Chapter 19

17.7K 324 47
                                    

Author's Note: Slight SPG ahead. Reader's discretion is advised.

HILLARY

I should be on Thalia's wedding rehearsal today pero sinabihan ko siya na hindi ako makakapunta. I haven't told her that Grayson and I are getting married. I decided to tell her personally.

I tried not to be nervous while sitting in front of my parents. My dad looked so serious while my mom looked calm. On the other side, Tita Selena and Ate Gianna looks so excited. Parang gusto na lang nila na sila ang magsabi na ikakasal kami. Tito Landon on the other hand looked serious but not like my dad who's throwing daggers at Grayson who's sweating beside me.

"Mamamanhikan po kami." Grayson started, nervousness is evident on his face

"Mamamanhikan? Parang noong isang araw lang ay nagpakilala kang nobyo nitong anak ko." mahinahon ang boses ni dad pero ramdam ko doon ang awtoridad

"Tito, we decided to get married this Friday." sabi ulit ni Grayson

Mukhang doon napigtas ang pagiging kalmado ni dad dahil marahas itong tumayo. Grayson's family still looks calm and unaffected by my dad's actions. I'm sure they expected this already.

"Bastard! Sa tingin mo ba ay hahayaan ko ulit makasal ang anak ko sa lalaking kailan ko lang nakilala?! Wala ka pa ngang napapatunayan sa aming mga magulang niya!" galit na sabi ni dad at dumagundong sa buong sala ang galit na boses niya

"Hon, huminahon ka. May mga bisita tayo." malumanay na sabi ni mom habang hawak ang braso ni dad

"Can you die for my daughter?" naghahamon na sabi ni dad

"Yes, Sir." walang pag-aalinlangan na sagot ng katabi ko

"Then, die." matigas na sabi ni dad

Suminghap ako at napatayo nang makita ang baril sa kamay ni daddy.

"Dad!" nanlalaki ang matang sabi ko

I glanced at Grayson's family but they remained unmoving. They're not even affected that Grayson is one step away from death! Napatango-tango pa si Tita Selena na parang naiintindihan si dad.

"Alfonso, ano ba?!" gulat na sabi ni mom

"Camilla, we're talking about our unica hija! Gusto niyang kunin ang kamay ng anak natin!" mariing sabi ni dad

"Calm your horses! Maupo ka at pumirmi ka dahil ikaw ang may kasalanan ng nangyari sa anak mo! You insisted that marriage with Darnell and you almost forced your daughter to marry that forsaken man again, Alfonso! I will never let you meddle with her life again! Ngayon, maupo ka at mag-uusap tayo ng mahinahon!" mom shouted angrily

Parang biglang maamong tupa na sumunod si dad. Kahit ako ay biglang naupo sa tabi ni Grayson. I've never seen my mom this angry. Kahit noong nalaman niya ang sitwasyon namin ni Darnell ay hindi siya sumigaw at nagalit ng ganito. Was that her pent up emotions?

Kalmadong naupo muli si mommy at walang pagdadalawang isip na binato sa likuran niya ang baril na hawak ni dad. I almost jump with surprise when she hit a vase and I am very sure that it was dad's expensive vase that he bought abroad! Walang salita ang lumabas sa bibig ni dad kahit na mahinang protesta ay wala akong narinig.

The maids went out and cleaned the mess my mom created. Mom crossed her legs and sipped on her juice before looking at Grayson's parents.

"I'm gladly giving my daughter's hand in marriage. I've known Grayson for a long time now." mom said while smiling

The Wife's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon