Chapter 5: Steady

528 15 0
                                    


Nagpalitan sila ng numero at dun nag-umpisa ang kanilang pagkakaibigan. May mga gabing laging tumatawag si Kevin kay Zoe at nag-uusap sila ng kung anong bagay-bagay. They share common things, like coffee, reading books and music. Minsan nama'y magkatext sila kahit nasa opisina sila. Naging maging mabuting magaibigan silang dalawa.



May mga panahong sinusundo ni Kevin si Zoe sa opisina at kumakain sila sa isang resto o kaya nama'y nagkakape sila.



4 months na ang nakakalipas and they are both happy sa piling ng isa't-isa, unti-unti ng nalilimutan ni Zoe ang sakit ng nakaraan. Naging masaya na sya sa piling ni Kevin, nag-eenjoy sya kausap at kasama ito. May mga panahon ding sabay silang pumupunta ng mall at nagsho-shopping at unti-unti ng nahuhulog si Kevin kay Zoe. At nagsisimula na syang magparamdam kay Zoe sa mga simpleng bagay na nakapagpapasaya sa dalaga.



Minsan sa opisina ni Kevin ay nag-uusap sila ng kanyang mga katrabaho during break time nila.



"Oh Kevs, kamusta na pala kayo nung Zoe ba yun?" tanong ni Herald.



"Oo nga Kevs, pakilala mo naman yan sa amin." sabi ni Carmela.



"Soon guys." tuwang-tuwang sabi ni Kevin.



"Mahal mo na?" tanong naman ni Bianca.



"Siguro. Masaya kasi ako kapag kasama ko sya o kahit naririnig ko lang yung boses nya."



"Omg! Kyaaaaaah! Binata na ang aming Kevin!!" sabi ni Grace at sabay na nagtilian ang mga babaeng kasama nila.



"Huy! Manahimik nga kayo, kung makatili naman 'to!" sabi ni Juan.



"Ang KJ mo Juan!" sabi ni Bianca.



"Sige pa Kevs, kwento ka pa. Please." sabi ni Carmela.



"Oo nga, kinikilig kami e." sabi ni Grace.



"Matanong ko lang, nililigawan mo na ba?" tanong ni Herald.



"Hmm. Oo, nagpaparamdam ako." nahihiyang sabi ni Kevin.



"Ano ka? Patay? Nagpaparamdam? Sabihin mo na na mahal mo sya." sabi ni Juan.



"Mahal agad? Di pwedeng gusto muna?" pilosopong tanong ni Bianca.



"Mahal ko na sya, naghahanap lang ako ng tamang panahon para sabihin sa kanya. Timing dude." sabi ni Kevin. Na syang kinakilig naman lalo ng mga babaeng kasama nila.



-


Kevin started to fall in love with Zoe. Hindi nya alam kung paano, kailan at saan. All he knew is that he is falling for her each day of his life. Masaya kase ito kapag kasama nya si Zoe, he's comfortable and at ease with Zoe. No pretension at all. He's very confident na ilabas ang totoong ugali nya kapag kasama nya si Zoe.


Kevin likes to read romantic novels, pero wala syang napagsasabihan at napapagkwentuhan kase nababaduyan sila. But when he met Zoe, his life change. Everything fall into right place.

The Second Time Around (COMPLETE)Där berättelser lever. Upptäck nu