Chapter 4

26.9K 581 68
                                    


Dalawang linggong namalagi sa bahay namin si Claire at talagang iniiwasan ko silang makadaupang palad dahil noong unang araw niya sa bahay, bigla ako nitong sinabunutan at kinalmot. Mabuti nalang at nahila ako ni manang mula sa kanya. Galit na galit noon si manang at pinagsabihan si Darnell pero hindi siya nito pinansin.

May araw pa na kinatok ako nito sa kwarto ko at pilit na pinapalayas sa bahay. May time din na binuhusan ako nito ng malamig na tubig tuwing natutulog ako pero si Darnell wala man lang ginagawa kay Claire para pigilan siya.

Mula noon, lagi na akong iniiwas ni Manang sa kanila. Mabuti nalang at pagkaraan ng dalawang linggo umalis na ito sa bahay dahil pumunta raw itong Japan. Mag-tatlong linggo na rin mula noong umalis siya at masasabi kong tumahimik ang buhay namin ni manang.

"Buti at gising ka na, hija. Wag mo ng hanapin ang asawa mo dahil umalis na siya." nakangiting sabi ni manang

Tinanghali nanaman kasi ako ng gising. Noong nakaaraang mga araw nagiging antukin ako at pakiramdam ko lagi akong pagod kahit na wala kong ginagawa sa bahay. Madalas ko ding hanapin si Darnell at ang amoy nito kaya minsan kinukuha ko ang damit niya at inaamoy.

"Manang, ano yan? Ang baho!" nandidiring sabi ko rito

Kunot noong tinignan ako ni manang dahil sa sinabi ko.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Pochero yan.  Diba paborito mo yan?" takang sabi nito

"Eh kasi naman manang ang baho!" Reklamo ko sa kanya at lumayo doon sa mesa

"Sige ipaghahain nalang kita ng ibang ulam. Ano bang gusto mo?" tanong ni manang at nilagay sa ref ang pochero

Nag-isip naman ako kung anong gusto kong kainin. Gusto ko ng maasim na mangga pero parang gusto ko rin ng sinigang na baboy. Yung sobrang maasim.

"Manang, gusto ko ng sinigang na baboy. Gusto ko yung maasim na maasim!" masiglang sabi ko sa kanya

Napailing nalang si manang at napangiti rin. Kumuha siya ng ingredients at nilagay sa mesa kaya tumulong na rin akong maghiwa ng ilang gulay para mapabilis kami. Tinulungan ko si manang sa pagluto at sariwang sampalok ang ginamit niya kaya talagang masarap.

"Tama na ba ang asim?" tanong sakin manang

"Masarap na masarap na po!" masayang sagot ko at kumuha na ng plato at kutsara para sa amin

Nilantakan ko na kaagad ang ulam nang makapaghain na si manang. Sobrang sarap talaga! Lalo na yung asim niya. Ang sarap!

"Dahan-dahan at baka mabulunan ka." natatawang saway sakin ni manang

"Ang sarap kasi manang!" sabi ko at sumubo ulit

Tumayo si manang nang may bumusina sa gate habang ako nagpatuloy sa pagkain. Ninanamnam ko ang mainit at maasim na sabaw ng siningang na baboy.

"Anak!"

Napalingon ako sa nagsalita at nagliwanag ang mukha ko nang makita ko ang mga magulang namin ni Darnell. Mabuti nalang at wala na akong pasa at sugat. Hindi na kasi ako pinapansin ni Darnell mula nang umalis si Claire.

"Daddy!" masayang tawag ko sa daddy ko at yumakap sa kanya

Daddy's girl ako eh. Natawa naman sila mommy ganun din ang mga magulang ji Darnell.

"Kain po tayo!" pagyaya ko sa kanila

"Tamang-tama at hindi pa kami naglunch." sabi ni mama at sumunod sakin sa kusina

Naupo na sila kaya nagpatuloy na ako sa pagkain. Natawa ako nang makita ko ang mukha nila nang matikman ang sinigang.

"Sobrang asim naman ito, hija. Hindi ba sasakit ang tiyan mo rito?" tanong ni papa sakin

The Wife's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon