Chapter 18

19.9K 387 51
                                    

Author's Note: SPG. Reader's discretion is advised.

Hillary

Hindi maalis ang malaking ngiti sa labi ni Grayson mula nang nag-apply kami para sa marriage license namin at napapailing nalang ako dahil para siyang nasisiraan ng bait. Habang pinagmamasdan ang malaking ngiti niy, doon ko napagtanto na tama ang desisyon ko. Our marriage license will be valid for 120 days, we should get married before it expires.

I know that marriage is something that you can't joke about. Sabi nga mga matatanda, 'Ang pag-aasawa hindi parang mainit na kanin na iluluwa mo pag napaso ka.' I understand those words because I've been there, kahit hindi man kami totoong kasal ni Darnell noon. Hindi ko siya mapakawalan dahil sa anak namin. Akala ko ay mas makakabuti sa aming mag-ina kung mananatili siya sa tabi namin pero nagkamali ako. I know my shortcomings and I regret those bad decisions I made.

Hindi ako magpapaipokrita at sasabihing 'Kung mangyari ulit iyon, ganoon pa rin ang magiging desisyon ko.' I will never make the same mistake. I will not let someone degrade me as a woman and as a person. Hindi niya nirespeto kahit bilang tao man lang at ngayon na wala na ako sa buhay niya, naghahabol siya. What for?Siguro nga nagkamali ako dahil may nobya si Darnell noong pinagkasundo kami pero may pagkakamali din siya. May nobya siya pero nagtaksil siya.

Second chances are given to those who deserves it. Second chances aren't given to let them hurt you again. They're given to fix the problem not to make it bigger.

"Akala ko ba busy ka ngayong araw?" takang tanong ko kay Grayson

"No matter how busy I am, I can run to you wherever you are. That's what you called priorities." nakangising sabi nito at kumindat sakin bago mabilis na binalik ang tingin sa daan

Sumilay ang malaking ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman maipagkakaila na matamis talaga itong mapapangasawa ko at lagi akong inuuna. Hindi na rin ako magtatanong kung paano siya nakapunta sa penthous ni Cali at kung paano niya nalaman. He's Grayson Andrews and he has his ways.

"What would you like to eat for lunch?" tanong nito sakin pagkasulyap sa orasan ng kotse niya

"Can we go to a Japanese Restaurant? I'm craving for ramen." nakangiting sagot ko

"Iyon ba ang gusto ni baby?" tanong nitong muli at hinaplos ang tiyan ko kaya pinalo ko ang kamay niya na ikinahalakhak niya

Baliw talaga.

Saglit akong napatitig sa kanya bago kunin ang kamay niya at pinagsalikop ang kamay namin. He smiled sweetly and kissed the back of my hands. His simple gestures melt my heart.

"Gusto mo na talagang magkababy?" maingat na tanong ko rito

Sumulyap siya saglit sakin bago muling tinuon ang mata sa daan. Parang nagtaka ito sa biglaang tanong ko.

"I'm not getting any younger, of course I want a baby. With you. Only." pinagdiinan nito ang huling salita at hinalikan muli ang likod ng palad ko

"I talked to my ob-gyne." panimula ko at mabilis na sumulyap siya sakin

Hindi ko sinabi sa kanya na bumisita ako sa ob-gyne ko noong sinabi niyang magpapakasal kami at gusto niyang magkababy. I had a miscarriage before and I'm worried in regards to that.

The Wife's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon