Chapter Five

448 15 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm ng aking cellphone. Shit! Bat ko ba sinet ang alarm eh wala naman akong pasok ngayong sabado?

Tinignan ko ang orasan. 6:30am. 'Ang aga pa para magising. Makatulog nga ulit.' Babalik na sana ako sa dream land ng napabalikwas ako ng bangon.

'BAKIT KO NAKALIMUTAN?!'

Dali-dali akong pumasok ng banyo at nag-hilamos at nagsipilyo. Wala ng oras para maligo. Bahala na si batman. Konting wisik lang ng tubig  ganern!

Lumabas na ako ng banyo at dali-daling naghubad ng damit para magpalit. Tinapon ko na lang kung saan ang aking pinaghubaran at kumuha ng random shirt sa drawer at isinuot. Nagsuklay, nag-spray ng pabango at nagsuot ng sapatos bago mabilis na hinablot ang aking bag at lumabas ng boarding house. 'Sana hindi mapansin ni Armin na wala akong ligo. Nakakahiya!'

Tinakbo ko ang makipot na daan papuntang school. Habang tumatakbo, tiningnan ko ang aking relo. '7:15 na! Baka kanina pa ako hinihintay ni Armin sa field.'

Sa isiping 'yon ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Hindi na nga ako nakapag-sorry sa mga taong nabangga ko papasok ng school. First date namin 'to ni Armin tapos late pa 'ko dumating. Ano pa bang mukha ang ihaharap ko sakaniya?

'Julio! Nakakahiya ka! Pinaghintay mo ang isang napaka-gwapong nilalang. Ganda ka?' Inis kong bulyaw saking sarili.

Malayo pa lang ay nakita ko na si Armin na nakatayong naghihintay sa ilalim ng puno ng Acacia.

"Armin!" Sigaw ko sakaniya. Lumingon siya sa aking dereksiyon. Ng makalapit, hinawakan ko siya as kaniyang braso na hapong-hapo at hinahabol ang aking paghinga.

"Sorry kung pinaghintay kita Armin. Muntik ko ng makalimutan." Hingal na hingal kong sambit. Wooh! Grabe! Para akong tumakbo sa isang marathon. Dinaig ko pa si Usain Bolt.

Ng hindi makarinig ng sagot, ay nilingon ko siya. Nakatitig pala siya sakin, with amusement written on his handsome face.

"Ang cute ng damit mo." Sambit niya ng nakangiti. Nagtaka ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa suot ko. Shit! Bakit 'di ko muna tiningnan yung susuotin ko?

Ang suot ko lang naman ay isang pink na t-shirt na may cartoonized na unicorn sa gitna. Bigay ito ni Monica nung nagdaang pasko. Kamukha ko raw kasi. Langya! Ginawa pa akong kabayo!

Hindi ko pa naisusuot ito kahit na lagi akong kinukulit ni Monica, ngayon lang at never in my wildest dreams, as in never, ang maisuot ko 'tong shirt na 'to pero today was an exception. Sa sobrang pagmamadali ay hindi ko na napansin na ito pala ang nahila ko. Hays! Kung 'di ba naman T.A.N.G.A.

Tumawa ako. "Er, salamat? 'Di ko napansin na ito pala ang naisuot ko sa sobrang pagmamadali." Pabebe kong sagot.

"Sana araw-araw ka na lang nagmamadali para cute shirts ang maisuot mo. Bagay kasi sa'yo." Nakangiti niyang komento. Buti pa yung damit, cute. Charaught!

"Hindi ko inexpect na darating ka." Pagbasag niya sa ilang segundong dead air. "Akala ko nga, iindiyanin mo 'ko kasi akala mo pinagtitripan lang kita. Buti na lang pasensyoso ako." Nakangisi niyang wika sabay kindat.

"Huy grabe ka naman. Ano ako, indian para mang-indiyan?" Tumawa ako sa napaka-walang kwenta kong joke. "Pero teka Armin, anong oras ka ba dumating dito?" Nagtataka kong tanong.

"6am." Nakangiti niyang sagot. Biglang napawi ang aking ngiti. 6am? Ang aga naman yata eh samantalang 7am yung usapan namin.

Walang duda, Filipino time po ang inyong lingkod. HAHA

"Naku, sorry talaga Armin na pinaghintay kita ng matagal. Paano ba 'ko makakabawi sa'yo?" Sinserong paghingi ko ng pasensya. Pang ilang beses na ba akong nag-sorry sa kaniya?

"Let's just enjoy this day. That is enough payment." Aniya at kinindatan uli ako. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila papunta sa kaniyang sasakyan na naka-park sa tabi ng kalsada. Kinilig ang itlog ko mga bhe!

"Hindi mo na ako kailangan pagbuksan ng pinto, Armin. Para naman akong babae dahil sa ginagawa mo. Hindi rin naman ako baldado at saka bata pa po ako." Natatawa kong sabi sakaniya. Nung papalapit na kasi kami sa sasakyan, binitawan niya ang kamay ko at naunang lumapit sa pinto ng passenger seat. Ini-unlock niya ang sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Medyo nadismaya pa ako nung binitawan niya ang kamay ko pero biglang napawi nung nakita ko ang ginawa niya para sakin. Kinilig na naman ang betlog ko. HAHA

"It's just an old habit of mine. Regardless of what gender, I make sure I open the door first and let them in." Nakangiti niyang sagot. Bigla ako ng nalungkot sa sinabi niya. Akala ko pa naman may meaning na, 'yun pala old habit niya lang. Assume pa more! At teka! Them? So marami-rami na rin pala siyang niyaya noon? Hmmm....

Hindi na ako sumagot at umupo na sa passenger seat. Chineck muna ni Armin kung nakaupo na ako ng maayos bago niya isinara ang pinto at tumakbo papunta sa tabi ng driver's seat.

"Bakit nakabusangot iyang mukha mo?" Nagtataka niyang tanong ng makapasok at nakaupo na siya sa driver seat ng sasakyan. Bigla akong nahiya. Takte! Hindi ko man lang namalayan na nag-iba ang mood ko ng dahil lang sa sinabi ni Armin awhile ago.

"Ah, eh...." Paano ba 'to? Aaminin ko ba na medyo nagseselos ako sa ideyang marami ng niyaya si Armin noon at hindi ako ang una? Well to think of it, imposibleng ako talaga ang una kasi unang-una, gwapo siya. Siyempre marami ang nagkakagusto sakaniya at imposible ring wala siyang matipuhan ni isa sa kanila. Pangalawa, mabait siya. Siguro naman may mga kaklase itong nakiki-hitch o di kaya nagpapahatid mismo sa kanilang mga bahay para makalibre ng pamasahe at magkaroon ng pagkakataong landiin si Armin. Oh diba? Maraming posibilidad pero shit! Sa isiping may lumalandi kay Armin, parang umakyat lahat ng dugo ko sa utak. Mga haliparot! Charot! Feeling jowa lang ang peg ah.

Nagsimula na akong pagpawisan dahil sa kaba at sa pagkataranta. "Mainit kasi eh." Natataranta kong kinapa yung air vent ng aircon ng sasakyan. "Ano ba 'yan! Sira ata aircon ng sasakyan mo. Hindi bumubuga ng malamig na hangin." Kamot-ulo kong sabi sakaniya at itinutok yung aircon sa aking gawi kahit na walang hangin na lumalabas.

Malulutong na tawa ang narinig ko mula sakaniya. "Eh hindi ko pa kasi pinaandar yung sasakyan. Masyado ka namang excited." Paputol-putol niyang sagot sabay tawa ng malakas.

Nakaramdam ako ng matinding kahihiyan. 'Yan ang napapala ng pagiging assumera, Julio. Magdusa ka!'

Ibinaling ko na lang ang aking tingin sa labas ng bintana para itago ang aking kahihiyan. Paniguradong namumula na ang aking mukha dahil sa pagkapahiya.

"Hey!" Sinundot ni Armin ang aking tagiliran. Napaiktad ako sa gulat at sinamaan siya ng tingin. "I was just kidding. I didn't mean to offend you." He is still chuckling. Wow ha? Hindi talaga siya offensive pero tumatawa parin ang damuho!

"Okay, that's enough." Umayos na siya ng upo at inayos na rin ang kaniyang mukha na halatang nagpipigil pa rin ng tawa. Tinaasan ko siya ng kilay habang hindi inaalis ang masasamang tingin na ibinabato ko sakaniya.

Humalagpak ulit siya ng tawa. "I'm sorry. I just can't help it. You are too amusing and too cute when you are nervous." Pinahid niya ang namumuong luha sa gilid ng kaniyang mata mula sa sobrang pagtawa.

Muli kong ibinaling sa labas ang aking mga mata. Namumula na naman kasi ang aking mukha. Hindi dahil sa pagkapahiya, kundi dahil sa kilig.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry late update. :)

Agosto Perverto [BoyxBoy]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن