MLE14

95 9 0
                                    

14

--

“Finally, nakarating din!” Zan commented nang makita namin ang Lion Head nang dumaan kami sa Kennon Road.

“Guys, pa-picture tayong lahat ‘don!” Ria suggested excitedly.

“Kuya, pwede ka bang mag-U turn?” Zan asked, obviously thrilled with Ria’s suggestion.

“I’ll try bunsoy.” tipid na sagot ni JM kay Zan. Huminto siya sa gilid nang daan pero hindi agad siya nakapag-U turn dahil sa marami-rami ring mga sasakyan ang mga dumadaan.

“Guys, kung sa pagbalik na lang kaya natin tayo magpa-picture sa Lion Head? Feeling ko kasi mahihirapan ang driver natin na mag-U turn.” I recommended. Sa totoo lang kasi, wala ako sa mood na mag-picture muna. Ang gusto ko ngayon, makarating kami sa bahay-bakasyunan nila Zan na pansamantala naming tutuluyan lahat dahil gusto ko nang magpahinga. I was waiting for their reply. However, no one gave me an answer. Curious as to why they grew quiet, I decided to check up on them, only to see them grinning evilly at me. Again.

“What’s up with you guys?” I asked and they all snickered, maliban sa mga lalaki dahil hindi ko pa ka-close ang iba sa kanila.

“Wala lang. Natutuwa lang kami dahil concerned ka din pala sa Kuya ko.” Zan shrugged and winked at me. What is she trying to imply?

“Ewan ko sa inyo.” I muttered under my breath and turned away from them.

“I agree with Sel. Sorry guys, medyo pagod na rin kasi ako.” JM said and they all agreed with him.

“It’s okay, Kuya. Mukha nga naman na you need some rest din.” Ria said. JM smiled through the rearview mirror.

“Thank you.” he said. Napatingin akong bigla sa kanya at biglang nagkasalubong ang paningin namin. Bakit sa mga kaibigan ko, ang bait bait niya? Pero pagdating sa akin, inaaway niya ako? I bit my lower lip and looked away from him. Why am I sulking when I already know the answer to my own question? Sumandal ako ng maayos sa upuan ko at tumingin sa labas ng bintana. After niyang sabihin kanina na awayin ko daw siya para hindi siya makatulog, talagang nag-away nga kami. Ang mababaw na dahilan? Kanta sa radio. I wanted to listen sa mga rock pop songs samantalang siya naman wanted to listen sa mga oldies. We ended up insulting each other’s taste in music and we even called each other names. Again. Nagsigawan kami hanggang sa magising sila Jade. At ayun, tinukso-tukso na naman nila kami kaya nanahimik na lamang ako. Ganoon din si JM hanggang sa makita na nga namin ang Lion Head. I sighed. Nakaka-pagod siyang kaaway. Nakaka-stress!

“Kuya JM, malayu-layo pa ba tayo?” Lee Anne asked.

“Mga 1 and a half hour pa.” JM answered and I groaned. Napaka-tagal naman na byahe ito.

“Konting tiis na lang pala.” Lee Anne commented and resumed talking with her bestfriend.

“Guys, let’s play a game!” sigaw ni Zara. I groaned once again. Knowing Zara, napakautak niya whenever it comes to games.

“Anong game?” tanong ni Jade, sounding interested. Kahit hindi ko sila nakikita, alam ko kung anong klaseng expression ang nasa mga mukha nila.

“Truth or dare!” sagot ni Zara and I wanted to laugh. Napaka-laspag na ng game na ‘yon.

“Sira ka ba? Paano tayong maglalaro ng truth or dare gayong walang mapag-iikutan ng bote?” Jade reprimanded.

“Baliw ka Jade. Hindi naman sa lahat ng oras kailangan na mala-Spin the Bottle ang peg ng truth or dare. Pwede tayong magsimula kunwari kay Kuya JM, tapos kay Sel, then sunud-sunod na.” Zara reasoned, sounding smug. She actually had a point. Pero I don’t feel like joining them.

“Pass muna ako guys. I’m going back to sleep.” I told them kahit hindi ko sila nililingon.

“Bawal ang KJ! At dahil ‘diyan, ikaw ang mauuna! Truth or Dare!” Zara screeched and I groaned once again. Why am I friends with her again?

“Fine. Dare.” I grumbled and crossed my arms over my chest. Inaantok talaga ako. Why can’t they just let me sleep?

“Sure ka?” Zara asked and I know she was smirking evilly at me. Bakit ba dare ang nasabi ko?

“Truth!” pag-iiba ko and I heard them laughing again.

“No can do. Nag-dare ka na.” pang-aasar pa niya lalo sa akin. Groaning, I sat up straight and turned to look at them again.

“Para kang adik. Bakit ka pa magtatanong kung sure na ba ako kung final na pala ang sagot ko?” I asked, clearly irritated.

“Trip lang kitang asarin. Ngayon ka lang kasi namin nakitang napikon ng ganyan, ‘e.” she answered and I couldn’t help but glare at that.

“Anyway, I dare you to...” she trailed off, still smirking. Bigla naman akong kinabahan dahil knowing her, masyado siyang maloko. At kapag ganitong mga Truth or Dare ang nilalaro naming magtotropa, medyo may pagka-extreme ang mga dares niya.

“Hold Kuya JM’s hand pagka-rating na pagka-rating natin sa bahay nila Zan. As in ‘yung holding hands talaga ng mag-jowa. At hindi ka bibitaw till I tell you to stop.” she said and my friends cheered. Okay, it wasn’t that extreme pero ayokong gawin.

“And what if I don’t?” I countered back and her smirk grew wider. Okay, I have a bad feeling that I won’t like this.

“There won’t be any consequences this time, Sel.” she said and I ended up slumping back on my seat. Every time na hindi ko magawa ang mga dares ni Zara, may mga consequences na kapalit na kayang kaya ko namang gawin. Badtrip, bakit ko ba naisipang mag-dare?

“Your turn Kuya JM!” Jade exclaimed excitedly.

“Okay.” he smiled at her through the rear view mirror. Kaya naman pala niyang ngumiti.

“Truth or Dare?”

“Truth.” he answered at agad na nagkaroon ng kaunting katahimikan. I guess they were all expecting na dare ang pipiliin niya.

“Anong type mo sa isang babae?” one of my friends asked.

“‘Yung tahimik, mahinhin, mabait at hindi pala-mura. ‘Yung makaka-sundo ko sa kahit na anong bagay at hindi kami mag-aaway o magsisigawan dahil sa napakababaw na rason. Gusto ko rin ‘yung pala-ngiti dahil masarap titigan ang isang babae na laging naka-ngiti. Nakaka-badtrip kasi ang mga babaeng agad kang sinisimangutan kapag nakikita ka. Nakakahawa.” he answered. Saglit niya akong sinulyapan bago tumingin ulit sa daanan. And I swear, I saw him smirking afterwards. I rolled my eyes at him and decided to look out on the window beside me. Alam kong ako ang tinutukoy niya na babaeng hindi niya tipo. Pero kailangan bang i-detalye lahat lahat ng ayaw niya sa isang babae? I groaned and closed my eyes. Why am I getting so worked up?

“Oh. Si Maria Clara pala ang type ni Kuya JM. Paano ba ‘yan Sel? Hindi ka nakapasa sa standards niya.” pambubuska sa akin ni Lee Anne at mas lalo akong nairita.

“So what? As if I care! At hindi ko rin siya type, ‘no!” depensa ko. Bakit ba parang napaka-irrational ko ngayon? Magkakaroon na ba ako? Ugh!

“Bakit parang affected ka na hindi pala kita type?” I heard JM asked kaya napabaling ako sa kanya. A lopsided grin was playing on his lips and I badly wanted to wipe it off!

“Wow. Hindi ka lang pala basta gago, napaka-hambog mo pa!” I hissed.

“Pikon!”

“Mayabang!”

“And there they go again. Tara guys, kunwari tulog tayo. Kunwari walang tayo dito. Nakakahiya naman sa paglalambingan nila.” Mae said at muli kaming tinawanan. Badtrip, maeenjoy ko ba ang outing na ‘to?

--

to be continued

My Lotto ExperienceWhere stories live. Discover now