8: Falling Slowly

9.5K 426 66
                                    


It's a brand new week! Dalawang araw pa lang nawawala si Dr Abad, pero parang isang buwan na itong wala dahil sa pagka conscious ni Karylle sa mga ikikilos nya kay Vice. After kasi ng sinabi nito sa kanya, hindi na nya matingnan si Vice sa mata everytime na makikita nya ito sa hospital. Buti na lang ay hindi pa sya nire-request nito sa cardiothoracics department kaya naman napapadali ang pag iwas nya dito.

Today, she wasn't so lucky though. Pagpasok pa lang nya sa changing room ay ibinalita na sa kanya ni Anne ang schedule nya for the whole week.

"I heard you'll be in Dr Viceral's service for this whole week ah. Congrats girl." sabi ni Anne sa kanya bago lumabas ng changing room dahil sa tapos na sya mag bihis.

Napahilot na lang ng ulo si Karylle after marinig yung binalita sa kanya ni Anne. She slowly changed out of her civilian clothes into her scrubs before she made her way to the cardio department para makita yung tao na dalawang araw na nyang iniiwasan.

"Well, hello there Dr Tatlonghari." bati ni Vice na binaba yung clipboard na binabasa nya at napatingin kay Karylle.

Pinaalis na din naman agad ni Vice yung dalawang nurses na umaaligid sa kanya nung lumapit si Karylle.

"Good morning, Dr Viceral." pagbati ni Karylle na iniwasan tingnan si Vice sa mata.

"Anong ginagawa mo dito? Have you finally decided to stop avoiding me?" natatawang tanong ni Vice na binalik ulit yung tingin sa binabasa nyang clipboard kanina.

"Ha? H-hindi kita iniiwasan."

"Oh don't lie. Anong tawag mo sa nangyari kahapon? Pagpasok ko sa elevator, bigla kang lumabas kasi trip mong mag hagdanan papuntang 6th floor from the 2nd floor?"

"Exercise, bakit?" pabalik na sagot ni Karylle kaya naman ngumisi si Vice.

"So ano ngang ginagawa mo dito? Akala ko ba iniiwan mo ko?"

"Well, apparently I'm in your service for the whole week... Para namang hindi mo alam yun, Dr Viceral..."

"Seriously?!" gulat na tanong ni Vice na natawa after, "Akalain mo nga naman, ang likot talaga ng tadhana."

"Grabe, you're really going to be pretend na wala kang alam?"

"Dr Tatlonghari, I don't make the rotation system here, I will work with whoever as long as they know what they're doing. Hindi kita ni-request, as hard as that is to accept." sabi ni Vice na nakangisi pa rin.

Karylle's face turned red out of embarrassment, kaya naman tinapik sya ni Vice with the clipboard on the arm.

"Mamaya ka na mag blush, tara na sa Vagina squad."

"What?"

"Our first patient is down there..." sabi ni Vice na hinatak ang braso ni Karylle since hindi pa rin ito gumagalaw.

"Why?"


"You'll find out." sabi ni Vice na kumindat kay Karylle bago sila pumasok sa elevator.

--

"Dr Zulueta, this is Dr Tatlonghari, she's my intern for this week." pag introduce ni Vice kay Karylle sa head ng gynae team.

"Oh yes, I've seen you around...She's that intern na hinayaan mong mag scrub in with you diba?"

"Yes, that's right." sabi ni Vice confidently habang naglalakad silang tatlo papunta dun sa room ng pasyente nila.

"Interesting." sabi ni Dr Zulueta na napatingin kay Karylle bago sila tumigil sa paglalakad dahil narating na nila yung room ng pasyente nila.

Anatomy of the Heart | VicerylleWhere stories live. Discover now