MLE8

111 8 1
                                    

8

--

“Pa, pwede niyo po ba akong turuan mag-drive?” tanong ko. Napatigil siya sa pagbabasa ng dyaryo and slowly looked up to me.

“Drive? Ano naman ang ida-drive mo?” tanong niya pabalik sa akin and I grinned at him.

“My new Maserati po.” sagot ko bago umupo sa tabi ni Ailyne. Dad looked incredulous and I wanted to laugh. Bigla namang napatigil si mama sa pagsisimsim ng kape niya when she heard what I said. Si Ailyne naman ay walang alam sa nangyayari dahil sa earphones na nakapasak sa tenga niya.

“Bumili ka ng kotse?” tanong ni mama and I nodded. Bigla naman napakunot ang noo niya sa ginawa ko.

“Kailan?” she asked again.

“Kahapon po.” I answered directly. Pagkatapos ng klase, agad akong dumiretso sa Bonifacio Global City para maglibut-libot. I heard na maganda daw ang lugar na iyon at hindi nga sila nagkamali. The place looks so foreign na parang wala ka sa Pilipinas. For a while, nalibang ako sa paglibot ko mag-isa. Tyempo naman na may nadaanan akong car shop at naisipan kong bumili ng kotse. At dahil hindi pa ako marunong mag-drive, iniwan ko na muna sa shop ‘yung binili ko. The personnel assured me naman na hindi mapupunta sa kung saan ‘yung kotseng binili ko kaya kampante akong nagcommute pauwi.

“Bakit po?” I asked innocently.

“Hindi ba’t sinabi kong hindi mo gagamitin ang pera sa luho?” she asked, her voice stern. I wanted to roll my eyes at that but I held myself back. Ayoko munang mabatukan ngayon.

“Ma, it’s just a car. And besides, don’t you think na mas magiging ligtas ako if I’ll just drive instead na magcommute na lang?” I reasoned and she wasn’t able to say anything next. Sighing dejectedly, she shook her head before walking to the kitchen.

“What’s wrong with her?” I muttered under my breath, which didn’t fail to reach my Dad’s ears.

“Gusto lang ng mama mo na tuparin mo ang ipinangako mo sa kanya.” he said and I just shrugged my shoulders. Anong masama kung bumili ako ng kotse? May pera naman ako. Hindi na ako nagsalita at nagsimula na lang akong kumain. I understand my mother’s sentiments. However, masama na ba kung gastusan ko ang sarili ko? Ngayon ko lang naman ‘to gagawin. I begrudgingly shoved a slice of bacon on my mouth and chewed it. Nang matapos akong kumain, agad akong umakyat pabalik sa kwarto ko to do my daily routines. Since mukhang hindi ako tuturuan ni Papa na mag-drive, pupunta na lamang ako sa driving school. And after that, I’ll treat myself.

--

Matapos ang first session sa driving school, I immediately went to Greenbelt. Bumili ako ng mga bagong damit, sapatos and gadgets. Naalala ko kasi bigla na wala pa pala akong mga bagong gamit pero sila mama ay meron na. Pati mga pampa-ganda bumili rin ako. Ni hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kong bumili ng mga make-up. Basta nang may nakita akong set, bigla ko na lamang iyon kinuha at isinama sa shopping cart ko. After kong mag-shopping, dumiretso ako sa salon para magpagupit.

“Anong style po ang gusto niyo, ma’am?” malanding tanong sa akin ng baklang mag-aayos sa akin.

My Lotto ExperienceWhere stories live. Discover now