Chapter 6

29.3K 625 173
                                    


Umalis ako ng bahay nang marinig ko ang mga salitang iyon mula kay Darnell. Nagpunta ako sa park at naupo sa swing. Mabuti nalang at wala pang nagawi dito kahit na maghahapon na. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko kahit na pinunasan ko iyon ng paulit-ulit.

Ano bang dapat kong gawin? Ayoko siyang umalis. Ayokong mawalan ng ama ang anak ko. Ayokong maiwan. Pero nakapili na siya. Pinili niya si Claire kaysa sa amin ng anak niya. Sino nga ba naman ako para piliin niya diba?

Umiiyak na hinaplos ko ang tiyan ko. Naaawa ako sa anak ko dahil harap-harapan siyang inaayawan ng ama niya. Harap-harap din niyang sinasabi na gusto niya itong mamatay.

Napaangat ako ng mukha nang may makita akong panyo. May batang babae na nag-aabot ng panyo sakin kaya kinuha ko iyon at ngumiti sa kanya.

"Ate, wag na daw po kayong mag-cry kasi po papangit daw kayo sabi ni Kuya Pogi." nakangiting sabi nito

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Kuya Pogi?" takang tanong ko rito

"Opo. Siya po yung nagpapabigay ng panyo sa inyo. Babye!" sabi nito at tumakbo na papunta sa yaya niya

Kuya Pogi? Napatingin ako sa panyong hawak ko. Sino naman kaya ang nagbigay ng panyong 'to?

Binulsa ko nalang ang panyo nang mapunasan ko na ang luha ko. Nagpasya akong manatili muna rito dahil gusto kong mapag-isip isip ang mga bagay na nalaman ko.

Magdidilim na nang naglakad ako pauwi sa bahay. Nakarating naman ako agad dahil hindi naman iyon kalayuan sa park. Nakita ko si Darnell na nasa bar counter at tinutungga ang isang boteng alak.

Mabilis na naglakad ako papunta sa hagdan dahil baka malasing siya at saktan niya ako. Napahinto ako sa paglalakad nang magsalita si Darnell.

"Hillary...." mahinang tawag nito sakin pero rinig na rinig ko

"B-Bakit?" utal na tanong ko sa kanya habang nakatalikod

Wala akong lakas na harapin siya dahil baka maiyak lang ako. Hindi ko pa sasabihin sa kanya na alam ko ng hindi kami tunay na mag-asawa.

"Let me go."

Tatlong salitang dumurog sa buong pagkatao ko. How can I let you go Darnell? How?

Pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak pero ramdam ko sa dibdib ko ang sobrang sakit na hatid sakin ng mga salitang iyon.

"No Darnell. I won't." matatag na sabi ko

Magkakaanak na kami kaya hindi ko siya papakawalan. Gusto kong buo ang pamilyang kakalakihan ng anak namin.

"Why Hillary? Bakit sobrang hirap para sa'yo na pakawalan ako?" bakas sa boses nito ang paghihirap

"Because I love you, Darnell." mahinang sabi ko pero sapat an para marinig niya

"But I don't love you."

Napayuko ako at unti-unting bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"M-Magkakaanak na tayo, Darnell. K-Kahit yung anak lang natin ang isipin mo." umiiyak na sabi ko

Humarap ako sa kanya at nakita ko ang masamang tingin na binibigay nito sa tiyan ko kaya hinawakan ko iyon para protektahan.

"Ang batang yan ang dahilan kaya galit sakin si Claire! Yang batang yan ang may kasalanan!" singhal nito at hinagis sa gilid ang bote ng alak

Napatalon ako sa gulat at nanlaki ang mata ko nang tumayo siya. Napaatras ako nang maglakad siya papalapit sakin habang nakatingin sa tiyan ko.

"S-Stop right there!" nahihintakutan na sabi ko

The Wife's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon