MLE15

103 9 2
                                    

15

--

“We’re here!” JM exclaimed at agad na nabuhayan ng loob ang mga kaibigan kong napagod din sa kaka-daldal kanina.

 

“Wow!” I heard one of my friends commented in astonishment. Maski ako, namangha sa ganda ng lugar nila Zan. Sa lahat ng magtotropa, si Zan ang talagang may-kaya sa amin. Pero hindi siya katulad ng ibang mga mayayaman na mayabang. Napaka-humble ni Zan at hindi mo mahahalatang mayaman pala siya dahil napaka-simple din niya kung umasta at pumorma.

 

The van came to an abrupt stop at narinig ko agad ang pagbukas ng pintuan. Tinanggal ko ang seatbelt ko at kinuha ang bag ko sa may paanan ko. I was about to open the door beside me but JM stopped me from doing so.

 

“‘Yung junks mo.” he plainly said at wala akong nagawa kundi ang kunin ang plastic bag na may mga lamang chips. Hindi ko ito nagalaw kanina dahil sa sobrang ka-badtrip-an ko sa kanya. Agad akong bumaba ng van without even thanking him.

 

“Sel.” Zara called out in a sing song voice. Nang tumingin ako sa kanya, biglang tumaas baba ang parehong kilay niya and I knew what she was trying to tell me. I groaned inwardly, remembering her dare.

 

“Do I really have to?” I asked and she nodded her head. I sighed. Hesitatingly, I walked towards JM and grabbed his hand without warning. Agad kong narinig ang wolf-whistles ng mga kabarkada ko and I felt heat creeping up to my cheeks.

 

“Grabe ka. Kung gusto mong makipag-holding hands, magsabi ka lang. Nakakagulat ‘yung bigla bigla ka na lang manghahawak ng kamay, ‘e. If I didn’t know any better, iisipin kong patay na patay ka sa akin.” JM teased and I wasn’t able to stop myself from hitting his chest with my other hand.

 

“Aray! Manananching ka na nga lang, mananakit ka pa.” he added at pinalo ko na naman siya repeatedly ng malakas. Nakakainis!

 

“Parang hindi mo naman alam ang dare na’to! Hayop ka! Hayop ka! Hayop ka!” I screeched at him and instead of fighting back, tinawanan niya ako.

 

“Oo na, oo na! Amazona, tama na!” he said and I did what I was told. I huffed and rolled my eyes at him. Nang mapatingin ako sa mga kabarkada ko, hindi na ako nagulat sa mga nakakalokong ngiti na ibinigay nila sa akin.

 

“Napaka-brutal ng mag-jowang to.” si Shane.

 

“Paano pa kaya kung sila ang magkatuluyan, ‘no? Grabe, kawawa ang mga kapitbahay nila.” Ria said.

 

“Huwag nga kayong magmura. At kung makapag-usap kayo, parang hindi namin naririnig, ‘a?” I snapped but they just shrugged.

 

“Tara na guys. Bigyan natin sila ng time nila.” si Zan at lahat sila ay nagsimula nang maglakad papasok sa malaking bahay. I was about to follow them at bibitaw na dapat ako kay JM nang lumingon sa amin si Zara.

 

“Don’t even think about it.” she threatened at inirapan ko siya.

 

“Dude! What if I have to pee? Kailangan nakahawak pa rin ako sa kanya?” I questioned but she just shrugged her shoulders and walked off. Now what am I going to do? Pinanood kong pumasok si Zara sa bahay at nang mawala siya sa paningin ko, I immediately retracted my hand from him. Agad akong sumunod sa mga kabarkada without even looking back at JM. At buti na lang dahil hindi niya ako pinigilan.

My Lotto ExperienceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt