Chapter Two

951 24 1
                                    

"I'll see you all tomorrow." Pagdi-dismiss ni sir sa amin. Nagsitayuan na ang aking mga kaklase at nagsimulang lumabas ng room.

"Jul, mauna na ako sa'yo. Male-late na ako sa next class ko eh." Paalam ni Monica sakin.

"Sige. Kita na lang tayo mamaya." Sagot ko habang nagliligpit ng gamit. Tumango lang ito at lumabas na ng laboratory. Napatingin ako sa loob ng lab. Ako na lang pala ang natira. Hays! Buti na lang walang Agosto, baka manyakin ulit ako nun. Tsk!

Tumayo na ako at lumabas ng lab. Tumingin ako sa aking relos. "4:30 na pala. May dalawang oras pa akong vacant para sa susunod kong klase. San kaya ako tatambay nito?" Bulong ko sa aking sarili at hindi ko napigilang mag-pout. Dalawang oras lang naman kasi akong mabo-bored to death. Wala pa naman si Monica para maka-asaran ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa kahabaan ng tahimik na hallway ng mga rooms. Papunta kasi ako ng locker room para ilagay ang aking libro.

Naghu-hum lang ako sa tono ng Roses by The Chainsmokers ng makarinig ako ng kaluskos. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Wala namang tao.

"Hmmm..." Ano ba iyun? San ba nanggagaling ang tunog iyun? Sinundan ko ito. Napadpad ako sa isang CR sa dulo ng building. Nagsisimula na akong kilabutan. Marami kasi ang sabi-sabi dito sa school na haunted daw ang mga cr ng building na ito. Kakaripas na sana ako ng takbo ng may nagsalita.

"A-august..." Shit! Walang hiya talaga. Akala ko pa naman multo. May ginagawang milagro pala ang hinayupak. Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan ng cr at sumilip para i-confirm ang aking hinala. Si Augusteus! May kahalikang babae na nakaupo sa lababo ng comfort room. Nakapulupot ang mga paa ng babae sa bewang ni Agosto habang si Agosto nama'y nakatayo, bukas ang polo nilang dalawa at nilalamas ang dibdib ng babae.

"Jul.." Halinghing ni Agosto sa leeg ng babae sabay halik rin dito. Todo halinghing din ang babae na parang malalagutan na ng hininga sa sarap. Napapikit ako sa aking nakita. Dahan-dahan akong umalis doon at baka mahuli pa ako ni Agosto na sumisilip sa kanilang live action. Mabilis akong naglakad patungong locker room. Nandidiri ako sa aking nasasksihan. Hindi naman ako inosente at alam ko kung saan patungo iyon. Inaamin ko na nanunuod din naman ako ng porn pero gay porn lang halos. Hindi ko masikmura ang straight lalo na kung sobrang OA humalinghing ng babae sa video.

"Julio!" Napa-igtad ako sa gulat. Sinigawan lang naman ako sa mukha ng kaibigan ko habang naglalakad.

"Oh Candice, anong meron sa atin?" Tanong ko sakaniya. Siya si Candice Flores. Isa sa mga naging classmate ko sa isang minor subject noon na naging close friend ko. Isa siyang transexual.

"Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo friend hindi ka naman lumilingon." Pa-irap niyang wika. Napatingin ako sa kaniyang likuran ng mapansin kong may kasama siya. "Oh by the way, this is Carlo. My boyfie." Pagpapakilala niya sa kasama.

"Hi." Bati nung Carlo sabay abot ng kamay para makipag-shake hands. "Hello. I'm Julio. Nice meeting you." At inabot ko rin ang kamay. "Eto lang ba ang dahilan kung bakit mo ako tinawag? Ang ipamukha sa akin na may jowa ka na?" Baling ko kay Candice ng nakangiti. Masaya ako para sakaniya.

"Partly oo, hehe." malambing niyang tiningnan si Carlo at isinukbit ang dalawang kamay sa kaniyang braso. Binaling uli niya ang kaniyang atensyon sa akin. "Balita ko kasi na may something sa inyo ni August kaya hinanap agad kita. Naku Julio, mag-ingat ka dun. Alam mo naman ang reputasyon ng lalaking yun. Chickboy at pervert. Baka pinaglalaruan ka lang nun. Balita ko rin na malaki ang 'ano' nun kay doble ingat ka talaga." Natawa ako ng biglang hinampas ni Carlo ang pwet ni Candice at biglang sumimangot dahil sa sinabi nito. Natawa na rin si Candice sa pagiging seloso ng bf nito.

"Alam ko naman iyon eh. 'Di mo na ako kailangang pagsabihan. Hindi naman rin ako magpapahulog sa patibong ng lalaking manyak na yun." Kampante kong sagot. Sa totoo lang, kinakabahan na ako. Gwapo kasi si Agosto. Ma-appeal, matangkad, at umaapaw ang kasexyhan. Malabong hindi ka mahuhulog sa good looks at charisma nito. Foreignoy kasi eh.

"Basta ha? Binalaan na kita. Marami sa aking mga girlfriends ang napa-iyak na nung lalaking iyun. Osiya, aalis na kami. May klase pa kasi kami ni Carlo. See you around." Humalik ito sa aking pisngi at hinila si Carlo. Nagtanguan lang kami ni Carlo bago siya nagpatangay kay Candice.

Napabuga ako ng hininga. Buti pa siya. Nahanap na niya ang lalaking mamahalin niya. Ako kaya kelan ko siya mahahanap?

"Nandito lang naman ako ah?" Wika ng isang boses na nagpagulat sa akin.

"Shit!" Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat at hinarap ang taong pinanggalingan ng boses.

"Seriously? Papatayin niyo ba akong lahat sa gulat?" Sapo ko ang aking noo sa inis.

"I'm sorry." Wika uli ng boses. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa aking noo at tiningnan ang taong nasa likod ng panggugulat.

Muntik na akong matumba dahil sa tumambad sa aking harapan. Isang adonis na bumaba mula sa langit!

Tumikhim ako para maitago ang aking pagkatulala at naglalaway na reaksyon.

"A-aah..." Tumikhim uli ako. Para kasing tinakasan ako ng boses ko. "B-bakit Armin?" Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. Siya si Armin Van Corput. Ang isa sa mga hinahangaang lalake dito sa school. 4th time defending champion lang naman siya sa mga paligsahan ng mga gwapo at magaganda tulad ng Mr. and Ms. Intramurals. Varsity player rin ito sa basketball katulad ni Agosto. 4th year na siya at kasalukuyang kumukuha ng kursong Electronics Engineering at balita ko, dean's lister din siya.

He looked at me with amusement in his eyes. "I didn't know you knew about me." He grinned at me.

Tumawa ako ng malakas. "Sino bang hindi makaka-kilala sa'yo eh halos lahat ng students dito sa school fan mo." Lakas pala ng sense of humor nito.

"So fan pala kita?" Wika nito. Hindi parin natatanggal ang pagkaka-ngisi nito.

"Oo kaya. Galing mo maglaro ng basketball." Pagbibigay puri ko sa kaniyang mga laro. Natanggal na rin sawakas ang awkwardness na nararamdaman ko dahil sa pagkakatulala ko sakaniya kanina.

Tumawa siya ng mahina. Grabe! Ang sexy niyang tumawa. Nakaka-akit. "I'm always here. You just can't seem to notice."

"Huh?" Binigyan ko siya ng nalilitong ekspresyon.

He chuckled. "You're talking to yourself a while ago about the girl whom you talked to just now, is lucky to find someone in her life and asked yourself when is the time to find yours too." Oh shit! Nasabi ko ba talaga iyun ng malakas? Dapat sa utak ko lang  yun eh. Hays.

Tumawa ako para maitago ang pagkapahiya. "Uhm.. Hindi naman ako seryoso nun eh." Wtf? Is he flirting with me?

"Yes. I'm flirting with you." He said with a wink.

"Nababasa mo ba ang nasa utak ko?" Pinandilatan ko siya ng mata.

Tumawa siya ng malakas kaya napatingin ang ibang estudyante sa amin. "Nope. I don't have any telepathic powers. Nababasa ko sa reaksyon mo."

Namula ako. Ganun ba ako ka obvious? "I-i uhm.. Armin. I didn't know you were gay." Awkward kong sabi.

"Now that you know, would you mind us knowing each other even more further?" Sinsero niyang tanong. What?!!!

"I- uhm.. Sure." Sagot ko sabay tango. Wala namang mawawala kung makikipag-kaibigan ako kay Armin diba?

"Great! I'll see you tomorrow. Nice meeting you Julio." Paalam nito sabay kindat at saka tumalikod.

Teka? Hindi pa naman ako nagpapakilala sa kaniya ah? Ba't alam niya ang pangalan ko?

Napa-iling na lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad patungong locker room. Hindi pa ako nakakalapit sa locker ko ng may humila sa akin at inipit sa pinto ng isang locker.

Nagulat man ay sinubukan ko pang kumalas sa kung sino man ang dumagan sa akin ngunit mas malakas ito at mas matangkad kaya wala rin akong nagawa.

"Akin ka lang. Akin ka lang. Akin ka lang." Wika ng lalaki na ngayon ay nakayakap na sakin. Pamilyar sa akin ang boses nito.

Biglang inangat ng lalake ang kaniyang mukha. Si Augusteus. At sumisklab na parang apoy ang kaniyang mga mata.

- - - - - - - - - - - -

Mataas na update. Hehe.

Agosto Perverto [BoyxBoy]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt