Chapter Six

394 14 6
                                    

Dinala ako ni Armin sa isang motel at aming sinulit ang labin-dalawang oras na kaligayahan sa ibabaw ng kama.  Pero siyempre, charot ko lang iyon. Virgin pa 'to no. At alam niyo na, sagrado ang sex para sakin. Para lang iyon sa dalawang taong tunay na nagmamahalan. Bakit ba ang landi ng isipan ko ngayon?

Wala kaming napagkasunduan na lugar ni Armin kaya sa mall kami napunta. Cliché much. Halos dito yata nagde-date ang mga tao. Wala naman bang bago?

"Kain muna tayo. I'm starving." Wika ni Armin ng nakapag-park na kami sa parking lot ng mall. Sumang-ayon ako kasi nagugutom na rin ako. Chineck ko ang oras sa aking relo. 9:30 pa. Eh alas diyes nagbubukas ang mall.

"Armin, hindi pa bukas ang mall. Saan tayo kakain?" Tanong ko sa kaniya pagkababa namin ng sasakyan at nagsimulang maglakad papunta ng mall.

"My Aunt has a restaurant near here. The food is good. I guarantee you." Nakangiti niyang sagot sabay akbay ng braso niya sakin. Kinilig ako sa ginawa niya. Para kasi kaming mag-jowa.

Habang naglalakad patungo sa restaurant na sinasabi niya, hindi ko maiwasang maamoy ang kaniyang pabango. Grabe! Lalaking-lalaki. Hindi gaanong matapang. Bagay yung amoy sa mukha at tindig niya. Parang ginawa yung pabango exclusive para sa kaniya.

Feel na feel ko talaga ang moment sa pag-amoy sa kaniya kasi nakapikit pa ako with matching singhot-singhot. "Would you mind leaving a bit of scent of my perfume from my body?"
Napamulat ako ng mata ng magsalita siya. Sumalubong sa akin ang nakangiti niyang mukha. Napaatras ako ng bahagya kasi malapit na yung mukha namin sa isa't-isa. "H-hoy grabe ka! 'Di naman kita inaamoy ah." Pa-iwas kong sagot. Duh! Hindi ako aamin oy kahit huling-huli na. Nakakahiya kaya. Tumawa siya ng mahina sa naging sagot ko.

Pumasok kami sa isang medyo sosyaling restaurant. Sinalubong kami ng isang medyo may edad na babae pero hindi parin nawawala ang pagiging sopistikada nito. Pinakilala ako ni Armin at saka iginiya kami sa isang mesa na malayo sa pintuan.

"Kain lang ng kain mga iho, ah?" Wika ni Auntie Margi, ang tita ni Armin. Naghapag pa ito ng mga ulam sa aming mesa. "Naku po tita, andami po nito." Kamot-ulo kong sabi kay Tita Margi. Limang klase ng iba't-ibang ulam kasi ang nakahain sa aming harapan.

Ngumiti lang si Tita Margi. "Don't you worry, Julio. Armin maybe physically fit but he had a big appetite. He would definitely finish all of these. Right, Armin?" Tumango lang si Armin sa sinabi ng kaniyang tita bago ibinaling ang tingin sakin at kinindatan ako bago nagpatuloy sa pagkain. "You should eat more, Julio. You are so skinny." Pagpapatuloy ni tita. "This is my treat, so eat up. I would be leaving you for awhile. I have guests to accomodate." Pag-excuse niya sa amin. Medyo dumami kasi ang mga tao sa loob ng restau kahit maaga pa. Mukhang sikat yata ang business nila at binabalik-balikan. Well, proven na kasi masasarap talaga ang mga putahe nila.

-----------------------------------------------------------

Saktong alas dyes ng matapos kaming kumain ni Armin. Grabe! Ke macho machong lalake pero ang laki kung  lumamon. Pwede na yata 'tong sumabak sa youtube at mag mukbang na lang. Siguradong marami 'tong magiging followers dahil sa gwapo na, matakaw pa. HAHAHAHAHA. Nagpaalam na kami ni Armin kay Tita Margi na mamasyal  muna kami sa mall. 

"Nabusog ka ba?"  Tanong ni Armin habang papalabas kami ng restaurant. "Oo naman. Sino ba'ng di mabubusog eh 'yung kaharap ko,  magana kung kumain." Tumatawa 'kong sagot.

Hindi parin nawawala ang aking mga ngiti habang naglalakad pauwi sa aking tinutuluyang boarding house. Sino ba namang hindi eh buong araw kaming nag-date ni Armin. Walang mga epal at mga panira ng araw.

Gusto pa sana niya akong ihatid mismo sa tapat ng boarding house pero hindi ako pumayag kasi gabi na rin masyado at malayo pa ang kaniyang uuwian. Kahit bakas sa mukha niya ang pagtutol ay hindi na siya nagpumilit pa. Buti na lang! Nakakahiya na kasi. Siya kasi lahat gumastos ngayong araw. Iba talaga pag mayaman!

Medyo malayo ang boarding house ko sa mismong pinagbabaan ni Armin sa akin. Kahit na alam ko, eh hindi ko sinabi dahil panigurado pipilitin niya akong ihatid. Kahit masakit na ang dalawang paa ko mula sa buong araw na paglalakad ay tiniis ko na. Tutal sulit naman at masaya ang nangyari sa aking araw eh.

Hay, sakawas! Narating ko na rin ang boarding house ko. Ang aming boarding house ay parang apartment type pero mas maliit nga lang ang mga silid kaya okay lang kahit matagal kang makauwi dahil walang asungot na roommate ang maghihintay sa'yo at bubulyawan ka kasi ginising mo siya ng dis-oras ng gabi para pagbuksan ka ng pinto. Wala ring curfew kaya swak talaga sa mga college students na nag-aaral ng maayos tulad ko. Hihi.

Nasa ikatlong palapag ang aking kwarto kaya kailangan ko pang umakyat ng hagdanan. Papasok na ako ng gate ng may mapansin akong taong nakaupo sa paanan ng hagdan. Kahit medyo madilim sa parteng iyon ay naaninag ko parin ang matatalim na titig na ibinabato niya sakin.

"San ka galing?" Wika ng taong nakaupo sa hagdan na nagpanginig sa akin. Nakakatakot kasi ang paraan ng pagkabigkas niya. Parang tatay na nahuli ang kaniyang unica iha na dis-oras na ng gabi nakauwi. Dahan-dahan itong tumayo at lumapit sa akin sa may gate.

"Agosto? Anong ginagawa mo rito?" Nagtataka kong tanong sa kaniya ng malaman ko kung sino. Sinulyapan ko ang kaniyang mukha ng siya ay makalapit. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkabagot at pagkairita na may halong pagod?

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Matigas niyang utas habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata. Bigla akong nainis. Akala mo kung sino ah!

"Wala ka ng pakialam kung saan ako galing." Pinilit kong itago ang pagka-inis ko at nilampasan siya. Wala pang isang dangkal ang pagitan namin ng bigla niyang hinablot ang aking braso at pilit akong iniharap sa kaniya. "Ano ba?!" Inis kong bulyaw sa kaniya ng magtama ang aming mga mata. Napansin kong malamlam ang kaniyang mga mata na parang pagod na pagod siya pero winalang bahala ko na lang. "Bakit ka ba andito?"

"T*ngna Julio! Labin-limang oras akong naghintay sa'yo tapos tatalikuran mo lang? Hindi mo rin sinasagot ang tanong ko kung saan ka galing!" Pagalit niyang bulyaw sakin. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa aking braso. Napatanga ako sa kaniya dahil sa gulat. Ikaw ba naman bulyawan sa mukha. Tsk! "Ano?! Sagutin mo nga ako!" Inalog niya ko ng medyo malakas na naging dahilan para bumalik ako sa aking wisyo. "Bakit ba gusto mong malaman? Ano ba kita? Tatay? Kung umasta ka para kang tatay eh. Hmp!" Inis kong sagot sabay kalas sa kaniyang hawak. Hindi ko na napigilan ang inis ko. Sobra na eh.

"Ang insensitive mo naman. Sagot lang hinihingi ko para naman malaman ko kung bakit wala ka rito. Kanina pa 'ko naghihintay sayo. Masama bang mag-alala?" Buntong-hininga niyang sabi. "You know what? Fine. Kung ayaw mong sagutin, bahala ka." Tinalikuran na niya ako. "I'm calling it a day. Good night." At tuluyan na siyang lumabas ng gate at naglakad palayo. 

Bigla akong napako sa aking kinatatayuan. Bakit parang na-guilty ako sa ginawa ko sa kaniya? Nag tanong lang naman yung tao pero bakit di ko masagot-sagot? At anong sabi niya? Labin-limang oras siyang naghintay sakin dito? Wala namang nagsabi or nag-utos ah? Pero bakit parang naawa ako. Huhuhu. 

Nagtatalo na ang aking isipan kung hahabulin ko pa ba siya o hindi. Hindi ko na alam ang gagawin. LORD, help me po.

Agosto Perverto [BoyxBoy]Where stories live. Discover now