Chapter 18.5

17.9K 348 37
                                    

Author's Note: Credits to the owner of the photo. I don't own it.

HILLARY

Ate Gianna was very serious while tending Grayson's bullet wound. Hindi lang daplis iyon tulad ng sinabi niya dahil may bumaon ngang bala sa braso niya. Pinilit ako nito na manatili sa labas pero buo ang desisyon ko sa sinabi ni Ate Gianna.

She's right. Hindi namin sila laging mahihingan ng tulong. I don't want to be a burden to Grayson kung sakaling may mangyari nanamang ganito.

She was so patient while teaching me. Sinasabi nito ang mga dapat kong gawin habang ginagamit si Grayson. Lahat ng sinasabi niya ay tinatatak ko sa isip ko at tinatandaan ngmabuti.

"I have a question." biglang sabi nito sa kalagitnaan ng pagbebenda sa braso ni Grayson

I looked at her curiously.

"Ano 'yon, Ate?" takang tanong ko

"Akala ko ba nagpropose na si Kuya sa'yo? Bakit di ka pa niya binigyan ng singsing?" kunot noong tanong nito

Napagtanto ko ang ibig niyang sabihin kaya napasulyap ako sa daliri kong walang engagement. It doesn't really matter to me. Ang mahalaga sa amin ni Grayson ay makasal kami.

"Gianna!" inis na sabi ni Grayson

"What, Kuya? Namumulubi ka ba at wala kang pangbili ng diamond ring? Duh!" maarteng sabi nito at umirap pa

"That was the reason why I was shot, you brat! Imbes na sumama kay Hillary binalikan ko pa sa sala ang brief case ko kung saan ko nilagay ang singsing niya." singhal ni Grayson na parang napikon

Napasinghap ako sa sinabi niya at hindi ko napigilan ang lapitan siya at pingutin.

"Aray!" marahas na sabi nito

"I am fine without a ring! I can marry you without a ring! You should know that!" naiiyak na singhal ko sa kanya

"But I'm not fine with that! I don't want anyone looking at you and thinking that you're still available!" malakas na sabi nito kaya natahimik ako

Nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi niya. He's so possessive but it's not scaring me not bothering me.

Lihim akong napanguso nang maalala ang agreement namin na kinuha ko sa mesa kanina. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko habang hinihintay kanina si Grayson. Kinuha ko iyong agreement namin, tinupi ko iyon at binulsa sa pajama ko.

"Oh! Ipanotaryo mo bukas." nakaiwas ang tingin na sabi ko habang inaabot sa kanya ang nakatuping papel

Naupo siya at kinuha ang papel sa kamay ko. Binuksan niya iyon at ngumisi ng malawak nang makita kung ano iyon. Sabay kaming lumingon ni Grayson kay Ate Gianna nang malakas itong tumili. Napatakip pa ako sa tenga ko dahil parang mas malakas pa ata ang tili niya kaysa sa putok ng baril kanina.

"Mom! Dad! Oh my god!" tili nito

Narinig ko ang nagmamadaling yabag nila Tita Selena at Tito Landon. Puno ng pag-aala ang mga mukha nila.

"What happened?" sabay na tanong nila

"They're getting married!" tili ulit nito

The Wife's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon