7

154K 2.7K 89
                                    

      MAGAAN ANG NAGING araw ni Gabrielle sa opisina nung araw na iyon. Maghapon din kaseng wala ang Kuya Austin niya at ang ibig sabihin 'non ay wala masyadong utos sakanya.

"Gabrielle pwede ba akong makisuyo?"

Nilingon niya si Glacier na nasa tapat pala ng mesa niya. Hindi niya iyon napansin dahil busy siya sa pag check ng mga papers na ibibigay niya sa kanyang kapatid mamaya.

"Okay lang," inayos niya ang salamin sa mata at tumango ng bahagya. "Ano ba iyon?"

"Pwede bang makisuyo sa'yo na ibili mo ng pagkain si Sir Miguel 'tas ikaw na din ang mag pakain? Lalabas lang ako para bumili ng gamot." Puno ng pag aalalang sabi sakanya ni Glacier.

Napatawa naman siya. "Bakit kailangan pa siyang pakainin? Hindi ba niya kayang mag isa kumain?"

Napakamot sa noo si Glacier. "Nilalagnat kasi si Sir. Hindi ko nga alam bat naisipan pa niyang pumasok."

"Ha?" Napatayo ako sa kinauupuan. "Nilalagnat siya? Kailan pa?"

"Kaninang umaga pa. Mag hahapon na pero ayaw niya parin umuwi kahit anong pilit ko."

Tumango siya at pumayag sa gusto nito. Mabilis na nag punta siya sa cafeteria at bumili ng pagkain, laking pasasalamat niya dahil nasa menu ang soup na pwede niyang ipakain sa may sakit na binata.

"Miguel?" Binuksan niya ang pintuan ng office nito.

Nilibot ng mata niya ang kabuan ng opisina at huminto iyon sa isang bulto ng lalaki na nakahiga sa sofa. Sa sobrang laking tao at laki ng katawan nito ay sigurado siyang mangangalay iyon sa maliit na hinihigaan.

Inayos niya ang pagkain sa lamesita at umupo sa espasyo sa gilid ni Miguel. Tulog na tulog ang lalaki at kahit pa fully air-conditioned ang silid ay may maliit na butlig ng pawis ang noo nito.

Tumaas ang kamay niya para haplusin ang noo nito. Medyo mainit nga iyon kumpara sa normal na temperatura. Sinasabi na nga ba niya at hindi dapat ito nag papaulan basta basta.

"Miguel.." tawag pa niya.

Hindi parin ito sumagot. Bukas ang unang tatlong butones ng longsleeves nito at kitang kita niya mula roon ang matipuno nitong dibdib. Tumikhim siya para palisin ang tumatakbo sa kanyang utak.

May sakit na nga ang tao at lahat.

"Miguel.. gumising ka muna." Tawag niya habang mahinang tinatapik ang pisngi nito.

Miguel stirred and made a small move. Mukhang nalingat ito. Muli pa niyang tinawag ang pangalan nito kaya tuluyan na itong nag mulat ng mata.

"Brielle.." he murmured.

"Umupo ka muna, kailangan mong kumain bago ka uminom ng gamot." Sabi niya rito.

Bahagya itong umubo bago umupo mula sa pag kakahiga. Nilabas niya ang sariling panyo na nasa kanyang bulsa at pinunasan ang pawis sa noo at leeg nito.

"Sabing mag payong ka kahapon," panenermon niya dito. "Ayan tuloy nag kasakit ka."

Nakasandal ngayon sa sofa si Miguel habang nakapikit ang mga mata. Mukhang masakit nga talaga ang pakiramdam nito.

Kinuha niya ang soup na binili niya kanina at siya na mismo ang nag sandok gamit ang kutsara at itinutok iyon sa bibig nito. "Here, open your mouth."

Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon