MLE17

94 6 1
                                    

MLE17

--

"Whoo!" I heard my friends exclaimed excitedly. Nandito kami ngayon sa Burnham Park at lahat sila ay nagpagkatuwaang sumakay sa mga bike. I also wanted to join them, but because of my foot injury, I stayed put. Ayoko kasing sumakay sa bike kung saan pwede kang i-angkas. Gusto ko solo ko 'yung bike na sasakyan ko. It's been a while na rin kasi ever since I've ridden a bike. Malas ko lang dahil nakaapak ako ng bubog kagabi. Bwisit talaga si JM! 

"Ui, Sel. Umagang-umaga naka-simangot ka." Mae commented before sitting down beside me. Nginitian ko siya when she handed me a sandwich. Napagkasunduan kasi naming lahat na dito mag-almusal.

"Badtrip kasi 'tong paa ko. Paano ko maeenjoy ang lakad natin na 'to? Kainis!" reklamo ko sa kanya bago kumagat sa sandwich na binigay niya. Mae laughed at my outburst. Kung sabagay, nakakatawa nga naman talaga ang sitwasyon ko.

"Ikaw kasi, inapakan mo 'yung bubog. Ayan tuloy." she replied, still chuckling. I sighed at pinili ko na lamang na huwag nang magsalita at kumain na lang.

"Sel, huwag mo naman sana masamain ang tanong ko pero anong ginagawa niyo sa kusina kagabi ni Kuya JM?" Mae inquired kaya napatigil ako sa pagnguya ang looked warily at her. Nakakunot ang noo niya at alam kong hanggang ngayon ay confused siya sa nakita niya. Nilunok ko ang nasa bibig ko before sighing. Matapos kasi akong tulungan ni JM sa sugat ng paa ko, agad niya akong binuhat at maingat na inihiga sa kama nang makarating kami sa kwarto kung saan lahat kaming mga babae ay natutulog. Magpapasalamat sana ako pero agad siyang umalis kaya hindi na ako nakapagsalita. Buti na lang ay hindi nagising ang mga kaibigan ko dahil kung hindi ay tutuksuhin na naman nila kami. And I was thankful dahil hindi na rin nagsalita si Mae, maging kanina bago kami umalis.

"Hindi kasi ako makatulog kagabi kaya bumangon ako. Pagdating ko sa kusina bigla akong nakaramdam ng uhaw. Then JM suddenly appeared. And as usual, nagka-sagutan ulit kami. 'Yung nadatnan mo, that was because he pushed me at tumama ako sa counter top. Kakaiba talaga ang gagong 'yun. Sobrang bastos." I told her and begrudgingly and took a bite from the sandwich again.

"Maski nga kami ay nagtataka kung bakit ganon sa'yo si Kuya JM." sabi ni Mae. Hindi ba nila alam ang history ni JM with his girlfriend? Ako lang ba at si Zan ang tanging nakakaalam?

"Ewan ko rin." ang nasabi ko na lang. It wasn't my story to tell. Kahit naman ubod ng bastos sa akin 'yung gago na 'yun, hindi pa rin maganda kung basta ko na lamang sasabihin sa kung sino ang pinagdadaanan niya.

"Hindi kaya't gusto ka niya?" tanong ni Mae, dahilan para mabulunan ako. Mae started laughing as she tapped my back, habang ako naman ay umuubo. Agad niyang iniabot sa akin ang bote ng tubig na dala niya kanina at uminom ako. Nang maka-recover ako, hindi ko naiwasang tingnan siya ng masama.

"Pwede ba? Nakakadiri kaya!" I exclaimed and she just grinned at me.

"I wonder kung sasabihin mo pa rin kung sakaling magkagustuhan kayo." What? Ano bang pinagsasasabi ni Mae?

"As if that's going to happen." I commented and she shrugged her shoulders, still grinning.

"No one knows what's going to happen, right? You don't know what the future holds." she told me and winked afterwards. And her statement left me dumbfounded. Totoo naman ang sinabi niya na I don't know kung anong mangyayari. Pero as if naman. Si JM at ako? I think my friends are asking for the world to end.

"I'll be right back, Sel. Ang paalam ko kasi kay Kevin ay magpapahinga ako sa saglit. Diyan ka lang, ah." and with that, she ran to wherever her boyfriend was. As if naman aalis ako sa kinauupuan ko ngayon. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko ng sandwich, while watching my friends have the time of their life. Nakakainggit. Kung alam ko lang, sana pala hindi na lang ako sumama sa kanila. Para kasing tino-torture ko lang ang sarili ko sa inggit.

"Problema mo diyan?" rinig kong tanong ng bagong dating. I didn't want to look at him. Hanggang ngayon kasi, kahit grateful naman ako sa ginawa niyang paggamot sa paa ko, hindi ko pa rin maiwasan ang maasar. Alam kong wala siyang kasalanan pero hindi ko naman maaapakan ang bubog na 'yon kung hindi rin dahil sa kanya!

"Wow, nice talking." he said, irritated. Aba, at siya pa ang may ganang maasar ngayon? Ibang klase talaga! Hindi ko siya pinansin, hanggang sa maramdaman ko na lang na hinawakan niya ang baba ko at pilit akong hinarap sa kanya, dahilan para mabitawan ko ang sandwich ko sa gulat.

"Talagang hindi mo ko papansinin?" tanong niya, his brows furrowed. I rolled my eyes on him. Ano naman ngayon sa kanya kung pansinin ko siya o hindi? Babaling na dapat ako sa ibang direksyon pero hindi niya ako pinapayagan. 

"Ano bang problema mo at naiirita kang hindi kita pinapansin, ha?" halos isigaw ko sa kanya. Kainis eh. Papansin much? Tapos nasayang yung sandwich ko! Ugh!

"Eh ikaw? Anong problema mo at hindi mo ako pinapansin?" halos isigaw niya rin sa akin pabalik. Aba't ang kapal talaga ng mukha ng isang 'to! Ibinalik na naman ang tanong sa akin?

"Gago!"

"Tanga!"

"Bitawan mo nga ako!" tuluyan ko nang sinigaw at sumunod naman siya sa sinabi ko.

"Pasalamat ka babae ka!" singhal niya sa akin.

"Talaga! Dahil kung hindi kanina pa tayo nagbugbugan dito!" inambahan ko siya ng suntok at siya naman ay inungusan lang ako. I didn't care if nagmukha kaming bata o kung pinagtitinginan kami ng mga taong dumadaan sa gawi namin at iniisip na nababaliw na kami. Bwisit siya eh. Umiwas ako ng tingin dahil sa sobrang pagkaasar ko sa kanya. Nakakairita siyang tingnan talaga! Hindi ko alam kung bakit nakakasundo pa ng mga kaibigan ko ang bastos na 'to. I crossed my arms over my chest and huffed out a breath in annoyance. It would have continued. 'Yung pagtitig ko sa kawalan at ang war contest namin kung hindi lang dahil sa nakita ko. My breath hitched and I felt as if someone had punched my chest. And here I was thinking that I have finally moved on, hindi pa rin pala.

"JM." tawag ko sa katabi ko. Ni hindi ko nga alam kung natawag ko ba talaga ang pangalan niya dahil hindi niya ako pinansin. 

"JM." tawag ko ulit, my eyes never leaving the figure standing from afar. Alam kong nanginginig ang boses ko at pakiramdam ko maiiyak na naman ako. Out of all the places here in the Philippines, bakit dito pa siya nagpunta?

"Ano?" tanong niya sa akin, still annoyed with me. But I didn't mind.

"Ui, anyare sa'yo?" tanong niya ulit nang hindi ako sumagot. I can tell that he was slightly worried dahil kanina nagtatalo lang kami tapos ngayon halos maiyak na ako. Pero bakit kahit nasasaktan na ako, hindi ko pa rin maiwas ang tingin ko? Napansin ko na lamang na papalapit na siya kung nasaan ako kaya agad akong tumingin ulit kay JM, na ang itsura ay nalilito. If I were to tell him na nakita ko ang ex-manliligaw ko, alam kong pipilitin ako ni JM na makipag-usap sa kanya, na siyang iniiwasan kong gawin. I bit my lower lip at the sudden thought that crossed my mind. Gusto kong sabunutan ang sarili ko, pero dahil alam kong papalapit na siya, kailangan ko itong gawin.

"Kiss me."

--

to be continued

My Lotto ExperienceWhere stories live. Discover now