MLE3

180 9 0
                                    

3

--

“Balita ko nagyakapan daw kayo, ‘a?” bungad agad sa akin ni Zara pagkaupung-pagkaupo ko sa tabi niya. Hindi ko siya sinagot pero sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pang-iiwan niya sa akin kanina.

“At ikaw pa daw ang nag-initiate?” sabat ni Mae na nasa kanan ko. Si Mae ay isang Accountancy student na ka-tropa din namin ni Zara. Sinamaan ko din siya ng tingin at ginantihan naman niya ako ng isang nakakalokong ngiti.

“Mga chismosa. Manahimik na nga lang kayo.” naaasar kong usal sa kanila. Imbis na tigilan nila ako, mas lalo pa nila akong niloko at kinulit. Natigil lang sila nang may pumasok sa pintuan.

“Sel! PDA kayo, ‘a!” sigaw ng bagong dating na si Jade, Psychology naman ang course niya. Sa buong mag-tropa, si Jade ang may pinaka-malakas na boses at loka-loka sa amin. Umupo siya sa harapan ko at maya-maya lang ay tumalikod siya para harapin kaming mga nasa likuran.

“Che!” ang nasagot ko lang at binuksan ang Philosophy book ko. Ayos lang sa akin kung tuksuhin nila ako. ‘Yung tipong kami kami lang at walang ibang nakakarinig. Kaya lang hindi eh. Lantaran nila akong tinutukso at sa harapan pa ng buong klase. Ang masama pa, hindi namin kilala ang ibang nasa loob ng room dahil mga irregulars kami. At ang mga kababaihan, grabe ang sama ng tingin sa akin.

“Aba, si Sel nagdadalaga na.” dagdag ni Lee Anne, IT student naman na kasabay ni Jade pumasok at tumabi sa kanya. Ka-tropa din namin siya at halatang kinikilig siya sa nabalitaan niya.

“Ewan ko sa inyo.” sinabi ko sa kanila at itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa libro. Patuloy pa rin sila sa pang-aasar sa akin pero hindi ko na lang sila pinapansin.

“Grabe, si Sel magkaka-boyfriend na. Uunahan pa ako.” rinig kong dagdag na komento ni Lee Anne. Nagpatuloy pa rin ako sa pagbabasa, kunwari wala akong naririnig.

Sa buong mag-tropa kasi, kami lang ni Lee Anne ang hindi pa nagkaka-boyfriend. NBSB kami kung matatawag. Ang tropa namin, na hindi kompleto ngayon, ay nabuo noong first year college kami. Nagkaroon kami ng block section para sa mga irregular at iba-ibang courses. Pare-pareho kasi kaming mga pumasok ng October, kaya naging magkaklase kami at doon nasimula ang pagkakaibigan namin. ‘Yun nga lang, hindi na kami magkakaklase lahat dahil every semester, sa kung saan-saang section kami napapadpad. Si Zara, na madalas kong kasama ay Communication Arts ang kinukuha, samantalang ako naman ay Fine Arts. Walo kaming mga babae sa grupo. At lahat kami, iiba ang kinukuhang kurso.

“Nako Lee Anne, landi landi din kasi pag may time.” pabirong sabi ni Jade kay Lee Anne at hindi ko napigilang ngumiti. Kahit kalian talaga, napaka-lukaret niya.

“Oo nga Lee. Bakit hindi mo gayahin ‘tong si Sel? PDA kung PDA. At huwag ka, siya pa ang gumawa ng first move!” pagsang-ayon ni Zara kay Jade. Napatigil ako sa pagbabasa at tumingin kay Zara.

“Bakit? Masama na bang gumawa ng first move ngayon?” pataray kong sabi sa kanya at lahat sila ay nagtawanan sa sinabi ko.

“At saka, ang bilis naman ata. Parang kanina lang nangyari ‘yon tapos alam niyo na?” nagtataka kong tanong sa kanila.

“Paanong hindi kakalat ang balita, ‘e hello! Sa open field mo siya niyakap. O-P-E-N! Open sa lahat ng mga mata ng tao! Duh?” sagot ni Mae sa tanong ko at hindi ako nakasagot. May point siya.

“Masyadong na-carried away ang friend natin, guys.” pang-aasar pa rin ni Jade pero inikutan ko na lang siya ng mata.

“Teka, matanong ko lang Sel.” dagdag ni Jade na hindi pinansin ang pag-irap ko sa kanya at iniurong ang armchair niya para makalapit siya sa akin. “Masarap bang makulong sa mga bisig niya?”

My Lotto ExperienceWhere stories live. Discover now