MLE - Prologue

352 9 2
                                    

"Mom. Mom. MOM!” sigaw ko sa buong kabahayan. Wala akong pakialam kung magising ko man si Papa, si Lola or ‘yung nakababata kong kapatid. Ang importante ngayon, pumunta si mama dito sa banyo!

 

"Ma!" sigaw ko ulit. This time, diring-diri na talaga ako sa nakikita ko. I heard my mom's hurried heavy footsteps sa may staircase at maya-maya lang, bumukas na ‘yung pinto.

 

"Ano ba?! Ba't sigaw ka nang sigaw 'diyan?!" galit na tanong sa akin ni mama. Ayaw pa naman niya na nakakarinig ng sigaw, lalo na kung rinig sa kapitbahay. Eh bakit ba? Sa kailangan ko siya ngayon, and eww talaga, may something weird kasi sa toilet bowl.

 

"Ma, tingnan mo, ‘o." sabi ko kay mama habang nakaturo sa toilet bowl. Agad naman siyang tumingin sa tinuturo ko habang nakakunot ang noo niya. Nanlaki agad ang mga mata niya at napatingin siya sa akin.

 

"Kadiri! Yuck, paano na 'yan? Ihing ihi na ako!" reklamo ko sa kanya. Ayaw ko naman umihi sa lapag, ang hirap kaya.

 

"Hala! Anong nangyari 'diyan? Bakit nagkaganyan 'yan?" nagtatakang tanong ni mama sa akin. 

 

"Malay ko. Tumae lang ako kanina. Syempre nag-flush ako tapos ganyan na! Eww talaga ma, ayoko ayusin 'yan." paliwanag-slash-reklamo ko sa kanya. Eww talaga. Eww, eww, eww! Sobrang nakakadiri!

 

"Ikaw naman pala ang may sala, edi ikaw ang mag-ayos niyan." napa-nganga ako sa sinabi niya. Ako? Ako ang mag-aayos ng nakakadiring bagay na 'to? Yuck naman eh.

 

"Eh, ma naman. Ayoko! Kadiri kaya. Ayokong hawakan 'yan. Yuck!"Just the thought of me fixing this whole mess made me want to puke. Utang na loob, ayokong ayusin 'yon. Ayokong ayusin ‘yung toilet bowl na umaapaw ang tae! Bakit nagka-ganito? Titiisin ko na lang ang ihi ko kaysa ayusin iyon. In the first place naman, I don't know how to fix a toilet bowl na umaapaw ang mga nailabas na sama ng loob ng tao and I have no intentions either in sitting in that throne again. Ever! Kadiri lang talaga! Ugh!

 

"Ang arte mo! Anong silbi ng alcohol, ‘di ba?" I rolled my eyes at what she said.

 

"Kahit isang gallon ng alcohol ang gamitin ko ma, kadiri pa rin 'yan. Ugh." nanginginig sa diri na sabi ko. Konting-konti na lang talaga, susuka na ako. May tumatalsik talsik pang katas! Ugh!

 

"Tabi ‘diyan. Bwisit kang babae ka, nuknukan ng arte!" rinig kong sabi ni mama. Maarte na kung maarte. Pero kahit kailan, hinding hindi ako hahawak ng tae! Ang gross kaya! Pinanood ko siyang ayusin ‘yung toilet bowl at muntik na ngang lumabas ‘yung suka ko dahil hinawakan niya ‘yung...’yung...mabahong thingy na iyon. Ugh. Mukhang hindi ko kakayaning panoorin. I closed my eyes fervently, trying to get rid of the disgusting image I saw earlier pero I failed, lalo na nang may naramdaman akong tumalsik sa mukha ko. 

 

"Yuck! Ano 'yon?" I opened my eyes only to see the grossest thing I've ever seen in my entire life. Bumaha sa buong banyo! Lalabas na dapat ako ng banyo pero pagtingin ko sa doorknob, hindi ko na napigila;, nasuka na ako.

 

"Ano ba?! Lalabas ka ba ng banyo o ano? Bilisan mo na!" rinig ko si mama na sumigaw sa tenga ko at mas lalo pa kong nasuka nang makita kong hinawakan niya ‘yung doorknob na may...ugh.

My Lotto ExperienceWhere stories live. Discover now