10: Rumor Has It

7.7K 362 140
                                    


One week later...

Pagpasok ni Vhong sa attending's lounge, nalito sya ng makita si Vice doon na twenty minutes early. Chilled itong nakaupo sa sofa with his feet on top of the coffee table at nagbabasa ng morning newspaper.

"Good morning, Navarro." pagbati ni Vice na kahit hindi lumingon ay alam na si Vhong ang dumating.

"May sakit ka ba?" tanong ni Vhong na pumunta sa may ref para ilagay sa loob ang baon nya.

"Ano ba namang tanong yan?" Vice chuckled at nag lean forward para abutin yung kape nya.

"May iba sa aura mo ngayon eh... Hindi ko alam kung ano, pero merong mali eh."

"Maganda lang gising ko." simpleng sagot ni Vice at nag look up para ngitian si Vhong.

Habang nag bibiruan ang dalawa, unti-unti ding nag datingan ang iba pang attendings na on-duty para sa araw.

"Uy ang aga mo ah." sabi ni Piolo kay Vice ng pagpasok nito sa room, "Ba't ang aga nitong si Viceral, Vhong?"

Sabay naman tumawa si Vhong at Piolo, nag join in din sa tawanan si Solenn at Coco.

"Grabe kayo, hindi ba pwedeng mukha lang akong late lagi dahil maaga kayo?" palusot ni Vice na tumayo na to get ready for his day.

"Vice, have you heard? Tuazon's back."

"I know." sabi ni Vice at napangisi.

"Oo, nakita ko nga si Karen last week. Galing sya sa office ni Chief, I didn't know na she's back for good." sabi ni Piolo at nilapitan si Vice para akbayan ito, "Excited to see her again?"

"Nakita ko na sya last week, still as beautiful as ever." sabi ni Vice at napa-lipbite sabay kindat sa direksyon nina Coco at Vhong.

Paalis na ng room si Vice ng dumating si Kaye, "Hello everyone." sabi ni Kaye na iniwas ang tingin kay Vice.

"Dr Heusaff, hinihintay ka na namin para sa briefing for the Alano case." sabi ni Kaye at binigyan lang ng blank stare si Solenn.

Coco nudged Vice's shoulder para tanungin sana si Vice kung alam nito kung anong problema ni Kaye. Vice cleared his throat at nag walkout ng room, he walked passed Kaye along the way.

"Well that was weird." sabi ni Solenn out loud.

"Ano na Dr Heusaff?" pagmamadali ni Kaye.

"Are you guys secretly doing it again?" tanong ni Solenn kay Kaye nung paalis sila ng room.

--

"Oh my days, girl! Mukhang wala ka atang tulog kagabi?" pagbati ni Anne kay Karylle ng makarating ito sa locker room nila.

"Parang ganon na nga." sabi ni Karylle na sinampal sampal ang sarili para magising sya. She quickly changed into her scrubs at tumayo sa may salamin para mag suklay ng buhok.

She jumped when Anne creeped up behind her para gulatin sya, "Ano ba Anne!?" sabi ni Karylle at natawa na lang instead na mainis.

"May bagong K sa ospital ah."

"What do you mean?"

"Dr Karen Tuazon. She was in the same year as Dr Abad dati. I heard they were pitted against each other back when they were interns."

"Oh really?"

"Yeah, she left once she finished her internship. Pero rumours around here said na she made a big impression sa mga male attendings...If you know what I mean." Anne winked twice to hint what meant.

Anatomy of the Heart | VicerylleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora