11. Unlabeled

5.7K 290 35
                                    

Mabilis naman lumipas ang mga linggo at nag patuloy pa rin sa ang sikretong 'relasyon' ng dalawa. Kung matatawag man nila yung relasyon. Halos tatlong buwan na ang nakalipas since ang nangyari, pero hanggang ngayon ay unlabeled pa rin ang relasyon ng dalawa. Kahit anong pilit ni Vice na okay lang sa kanya na ipakilala si Karylle as girlfriend nya sa ospital, si Karylle naman ang may ayaw.

Ayaw daw nya kasing ma-brand as Vice's new toy, kahit may kirot kay Vice na ayaw syang ipagmalaki ni Karylle as boyfriend, naiintindihan din naman nya ito. Hindi rin naman kasi sya madaling maging nobyo, lalo na sa reputasyon na nabuo sa kanya sa ospital na pinag ttrabuhan nila.

Kahit walang official na label ang dalawa ay masaya naman sila. They both agreed na mas exciting yung patagong pagkikita nila. Minsan mahirap dahil sa busy schedule nila, yung tipong sa hospital na lang nga sila nagkikita eh bawal pa silang mag PDA - not that PDA is Karylle's thing - Vice would like the option to anyway.

Just like couples in official relationships, madalas din mag away ang dalawa, madalas dahil sa selosan. Madalas kasing pinag seselosan ni Vice si Paulo na laging katrabaho ni Karylle. Kung hindi si Paulo, pati yung mga kapwa attendings nito ay pinagseselosan nya na.

"Vice, alam mo ang galing din ni Dr Dantes, noh?" sabi ni Karylle out of the blue habang nag di-dinner sila sa hotel kung saan nag s-stay si Vice.

Vice drank a big portion of his beer bago tiningnan ng masama si Karylle.

"What?"

"Anong what?"

"Ang sama na naman ng tingin mo eh." sabi ni Karylle bago finlick yung textbook na binabasa nya while kumakain.

"Pwede bang itabi mo muna yan? Eto na lang nga yung time ko sa'yo, kaagaw ko pa rin ang medicine."

Karylle shut her textbook closed at lumapit to sit on Vice's lap, "Hindi lang pala doctor pinagseselosan mo noh? Pati libro... Ibang level na din." sabi ni Karylle na natawa pa.

Syempre, hindi lang naman si Vice ang laging nag seselos. Karylle possesses the quality of a jealous girlfriend din. Hindi naman nya sinasabi, ramdam na ramdam ni Vice kapag nag seselos ito. Lalo na kapag si Kaye o kaya si Karen na ang usapan. Dahil nga sa tago ang relasyon ng dalawa, hindi pa rin matigil tigil ang chismis sa ospital tungkol sa dating relasyon ni Vice with Kaye and with Karen.

Madami pa din ang mga haka-haka na Vice is sleeping with his exes again, and also, madami pa din ang umaasa at lumalandi kay Vice.

"Dr Viceral, pwede ba kitang makausap?" sabi ni Karylle ng madaan sya sa floor kung saan nakikipag consult si Vice with Karen.

"Dr Tatlonghari?" nag tatakang sabi ni Vice.

"Karylle, how are you?" sabi naman ni Karen na tinanggal yung kamay sa braso ni Vice at nag turn to look at Karylle,

"I'm good. Dr Viceral, a word?" nakangiting peke na sabi ni Karylle na pinasunod si Vice sa kanya palayo kay Karen.

They hid in one of the consultation rooms bago nag salita ulit si Karylle.

"How's your day going?" nakangiting tanong ni Vice na walang kaalam alam sa ginawa nyang mali.

"Seriously?!"

"Karylle, hindi ko gets." napakamot sya ng ulo trying to read Karylle's expression on her face.

"Bakit nakadikit na naman sa'yo si Dr Tuazon? May case ba kayo together? Bakit kayong dalawa lang? Nasaan si Anne? Hindi ba't intern mo sya all this week? Nasaan si Paulo? Diba naka-assign dn sya kay Dr Tuazon?"

'Nag seselos ba to?' Vice thought to himself na napangiti bigla.

With the way Karylle fiddled with her hands, alam ni Vice na very uncomfortable na ito.

Anatomy of the Heart | VicerylleWhere stories live. Discover now