes. "Anak mo siya. Pero wala ka namang pakialam diba? Kase may anak ka na pala kay Samantha--"

"Who told you that?" Kunot noong tanong nito. "Importante ka saakin. Importante saakin ang anak ko." Mariin nitong saad.

Umiling siya at muling tumalikod. Bakit ba niya naisipang magdala ng gamit? Ngayon ay hindi niya alam kung saan niya nilapag ang mga iyon. Nang maalala niyang nasa sala lang pala ang mga gamit namin ay mabilis niya iyong pinuntahan.

Kailangan niya pang puntahan si Maru sa ibang silid. Nandoon ito kasama ang batang babae na bitbit ni Miguel kanina at ang isang nanny na hindi niya napansing kasama din nitong dumating

Pero bago pa siya makahakbang ay pumulupot ang malaking braso ni Miguel sa maliit niyang bewang. Caging her in his arms.

"B-bitiwan mo ako.." Nawalan na siya ng lakas. Ni hindi niya maramdaman ang sariling katawan.

Bumaon ang mukha nito sa leeg niya at umiling. "No Brielle," He inhaled deeply. "Stop making me let you go. Ayoko na. Saakin ka na."

Prang kutsilyong humihiwa sa puso niya ang mga salitang sinasabi nito. Dahil din doon ay hindi na niya napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Ayaw niyang umiyak, pero hindi niya mapigilan.

"Stop crying," He whispered still hugging her from behind. "Please.."

Pilit niyang pinapakalma ang sarili at pipigilan ang pagpatak ng mga luha sa mata niya. Maging ang mga hikbi ay pilit niyang sinusupil na kumawala sa kanyang labi.

"Si Samantha?" Mahina niyang tanong.

She want this to end. Kailangan niyang malaman ang lahat para matapos na. Ano nga bang nangyari habang wala siya sa buhay nito?

Pilit niyang binaklas ang mga braso nitong mahigpit na nakayakap sakanya. Nang magtagumpay ay hinarap niya ito. Unang bumungad sakanya ang nalilito at malulungkot nitong mata.

"Si Samantha?" Ulit niya. "Siya ba ang ina ni S-Sammy?" Tukoy niya sa batang babae na kasama nito kanina.

Alam niya ang magiging sagot nito dahil halatang halata naman iyon. Ang batang babae na iyon ay walang pinag iba sa mukha ni Samantha, para silang pinagbiyak na bunga at hindi na kailangan pang ipa DNA test para lang masabi na anak nga ito ng babae.

Pero pakiramdam niya ay mas lalo siyang nanghina ng bahagya itong tumango bilang pagsagot sakanyang tanong. Si Samantha. Si Samantha ang ina ni Sammy. Si Miguel naman ang ama.

She smiled weakly. Kahit sa loob niya ay parang sasabog na. "A-Asawa mo ba siya?"

Kase ang tanga niya. Ang tanga tanga niya. All this time ay hindi niya alam kung anong estado ni Miguel. Hindi manlang niya naisipang mag tanong. Paano kung may asawa na pala ito?

"What?" Hindi ito makapaniwala sa tanong niya. "Hindi ko siya asawa.."

Nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya lubos maisip na makikipag talik siya sa isang pamilyado ng lalaki.

"Messiah is my son," He is not asking. Ang boses nito ay sigurado.

Nandito na kaya naman tumango siya. Anak naman nito talaga si Maru, pero hindi niya alam kung ipapakilala pa niya ito sa bata. Nagdadalawang isip na siya. Ayaw niyang masaktan ang anak niya.

Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon