EPILOGUE

756 11 1
                                    


Epilogue:



Zoe's POV



Sa buhay, may mga taong dadating at may dalawang rason yun. Ang una, darating lang sila upang mag-iwan ng leksyon at ang pangalawa ay darating sila upang manatili sa buhay mo.



Dumating si Ethan, na akala ko'y sya na. Akala ko sya na yung The One ko subalit hindi pala, sa halip ay isa lamang syang instrumento na ipinadala ng Diyos upang makilala ko yung tunay kong The One. Hindi man naging kami hanggang sa dulo pero alam ko naman naging masaya kami noong mga panahong umiikot ang mundo namin sa isa't-isa. He became a lesson to my life and I've learned many things that make me grow. Minahal ko sya, sobra sobra. Pero mali palang magmahal ng sobra, kailangan mong magtira para sa sarili mo. Kasi kapag sobra sobra yung ibinigay mo, masasayang lang.



Hindi inaasahan ang pagtatagpo namin ni Kevin subalit alam kong sinadya iyon ng tadhana, nakaplano na ang lahat. Sadyang mapaglaro lang talaga ito. Maraming nasaktan, maraming luha ang tumulo at maraming masasakit na salita ang nagsiliparan bago namin nakamit ang aming kaligayahan. Minsan naisip kong takbuhan ang problema pero naisip ko kung tatakbo ako, hahabulin parin ako nito. Kaya hinarap ko, at sa hindi inasahang pagkakataon; nagtagpo kami at tinulungan nya akong makaahon. Masaya ako kay Kevin, mahal ko sya at mahal nya rin ako. Sa kanya ko nakita at nadama ang tunay na kaligayahan.



♥ ~ ♥ End ♥ ~ ♥


The Second Time Around (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon