Chapter 6: The EX is Back

590 9 0
                                    


Chapter 5: The Ex is Back



"Hello? Sino 'to?" sabini Zoe sa kabilang linya.



"Zoe." sambit ng isang lalaki.



Nagulat si Zoe dahil kilalang kilala nya kung kaninong boses iyon. Bigla syang nanghina at bumabalik na naman ang sakit.



"Anong kailangan mo?" matapang na tanong ni Zoe.



"Pwede ba tayong mag-usap?" pagmamakaawa ni Ethan.



"Ayoko ng gulo Ethan. Please." gigil na sabi ni Zoe.



"Wala na kami." sabi ni Ethan sabay buntong-hininga.



"At ano? Anong gusto mong mangyari?" ramdam na ramdam sa tono ng pananalita ni Zoe ang sakit na nararamdaman nya.



"I want you back, Zoe." seryosong sabi ni Ethan.



Halos mabulunan si Zoe sa kanyang narinig. Pero alam niyang kasinungalingan lang ang sinasabi ni Ethan. Matapos ang lahat magpaparamdam ulit sya, babalik sya.



"Sinong niloloko mo? Lubayan mo na ako please. Kasi pagod na ako, pagod na ang puso ko." galit na sabi ni Zoe.



"Alam ko mahal mo parin ako. Please sabihin mo."



Tears are starting to fall from Zoe's eyes pero pinipigilan nya ito kasi ayaw nyang magmukhang mahina at apektado sa pagbabalik ni Ethan.



"Kalimutan mo na ako Ethan dahil matagal na kitang kinalimutan." sabi ni Zoe. At mariin nyang pinindot ang end call button.



*toot toot*



[ End Call ]



Lutang na lutang ang isip ni Zoe dahil sa sinabi ni Ethan, dahil bumalik ito. Nasa coffee shop si Zoe at hinihintay nya si Kevin. Nakatulala lamang ito. Hindi nya alam kung ano ang dapat nyang gawin o may gagawin ba sya.



"Zoe, sorry natagalan ako. Traffic kasi e."

The Second Time Around (COMPLETE)Where stories live. Discover now