Chapter 4: Pretend

620 13 0
                                    


Chapter 4: Pretend



"Hindi ka ba sasama sa amin Zoe?" tanong ni Mara. Palabas na sila ng opisina.



"Hindi e. Next time na lang." sagot nito.



"Ayy, sige Zoe. Basta next time ha?" tanong naman ni Lani.



"Oo naman. Pupunta pa kasi ako ng mall, alam nyo naman birthday ni kuya next week kaya bibili ako ng regalo para sa kanya. Ipapadala ko nalang sa kanya sa Cebu."



"Okay Z. Ingat ka ha?" sabi naman ni Eva.



"Bye girls!" paalam ni Zoe sa kanila at pumara ito ng taxi.



"Bye Zoeee!!" paalam naman ng tatlong kaibigan nito.



-

Nasa mall na ngayon si Zoe, sa men's department. Busyng-busy sya kakapili ng magagandang t-shirt para sa kanyang kuya ng biglang nagtapong muli ang landas nila ni Ethan at Alexa. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Zoe, hindi nya kasi inaasahan na magtatagpo ulit sila pagkatapos ng nangyari. Akala nya'y huli na yung escalator moment nila.



"Zoe, ikaw pala. Kamusta ka na?" tanong ni Ethan habang nakapulupot ang kamay ni Alexa sa braso nito.



"A-ah I'm fine. Kayo? Kamusta na?" nauutal na sabi ni Zoe. Palinga-linga si Zoe sa kanyang paligid, pakiramdam nya'y talunan na naman sya. She bit her lower lip to stop her tears to fall.



"Ohh, okay lang naman kami ni Ethan. Masayang masaya diba love?" malanding sabi ni Alexa.



"Ah oo naman love." sabi ni Ethan sabay ngiting plastic.



"Mabuti kung ganun. He-he."



"Are you alone?" tanong ni Ethan.



"Oo nga Zoe, mag-isa ka lang ba? Wala ka bang boyfriend? Omg!" sarkastikong sabi ni Alexa.



Kinakabahan na si Zoe, nanunuyo na ang kanyang lalamunan. Napaka awkward na kasi ng sitwasyon nila. Hindi sya makasagot, pero kailangan nyang ipakita sa dalawa na hindi na sya naaapektuhan.

The Second Time Around (COMPLETE)Where stories live. Discover now