Chapter 1: The Encounter

1K 14 1
                                    

  (PLEASE PLAY PIECE OF YOU BY KRISSY FOR A BETTER IMAGINATION. PLEASE CLICK THE EXTERNAL LINK) 



Chapter 1: The Encounter



Nasa park ngayon si Zoe, nagpapahangin dahil tinanggihan sya ni Ethan na mamasyal ngayong araw, sumama ang kanyang loob kaya napadpad sya dito. Ngunit mas sumama ang kanyang loob sa kanyang nakita. Nanlulumo sya sa kanyang nasilayan.



[Calling Ethan...]


"Sagutin mo Ethan." kalmang sambit ni Zoe sa kanyang sarili.


Sa di kalayuan ay tinitingnan ni Ethan ang kanyang telepono, at hindi mapakali dahil kasama nya si Alexandra – ang matalik na kaibigan ni Zoe. Nagdadalawang isip itong sagutin dahil alam nyang magsisinungaling na naman sya. Ngunit sumensyas sya kay Alexa na sasagutin nya ang tawag.


"H-hello b-babe." nauutal na sabi ni Ethan.


"Ethan." maligayang bati ni Zoe. "Asan ka ngayon?"


"A-ahm, nasa bahay lang? Nagpapahinga. Masakit kase ang ulo ko." pagsisinungaling ni Ethan.


"Ahh, okay babe." naiiyak na sabi ni Zoe.


"Sorry talaga babe ha. Babawi ako next time." sabi naman ni Ethan habang palinga-linga sa paligid.


"Okay lang, naiintindihan naman kita. I love you babe. " sabi ni Zoe at pinipigilan nito ang kanyang mga luha.


"I love you too.Sige babe, magpapahinga muna ako ha. Ingat ka pauwi." sabi ni Ethan sabay baba sa phone.



At umupo ito katabi si Alexa.


"Labs, thank you." malanding sabi ni Alexa.


"Para sa'n?" tanong naman ni Ethan."


"Para sa lahat. Para sa love, sa care. Akala ko kase hindi na ako magiging masaya pa. Pero nung dumating ka, nagbago ito. You make me feel that I am so lucky." sabi ni Alexa sabay kapit sa braso ni Ethan.



"Naks. Ang drama mo Labs, nangako ako diba? Nangako ako na gagawin ko lahat para sa'yo." sabi naman ni Ethan sabay yakap dito.



"Ethan? Alexa? Anong ibig sabihin nito?" nagulat naman ang dalawa at napatayo ito sa kanilang kinauupuan.



"Zoe." gulat na sabi ni Ethan.


  "Bes."   


"Wag mo'kong matawag-tawag na bes, wala akong kaibigang traydor." mangiyakngiyak na sabi ni Zoe.



"Zoe, let me explain." sabi ni Ethan sabay haplos sa magkabilang pisngi ni Zoe.




"Ethan, sabihin mo na pakulo nyo lang 'to. Ethan, sabihin mo na nag-jo-joke ka lang. Please. 3 years? Ganyan lang kadali sa'yo?" nauutal na sabi ni Zoe, patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha. Hinahampas nito ang dibdib ni Ethan.




"Zoe, sorry." yan lamang ang nasabi ni Ethan sabay yuko.



"Ethan, bakit? Bakit bestfriend ko pa? Bakit si Alexa? Anong meron sa kanya na wala sa akin?!"patuloy parin ito sa paghampas sa dibdib ni Ethan.



Agad namang hinila ni Alexa ang kamay ni Ethan. "Tara na labs."



Pinagmasdan nalamang ni Zoe si Ethan at Alexa papalayo sa kanya. 



Samantalang si Ethan naman ay tiningnan nya si Zoe habang hinila sya ni Alexa. Nasasaktan ito dahil nasaktan nya si Zoe.






-




Pagdating ni Zoe sa kanyang bahay ay agad syang napahikbi dahil sumalubong sa kanya ang larawan nila ni Ethan. Agad naman nya itong iwinaksi at napaiyak na lamang. Biglang nag flashback ang mga masasayang araw nila ni Ethan. Na akala nya'y hindi na matatapos, pero lahat pala ng masasayang bagay ay may hangganan pala.



Inaalala nito ang kanilang 33rd monthsary celebration at yung tinuturuan syang mag-gitara ni Ethan.

The Second Time Around (COMPLETE)Where stories live. Discover now