33

124K 2.2K 34
                                    

   
     "Gabrielle," her brother called. "Halika rito, umupo ka sa tabi ni Kuya."

Sa ikalawang araw nitong gising ay nakakapag salita na ito ng maayos. Sobrang saya ang dulot niyon sakanilang lahat. Mula kahapon ay aligaga ang kanyang magulang sa pag asikaso kay Kuya Austin at maging siya ay ganoon din.

Hangga ngayon ay hindi parin siya makapaniwala tungkol sa napag usapan nila ni Miguel kahapon tungkol sa kapatid niya. Bakit walang sinasabi sakanya ang Kuya niya na naging sila ni Samantha?

Tumalima siya at lumapit rito. Pero tumayo lang siya sa gilid ng kama malapit rito at hindi umupo gaya ng ibig nitong gawin niya.

"Austin," their mother called. "May gusto ka bang kainin? Itatanong ko kung pwede ka ng kumain sa doctor--"

"I'm fine mom," putol ng kapatid sa sinasabi ng ina. "Pwede po bang kausapin ko muna si Gabrielle? Kami lang po sanang dalawa."

Huminga ng malalim ang kanyang ina bago tumango, bakas ang pagtutol sa mukha nito. Mukhang alam na nito kung anong magiging paksa ng usapan nila.

"Sofia," their dad cut in. "Hayaan mo ang dalawa. Halika lumabas muna tayo, You need to eat too. Ilang araw ka ng hindi nakakain ng maayos."

Wala ng nagawa si Mama ng hatakin na ito palabas ni Papa. Naiwan silang dalawa sa loob ng Kuya niya at tanging tunog lang ng makina ang maririnig.

"Here," pag tapik ni Kuya sa espasyo sa kanyang tabi. "Umupo ka dito, Gabby."

Hindi kumikibong sinunod niya ito. She missed him pero naiinis siya dahil sa nag lihim ito sakanya. Kung sinabi lang nito kaagad ang lahat sana ay hindi na nakarating sa ganitong sitwasyon.

"How are you?" Unang tanong nito at hinaplos ang buhok niya. "Why your eyes are swollen? Umiyak ka ba?"

Ngumiti siya ng bahagya. "I missed you, Kuya.." she said.

Ngumiti din ito sakanya at ginulo ang kanina ay hinahaplos nitong buhok niya. "I missed you too, Maria Gabrielle."

She leaned and hugged him. Sapat lang ang higpit niyon para iparamdam ang pangungulila niya rito dahil mayroon pang mga aparatong nakadikit sa katawan nito.

Maya maya ay kumalas ito ng yakap sakanya at ngumiti.

Napangiti din siya.

"I'm sorry.." He said.

Hindi na siya nabigla sa paghingi nito ng tawad. Alam niyang nakwento na ng kanilang ina ang lahat ng nangyari habang unconcious ito sa loob ng ilang linggo. Alam niya ring alam na ng kapatid niya ang lahat ng kanyang ginawa.

"For what?" Tanong niya parin.

"Look at you," He sighed. "Alam kong nasasaktan ka. Pinaiyak ka nanaman ba ni Miguel?"

Natawa siya dahil lumalabas nanaman ang pagiging over protective nito sakanya. Pero kailanman ay hindi naman talaga siya sinaktan ni Miguel. He never did.

She did.

"Why you didn't tell me?"

"What?" Naguguluhan ito.

"Na naging kayo ni Samantha," She said almost whispering.

Napawi ang ngiti sa labi nito at nahaluan ng lungkot ang mga mata. "I'm sorry. Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kaya wala na siya. Kasalanan ko--"

"Hush," pag papatigil ko rito dahil nagsimula na itong umiyak. "Wala kang kasalanan Kuya. Hindi mo 'to ginusto." Niyakap pa niya ito para patahanin.

Umiling siya. Kahit ano pang sabihin niya rito ay alam niyang sisisihin ng kapatid niya ang kanyang sarili. He's a responsible man. Lahat ay inaako nito.

Montreal 1: Miguel Ian Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon