29

117K 2.4K 97
                                    


     THAT DAY MIGUEL was acting kinda weird, kaya medyo naguguluhan si Gabby sa kinikilos nito. She was used to Miguel who will just leave her whenever he wants, ni hindi man nga nito magawang ipaalam sakanya ang mga pupuntahan nito bago siya iwan. Malalaman nalang niya bigla na wala na pala ito at umattend na sa mga meeting. 

Pero ngayon ay para kasing nag iba ang ihip ng hangin kay Miguel. Bigla ay sinama siya sa isang meeting nito ngayong umaga, take note ito mismo ang nag sama sakanya at hindi rin niya pinilit ang lalaki na pasamahin siya dahil hindi naman niya gawain iyon.

"Wow, wife duties?"

Nilingon niya ang bagong dating na lalaki at authomatikong sinamaan ng tingin si Emmett dahil sa sinabi nito. Umupo ito sa tabi niya sa sofa kung saan siya nag hihintay at nakaupo. Wala pa naman siyang ten minutes doon, hihintay niya si Miguel dahil may kakausapin lang daw ito sa loob ng isang private office na pinasukan nila.

"Kayo ah, bakit kayo mag kasama?" Binangga pa nito ang balikat niya na para bang tinutukso siya.

Bahagya siyang natawa dahil doon. "Mag kasama naman talaga kami, kasama ko siyang pumunta dito, remember?" She said it like a matter of fact.

Ngumuso si Emmett sa naging sagot niya. Minsan ay nag tataka siya kung bakit pa easy easy lang ang lalaki habang ang Kuya naman nitong si Eli ay laging busy sa pag manage ng resort at mga meetings. Silang dalawa naman ang may ari ng resort, oh baka naman si Eli lang?

"Pero hindi ka niya sinasama sa mga meetings niya, iniiwan ka lang niya diba?" Nagpatuloy parin ito sa pag tukso sakanya.

Sumingkit ang kanyang mata at pinitik ang tenga nito. Kalalaking tao ang chismosa.

Napahawak ito sa tenga na pinitik niya at ngumiwi. "Aray," sabi nito kahit hindi naman talaga iyon masakit. "Nga pala uuwi na kayo ngayon?"

Tumango siya bilang pag sagot. Sabi kanina ni Miguel sakanya ay uuwi na sila ngayong hapon, dahil may aayusin pa daw ito pag balik ng Manila. Hindi naman siya nang hihingi ng explanation pero inexplain talaga nito sakanya.

Medyo weird ang kinikilos ni Miguel ngayong araw.

"Aww matatapos na pala ang pang aasar ko kay Miguel," tumulis pa ang nguso nito. "Balik kayo dito a? Pag honeymoon niyo, sagot ko na ang three days niyo dito sa resort."

"Three days lang?" Natatawang sabi niya.

"Aba ang kuripot mo naman, Gabrielle. Tatawad ka pa talaga sa tatlong araw." Natawa naman din ito.

"Ikaw ang kuripot," tukso din niya. "Dapat one month of free accommodation."

"Aba't," mas lumapit ito sakanya at sinundot ang tagiliran niya dahilan para makiliti siya.

"Oy tigilan moko—"

Pinag patuloy lang nito ang pag kiliti sakanya. Dahil sa likot niya habang iniiwasan ang kamay nito ay natamaan niya ang isang vase na nakapatong sa mesa sa tabi mismo ng sofa. Natigilan sila ng bumagsak iyon sa sahig at nabasag.

"Oops," she muttered. "Ayan, kasalanan mo 'yan." Mabilis na pag sisi niya rito dahil sa shock na mukha ng lalaki.

"Alam mo ba kung gaano kamahal 'yan?" Sumingkit ang mata nito sakanya.

"Ikaw kase e, kung hindi mo sana ako—" muli siya nitong kiniliti kaya napatili siya.

"Ikaw pag babayaran mo ang binasag mo—"

"I'll pay for it triple than the original price," may narinig siyang boses mula sa likod nila kaya napatigil silang dalawa ni Emmett. "Just don't fucking touch her, Franco."

Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon