Chapter 3: Moving On

561 15 0
                                    


Chapter 3: Moving On


Nagsimula ang moving on therapy ni Zoe sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Ang dating Zoe na palaging nakapusod ang buhok ngayo'y nakalugay na at kinulot ang dulo. Ang dating makapal na kilay ngayo'y pormadong-pormado na. Ang dating manang manamit ngayo'y certified fashionista na. Sobsob na sya sa kanyang trabaho, minsan ay sumasama na sya sa kina Eva, Mara at Lani.


Zoe is trying to move on gradually, inch by inch, pieces by pieces. She is trying to recover and trying to pick up the pieces of her broken heart and put it back together.



Habang pumipili ng mga damit si Zoe ay bigla silang nagtagpo ni Alexa. Nagulat silang dalawa.



"Oh, look who's here? Ang talunan! Ang babaeng desperadang parang asong ulol na humahabol-habol sa boyfriend ko. You've changed huh!" sabi ni Alexa sabay taas ng kilay.



"Alexa, ayoko ng gulo." malumanay na sagot ni Zoe.



"Hindi ka parin nagbabago, pabebe ka parin! Kaya ka iniwan ni Ethan! Hahahaha. Wake up girl." sarkastikong sabi ni Alexa.



"Hindi nya ako iniwan, inagaw mo sya sa akin." matigas na sagot ni Zoe.



"Aba, palaban ka na ngayon? Marunong ka ng sumagot?" malditang sabi ni Alexa sabay taas ng kilay.



"Oo, sa mga taong kagaya mo. Malandi."



Tinulak ni Alexa si Zoe at natapilok ito. "Hindi ako malandi, tandaan mo yan. Nagsawa lang talaga sya sa'yo. Kasalanan ko bang mas maganda ako sa'yo? Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa boyfriend ko, hindi ka sardinas. Ang dry mo! Wala kang sauce! You're dull, you're boring!" sigaw ni Alexa at umalis na.


Sinampal naman ni Zoe si Alexa at umalis ito.


-



Habang pababa si Zoe sakay ng escalator ay nakita nya si Ethan at si Alexa na sakay din ng escalator sa kabilang gilid.



Umirap lang si Zoe sa kanilang dalawa samantalang si Alexa ay malanding nakakapit sa braso ni Ethan. Nakaramdam na naman ng inis at sakit si Zoe.



-



Kinabukasan, maagang tumungo si Zoe sa isang coffee shop sapagkat may kailangan syang tapusin na report. Napalinga-linga sya sa kanyang paligid, ang mga servers kasi ay nakapulang uniporme, ang mga taong naglalakad sa labas ng coffee shop ay nakasuot din ng kulay pulang damit, ang coffee shop ay maraming hugis puso na nakadisenyo. Tumingin sya sa kanyang kalendaryo at napagtanto nyang valentines day pala ngayon.



"Ahh, kaya pala." sabi nito sa kanyang sarili.



Matapos nyang buksan ang kanyang laptop ay pumunta sya sa counter at mag-oorder sana ngunit may isang lalaking nagmamadaling pumasok sa coffee shop.



"Miss, one cappuccino. Take out." sabi ng lalake at nagbayad ng 50 pesos.



"Hey, excuse me? Ako yung nauna." sabi ni Zoe pero dedma lang ang lalaki.



Ngumiti lang ang lalaki at kinuha ang kanyang order. "I'm sorry miss. Nagmamadali kasi ako." sabi nung lalaki.



Umirap naman si Zoe.



"One latte, miss."



"Take out po o dine in?"



"Dine in."



May kinuha ang lalaki sa kanyang bag at ibinigay ito kay Zoe.



"Happy valentine's nga pala." sabay bigay kay Zoe ng isang chocolate. Agad namang lumabas ang lalaki sa coffee shop at nagmamadaling tumakbo.



Sa halip na mainis si Zoe ay napangiti na lamang ito. Pati narin ang cashier. Napabuntong hininga si Zoe at kinuha ang order nya. Umupo na sya at inilapag nya ang kanyang kape at yung tsokolate at humarap na sa kanyang laptop. Habang busyng-busy sya kakatype ay nasusulyapan nya ang tsokolate at napapangiti sya. Nakatatak na sa kanyang isipan ang mukha ng lalaking nagbigay kulay sa kanyang valentines day. Akala nya'y normal lang ang araw na ito ngunit hindi pala.


The Second Time Around (COMPLETE)Where stories live. Discover now