Chapter One

1.4K 31 3
                                    

"Julio, sex tayo please." Bulong ni Augusteus sa aking kanang tenga sabay kagat.

"Ano ba Agosto," Siniko ko siya sa kaniyang matipunong dibdib. "Hindi porke't bading ako ay pwede mo ng yayain makipag talik kahit anong oras mo gusto." Nagpatuloy ako sa paglalakad ng hindi siya nililingon.

"Julio naman, promise ko sa'yo na mage-enjoy ka. Sige na please. Antagal ko ng pinagnanasahan ito." Sabay kurot sa aking pwetan. Napa-igtad ako sa gulat.

"Pwede ba Agosto, tigilan mo na ako!" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Andaming mga babae at lalake diyan na handang bumukaka para sa'yo pero bakit ako parin ang kinukulit mo. Hindi ka pa ba nagsasawa?" Inis kong tanong sakanya. Mag-iisang taon na kasi niya akong kinukulit na mag-sex pero patuloy ko paring tinatanggihan. Sagrado kasi ang sex para sa akin. Para lang ito sa dalawang nagmamahalan kaya hindi ko siya mapagbibigyan.

Niyakap niya ako. "I don't want anyone except you." Banayad niyang bulong sa aking tenga na nagpanginig sa aking katawan. Bumaba ang kaniyang labi sa aking leeg at sinipsip ito.

"Laters baby." Hinalikan niya ako sa pisngi sabay takbo. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat at pagkapahiya. Malamang, madaming estudyante at mga guro ang nakakita sa munting palabas na ginawa ni Augusteus.

Inis akong nagpatuloy sa paglalakad patungong locker room.

Ako nga pala si Julio Cades(kay-dees) Villaflor. 3rd year college sa isang unibersidad sa Davao. Information technology ang aking kurso dahil mahilig ako sa computer. I'm openly gay pero hindi halata dahil sa pananamit at itsura ko. Lalake pa rin kasi akong kumilos at magsalita pero kung tatanungin mo ako sa aking sekswalidad ay siguradong manghihinayang ka. Alam ng mga estudyante at mga professor dito sa unibersidad na bakla ako dahil na rin sa proud akong ipaalam sa kanila. So far, wala namang homophobic at bully dito sa school kaya okay lang magpakatotoo. Pwera na lang sa manyak na iyon.

Si Augusteus Ivanov. Ang dakilang manyak ng unibersidad. 3rd year college din at same course kami. Hindi kasi marunong lumugar ang lalakeng iyon. Kahit anong oras basta tinamaan ng libog ay go na go. Kung hindi may kahalikan, may kahipuan at take note, sa hallway pa ng mga rooms. Ewan ko ba kung saan humuhugot ng kapal ng mukha ang lalakeng iyon.

Binuksan ko ang aking locker at iniligay ang aking mga libro at kumuha ng panibago para sa aking susunod na klase.

"Huy, Julio." Tawag sa akin ng babae sabay tulak sa akin ng mahina dahil nakaharap pa rin ako sa aking locker.

"Anong kailangan mo Monica?" Tanong ko rito ng hindi man lang nag abalang harapin.

Naramdaman ko itong gumalaw sa aking likod papunta sa aking gilid at sumandal sa isa sa mga locker.

"Nakita ko iyung show niyo ni Augusteus. Grabe! Nakakakilig." Patili niyang wika sabay yugyog sa akin. Tumama tuloy ang ulo ko sa pintuan ng locker. "Ay, sorry." Paghingi niya ng paumanhin at nag peace sign. Tinignan ko lang siya ng matalim.

"Anong nakakakilig dun? Eh minamanyak na naman ako nun." Inis kong wika. Hindi parin ako maka-move on sa ginawa nito sa akin kanina.

"Hindi ka pa ba sanay? Eh halos araw-araw ka niyang minamanyak, hindi ka man lang pumapalag. In fairness ha? May chemistry." Kinikilig parin niyang sambit.

"Paano ako makakapalag eh palaging tumatakbo pagkatapos ng kaniyang pambubulabog," Malakas kong isinara ang akong locker. Naiinis parin kasi ako kay Agosto. Lage na lang niyang sinisira ang araw ko. "Atsaka anong chemistry ang pinagsasabi mo? Baka biology pwede pa. Babalatan ko talaga iyon ng buhay." Naglakad na ako papuntang classroom. Sumunod sa akin si Monica dahil magkaklase kami sa major.

"Sus. If I know ginusto mo rin iyon." Tumawa siya ng malakas.

Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na ng MacLab. Meron ng professor sa loob kaya dali-dali kaming umupo sa likod para makinig sa lesson. Tahimik lang kaming nakikinig ng biglang may pabalyang bumukas ng pinto at pumasok.

"Sorry sir, I'm late." Wika ni Agosto na gulo-gulo ang uniform at buhok.

Tumango lang si sir at iminuwestra na maupo na si Agosto. Tumingin muna siya sa paligid hanggang sa magtama ang aming mga mata. Lumawak ang kaniyang ngiti at inokupa ang aking katabing upuan.

"Julio mylabs." Sundot niya sa aking tagiliran at inilapit ang kaniyang upuan sa akin. Humagikhik naman ng mahina si Monica sa tabi ko.

Ipinulupot ni Agosto ang braso niya sa bewang ko at sumubsob sa aking leeg. "Hmm.. Ang bango mo labs. Nakaka-akit." Humigpit ang yakap nito at hinalik-halikan na naman ang aking leeg.

"Ano ba Agosto," dahan-dahan kong ikinalas ang kaniyang pagkakayakap pero ang loko hindi nagpatinag. "Hindi ako makapag-concentrate." Siniko ko siya ng medyo malakas.

"Aray!" Hiyaw niya kaya napatingin ang aming mga kaklase at professor sakanya. "What's the problem Mr. Ivanov?" Tanong ni Sir Valiejos.

"Kinagat po ni Julio ang dila ko sir habang naghahalikan kami. Nanggigigil po ata. Hindi na ata makapaghintay." Pa-inosente niyang sagot. Nagtawanan ang aming mga kaklase. Napa-iling lang si Sir habang ako namumula na sa hiya at galit. "Mamaya na kayo maglampungan diyan at gawin itong activity sa iMac. I-on niyo na ang mga computers niyo at magsimula na. I'll give you 30 minutes to finish this." Wika ni sir at itinuon ang atensyon sa pagche-check ng attendance.

Hinarap ko si Agosto na ngayon ay tumatawa ng mahina at hinampas sa braso. "Gago ka ah? Bakit ka nag imbento ng kwento? Nakakahiya iyung pinagsasabi mo." Nanggagalaiti kong sabi sakanya.

Tinawanan lang ako nito at ninakawan ng halik sa pisngi sabay urong ng upuan papunta sa kaniyang sariling computer. Pinabayaan ko na lang at nagsimula ng gawin ang activity. Magsasayang lang ako ng oras kung papatulan ko pa. May araw rin sa akin itong mokong na ito.

- - - - - - - - - - - - -

New story guys. Hope you like this one and pasensya na sa errors. Lalo na sa english grammar and tagalog. Proud bisaya kasi ito. Ciao!

Agosto Perverto [BoyxBoy]Where stories live. Discover now