Prologue

1.7K 16 0
                                    



Minsan sa buhay natin may mga bagay talaga na dumarating na hindi natin inaasahan, minsan darating ito para mag-iwan ng marka sa buhay mo – mga markang magsisilbing leksyon sa buhay mo para matuto ka at minsan may mga bagay na dumarating na kailangan mong ingatan dahil nakalaan ito para sa'yo.



Si Zoe, isang babaeng nagpakatotoo, nagmahal ng tunay pero niloko at nabigo. Nagtiwala sa isang kaibigang hindi nya inakalang ta-traydorin pala sya.



Perfect – yan ang pinaka tumpak na diskripsyon sa buhay ni Zoe; masayang pamilya, magandang trabaho, mababait na kaibigan at mapagmahal na kasintahan. Iyon ang akala niya. Subalit nagbago ang ihip ng hangin at biglang nagbago ang takbo ng tadhana. Ang lalaking akala nya'y kanyang The One, ay yun pala ang the one who's meant to break her heart.



Zoe's life was like a fairytale, just like any other princesses, Ethan became her prince but from a prince he became a villain who shattered all her dreams and even her heart.



Minsan kasi kung sino pa yung rason mo kung bakit ka sobrang masaya e sya rin yung rason kung bakit masasaktan ka ng sobra.



Mga gabing mahirap itulog dahil naaalala nya lahat, mga luhang hindi mapigilan sa pagpatak, na akala mo'y ubos na pero hindi pa pala.



Masaya na si Ethan at Alexa, samantalang si Zoe ay dala-dala parin ang sakit. Pakiramdam nyay talunan sya, dahil mahal nya parin si Ethan.



The Second Time Around (COMPLETE)Where stories live. Discover now