Chapter Four

726 18 4
                                    

Pagkatapos ng nangyari sa food court, ay hindi ko na nakita pa si Agosto. Hindi siya pumasok sa klase namin kay Prof. Valiejo. Nagtataka nga si Monica eh at tinanong ako dahil kami raw ang huling magkasama. Isang malaking ewan lang ang sinagot ko.

"Jul, sigurado ka ba na wala kang ginawa kay Agosto? Baka pinasalvage mo siya kaya hindi siya pumasok ngayon." Pangungulit ni Monica sa akin. Kasalukuyan kaming patungo sa locker room para ilagay ang aming mga aklat.

"Kahit na gustong-gusto kong gawin iyun sakaniya Monica, hindi naman ako masamang tao para ituloy ang binabalak ko. May konsensya pa naman ako. Atsaka, baka habulin ako ng mga babaeng nabuntis nun at ipa-salvage din. Tsk." Narating na namin ang locker room at iniligay ang aming nga aklat. Naunang matapos si Monica.

"Sige, sabi mo eh. Mauna na ako sa'yo. Mahuhuli na ako sa klase. See you later." Pagpapaalam nito at tumakbo palayo. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng aking locker. Ng matapos, ay sinarado ko na ito at pumunta sa football field. Doon ako magpapalipas ng bakanteng oras.

- - - - - - - - - -

Ang sarap talaga ng hangin dito sa football field. Marami kasing malalaking puno kaya masarap tumambay dito. Nakapwesto ako sa ilalim ng isang puno ng acacia, medyo malayo sa mga naglalaro ng soccer. Buti na lang nakahanap ako ng magandang pwesto para hindi ako tamaan ng ligaw na bola. Hihi.

Umupo na ako at inilabas ang aking libro. Kailangan ko ng magsunog ng kilay dahil sa susunod na linggo na ang midterms. Hindi pwe-pwedeng hindi mag-aral kasi lagot ako sa tatay ko sa London. Nangibang bansa siya para may maipampa-aral lang samin kaya bilang pasasalamat ko sakaniya, ay pagbubutihin ko ang pag-aaral. I will make him proud.

"Wow, ang sipag mag-aral ah?" Tinig ng lalaki sa aking harapan.

"Uy, ikaw pala Armin." Sumalubong sa akin ang napakagwapo niyang mukha na may malawak na ngiti sa labi. Naka-basketball uniform pa siya at may naka-ipit na bola sa kaniyang braso at bewang. Mukhang galing pa ito sa kanilang ensayo sa varsity team.

"Nag-hahanda ka na ba para sa midterms next week?" Tanong niya at umupo sa aking tabi. Kahit na pawis na pawis, hindi naman siya mabantot. Sa katunayan, lalaking-lalaki ang amoy niya. As in, tunay na lalake.

"Ah, oo. Hindi kasi pwedeng pa petiks-petiks lang. Para ito sa ekonomiya ng pilipinas." Nakangiti kong sagot. Pero ang lalaki tinawanan lang ako.

"Anong nakakatawa?" Naguguluhan kong tanong sakaniya.

Umiling lang siya. "Pang miss universe kasi ang sagot mo eh." At muling tumawa.

"Edi wow?" Taas kilay kong sagot.

"Eto naman, nagbibiro lang. Pasensya na kung nako-cornyhan ka sa akin. First time ko kasing nakakausap ang taong hinahangaan ko." Wika nito sabay kamot ng kaniyang ulo. Wait, taong hinahangaan?

"Crush mo'ko?" Paninigurado ko. Masakit mag-assume bes. Hahaha.

Namula ito sa aking tanong. "A-ah, a-ano ba iyang binabasa m-mo?" Pag-iwas nito sa aking tanong at hinaklit ang hawak kong libro. "Hmm.. Madali lang itong statistics. Gusto mo turuan kita?"

Na-excite ako sa kaniyang sinabi. Meron kasi akong hindi maintindihan sa turo ni prof at sa libro. "Sige ba! Sakto, meron akong hindi maintindihan sa formula ng Permutation." Sagot ko.

Tumawa siya. "Madali lang iyan. Diyan yata ako nakakuha ng perfect score sa quiz namin." Pagmamayabang nito.

"Wow ha? Ang hangin." Tumawa na rin ako. Sa totoo lang, may maipagmamayabang talaga siya. Dean's Lister kasi siya simula first year hanggang ngayon. Hays. Iba talaga ang may beauty and brains. Hindi katulad nung isa, beauty lang. Psh!

Agosto Perverto [BoyxBoy]Where stories live. Discover now