Chapter 9

30.5K 619 59
                                    

"Ladies and gentlemen, welcome to Andrews-Smith International Airport. Local time is 5:45pm and the temperature is 30°C."

Napahinga ako ng malalim dahil sa narinig ko. Finally, I'm here. Nandito nanaman ako sa bansang sinilangan ko na minsan ko ng tinakasan. Nanatili akong nakaupo kahit na nagbababaan na ang mga pasahero.

Tumayo ako nang kakaunti na ang natirang tao. Kinuha ko ang bag ko sa taas at bumaba na sa eroplano. Napapikit ako nang salubungin ako ng mainit na simoy ng hangin. I'm back.

Pumasok na ako sa airport at sinalubong naman ako agad ni Grayson kasama ang ilang tauhan niya. Nakapamulsa ito at nakangiti sakin. Inismiran ko naman siya.

"Welcome back." nakangiting sabi nito at humalik sa pisngi ko

"Wala ka bang trabaho?" takang tanong ko sa kanya

"I canceled my appointments but I came here to pick you up and to check kung may problema." sabi nito

Pag-aari ng pamilya ni Grayson at pamilya ni Lola ang airport na ito. Matagal ng magkakilala ang pamilya nila lola dahil pareho silang may british blood pero nakapag-asawa ng Pilipino.

"Yung maleta ko kunin na natin." yaya ko sa kanya

"Pinakuha ko na ang maleta mo para makauwi tayo agad." sabi ulit nito at kinuha ang dala kong bag

Nakahawak siya sa bewang ko habang naglalakad kami at nakasunod naman samin ang mga tauhan niya for security purposes.

"Susunod daw ba si Lola?" tanong nito sakin

"Yes pero may inaasikaso pa siya kaya susunod nalang daw siya." sagot ko sa kanya habang nakatingin sa cellphone ko

Nag-eemail kasi sakin ang secretary ko para sa mga updates sa company. Nagulat ako nang hablutin ni Grayson ang cellphone ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Give me back my phone." sabi ko rito habang inaabot ang cellphone ko sa kanya

"You're here to relax and to be with me, Hillary." seryosong sabi nito

Napabuntong-hininga ako at hindi na inabot ang cellphone ko. Mas hinapit niya ako at hinalikan sa ulo. Napatigil kami sa paglalakad nang biglang may sumulpot na mga reporters. Hindi naman kami artista kaya bakit ba nila kami dinadagsa?

"Shit. Cover us!" matigas na sabi ni Grayson at agad namang tumalima ang mga tauhan niya

They escorted us on the way out. Pero hindi natigil ang pagsunod ng mga reporters at pagkuha ng mga litrato samin. Grayson tried to cover me and protect me from the crowd.

'Miss Hillary! Ano pong nangyari sa Hernandez-Olivar merging?'

'Totoo po bang ikakasal na kayo ni Grayson Andrews kaya naterminate ang merging?'

'Mr. Andrews! Mr. Andrews!'

Lihim akong napairap sa mga tanong nila. Yeah, right. Isang taon na pero mainit nanaman ang balita tungkol sa pagterminate ni lola ng pagmemerge ng companies namin. The merging of the two company is a big break for everyone dahil malalaking kompanya iyon sa Pilipinas.

'Miss Hillary! Totoo po bang matutuloy na ang merging ng Hernandez Corp at Olivar Corp kaya umuwi kayo ng Pilipinas?'

'Miss Hillary, ayon kay Mr. Olivar na iyong ama, itutuloy daw niya ang merging ng nasabing kompanya. Totoo po ba iyon? Miss Hillary!'

Nakahinga ako ng maluwag nang makarating kami sa kotse ni Grayson. Pinauna ako nitong pasakayin at sumunod naman siyang sumakay. Nasakabilang kotse naman ang ilang tauhan niya na nakasunod pa rin samin.

The Wife's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon